Nasa pintuan palang ako naririnig ko na si Mama at Papa na nagtatawanan.
"Alam mo Fidel, kahit kailan talaga baliw ka." sabi ni Mama habang tumatawa.
"Sabi ko kasi sayo wag mong hawakan yun. Kaso matigas ulo mo kaya hinayaan na kita." si Papa.
"Nasira tuloy kuko ko." halakhak ni Mama.
"Edi sana kasi hindi mo yun hinawakan, nangitim tuloy kamay mo." halakhak ni Papa.
Nakita kong kinurot ni Mama ang tagiliran ni Papa kaya mas lalo silang nagtawanan.
I am so happy seeing them like that, yung halakhak palang nila nababawasan ang bigat ng nararamdaman ko. After a long terrifying day, home is my comfort zone.
"Oh! Anak, kanina ka pa diyan?" tanong ni Mama.
Lumapit ako at humalik sa pisngi nila.
"Hindi naman po, kararating ko lang." sabi ko habang nilalapag ang bag sa sala.
"Alam mo ba itong Mama mo anak, hinawakan yung tools ng sasakyan kanina sa garahe. Ayan, nasira kuko niya. Nangitim pa" masayang kwento ni Papa.
"Eh hindi mo naman sinabi na didikit yung itim sa kamay ko." sabi ni Mama na halatang natatawa pa rin.
Tumatawa ako habang nagkukwento sila. Gusto kong ganito lagi sila Mama, yung walang iniisip na kung anu-ano.
"Dapat naman kasi Mama nakinig ka kay Papa. Diba Pa?" sabi ko habang natatawa pa rin.
Ngumuso si Mama at tumawa.
"Anak, mas matigas pa ulo ng Mama mo kesa sayo. Kaya hinayaan kong hawakan niya yun." sabi ni Papa.
"Hindi ko na yun uulitin pa Fidel, ngayong alam ko na makakasira yun ng kuko ko." maarteng sabi ni Mama.
Tumawa kami ni Papa habang tiningnan si Mama na mukhang binagsakan ng mundo dahil sa nangyari sa kuko niya.
Napansin kong wala pa rin si Kuya dito, pagabi na ha? Kaninang umaga pa siya wala dito. Hindi ko siya nakita the whole day, sabi naman ni Kiandro may inaasikaso lang siya sa palengke.
Napapadalas ata pagpunta ni Kuya sa panlengke ha?
"Ma, asan po si Kuya?" tanong ko.
Nakita kong natigilan si Papa sa ginagawa niya, hindi ko nalang pinansin yun.
"Nasa palengke pa Anak, kasma si Mario." sagot niya.
"Kanina na po ba siya dun? Kaninang umaga wala rin siya dito." I asked as i didn't notice everything.
"May inaasikaso lang."
Tumango ako at tumayo para magpaalam na aakyat na ako.
"Akyat na po ako, maliligo pa po ako." paalam ko sa kanila.
Tumango si Papa ganun din si Mama. Pero bago pa ako makatungtung sa hagdanan, narinig kong dumating si Kuya. May mga kasama siya at ang una kong napansin aybang titig ni Kiandro sa akin.
Ano bang problema ng lalaking to? Busangot nalang lagi.
"Oh Fressia, good evening." yakap ni Kuya sa akin.
"Bat ngayon ka lang?"
"May inaasikaso lang." sabay kurot ng pisngi ko.
"Kaninang umaga ka pa wala eh, kaya hinahanap hanap kita." sabi ko.
"Pasensya ka na at marami akong inaasikaso. By the way kamusta ang exam niyo?"
"Ok naman, tapos na kami. I'm tired Kuya." sabi ko habang humihikab.

YOU ARE READING
Reason Enough (Fressia Elaine And Kiandro Emmanuel)
RomansaYou crave the deepest connections with others, but you don't trust to let anyone in.