Chapter 12

147 1 0
                                    

Padabog kong sinara ang pintuan ng room ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagkaka-ganito, hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan? Ito ba ang tinatawag nilang love? But no, it's impossible na agad ko siyang mamahalin, isang buwan palang kami nagkakilala. Pero bakit ako naaapektuhan ng ganito? Bakit ako nasaktan sa mga sinabi ng mga babae kanina sa washroom? This is frustrating me.

"Ahhhhhhh!"

Tinanggal ko ang suot kong sandals at nahiga sa kama. Bahala na kung ano ang mangyayari sa susunod namin pagkikita. Feeling ko dahil sa galit ako nawalan ako ng enerhiya, inayos ko ang pagkahiga ko at ipinikit ang mata.

Nagising ako na kumakalam ang tiyan ko, bumangon ako at tiningnan ang orasan na nasa tabi ko. It's two thirty in the afternoon, kaha pala nagugutom na ako hindi pala ako nakapag-lunch. Sa baba nalang ako kakain

"Gutom na ako!"

Ininat ko ang katawan ko at bumangon. Pagkatapos kong mag-hilamos inayos ko ang sarili ko sa harap ng salamin, nagpalit na rin ako ng damit. I'm wearing denim short and spaghetti strap with cardigan.

"Oh my god!"

Pagbukas ko ng pinto nakita kong nakayukong nakaupo si Kiandro sa sahig.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

Nag-angat siya ng tingin at mapungay ang matang nakatingin sa akin.

"Hinihintay kang lumabas, alam kong hindi ka pa kumakain." tumayo siya.

Nakikita kong namumula ang ilong at pisngi niya. He look tired.

"Kanina ka pa ba dito?" tanong ko, nagi-guilty ako.

"Kanina pa nung umalis ka sa baba, hinanap kita sa labas wala ka naman halos masuyod ko ang buong El Vista eh. Pero nang magtanong ako sa receptionist kung ano number ng room mo tiningnan ko kung occupied ba?" bumahing siya "na-relief ako nung nalaman kong occupied, kaya pumunta ako dito." mapungay pa rin ang mata niyang nakatingin sa akin.

Walang salitang lumabas sa bigbig. I just stare at him and I suddenly felt guilty. Bakit ba siya ganito?

"Kumain ka na?" tanong ko.

Umiling siya.

"What? Hindi ka pa kumain ng lunch?" gulat kong tanong.

"I told you I was waiting for you to come out hanggang sa nakatulog nalang ako dito sa labas." bumahing ulit siya "Breakfast and lunch!" dagdag niya.

Laglag panga akong nakatingin sa kanya. Mas lalong nadagdagan ang guilt na nararamdaman ko sa kanya. Dapat hindi na ako magalit sa kanya eh, wala naman siyang ginagawang masama. Ako lang itong may problema.

"Nababaliw ka na? Halika ka na nga kumain na tayo sa baba." wala sa sarili kong hinawakan ang kamay niya.

Natigilan siya sa ginawa ko pero bago ko pa maalis ang kamay ko, hinawakan niya ito ng mahigpit. Ang init ng kamay niya tapos kanina pa siya bahing ng bahing.

Nagulat siya sa bigla kong pagharap, hinawakan ko ang noo at leeg niya. Shit! Nilaglagnat siya.

"You have fever! San ka ba kasi pumunta at nagka-fever ka?"

"Umulan kasi kanina nung hinanap kita sa labas." nag-iwas siya ng tingin.

Pumikit ako at hinila siya pabalik sa room ko. Bahala na, kasalanan ko kung bat siya nagkalagnat.

"Sit there!" sabi ko.

"Pero gutom ka na diba? Kaya ko naman sarili ko." sabi niya.

At talang matigas pa ulo mo ha? Huminga ako ng malalim.

Reason Enough (Fressia Elaine And Kiandro Emmanuel)Where stories live. Discover now