Chapter 11

104 0 0
                                    

Wearing my sweetheart floral black flare dress, sumakay ako sa aming sasakyan na kanina pa naghihintay sa akin. Ngayon kasi kami aalis papuntang Tagaytay, im with Kuya and Manong Mario.

"Mag-iingat kayo dun, okay?" si Papa na isa isa kaming hinalikan sa pisngi ni Kuya "at sabihin niyo rin sa mag-asawang Sy na hindi kami makakapunta." dagdag niya.

"Don't worry, Pa." sabi ni Kuya.

Inayos ko ang sealtbelt ko at tiningnan si Mama at Papa. Mamaya aalis din sila para sa isang party na dadaluhan nila sa Palawan, the reason kung bakit kami ni Kuya ang makaka-attend sa charity event.

"Felix, yang kapatid mo ipasyal mo sa magagandang spot dun." bilin ni Mama kay Kuya na ngayon ay abala sa pag-aayos ng seatbelt niya.

Tumango at kumindat si Kuya kay Mama ako naman ay umirap.

"Yes po Mama, sisiguraduhin kong mag-eenjoy dun si Fressia." sabay ngiti sa akin.

Ngumiti rin ako at umirap.

"Yeah! Yeah!" sabi ko.

Kinurot niya ang pisngi ko dahilan kung bat ako natawa.

"Sige na Ma, Pa alis na kami dun nalang kami kakain ng breakfast." paalan ni Kuya.

"Oh sige, mag-ingat kayo. Bantayan mo yang kapatid mo." bilin ulit ni Papa.

Tumawa ako.

"Pa, hindi na ako bata." i pouted.

Tumawa silang dalawa ni Mama kaya pati kami ni Kuya ay natawa na rin.

"Anak, baka hindi ka aware na ang ganda mo ngayon. Malay mo may lumapit sayong lalaki dun?" sabi ni Mama.

Umirap nalang ako at tumawa. Kahit kailan talaga si Mama, she's always like that palaging binoboost ang self confidence ko and I'm not comfortable with it. Nakakahiya!

Hindi naman mahaba ang biyahe from Manila to Tagaytay, dalawang oras lang. Agad kaming nakarating sa isang five star hotel na pag-aari ng mga Sy ang El Vista Highlands Hotel, dito rin gaganapin sa hotel na ito ang charity event na nadadaluhan namin bukas.

Bumaba si Kuya sa sasakyan at sumunod naman ako, inayos ko ang gusot ng damit ko at ang aking buhok na medyo nagulo, inayos ko rin ang pagkalagay ng hair clip ko sa aking buhok.

"Woooooow! Ang ganda naman pala ng hotel ng mga Sy, Kuya."

"Yeah! So ano, puntahan na natin ang hotel room natin? Magkaiba tayo ng room, katabi mo lang ako." sabi ni Kuya.

Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Kuya dahil masyado akong mangha sa desenyo at furnitures ng hotel na ito, sumisigaw ng karangyaan ang bawat sulok neto.

"Monterio Family." sabi ni Kuya sa receptionist.

"Room 104 and 105. Enjoy your stay here in El Vista Highlands Hotel." ngiting sabi ng reception.

Nginitian niya ako kaya ngumiti rin ako sa kanya.

"Thank you." sabi ni Kuya at kinuha ang key card namin.

"Thanks!" sabi ko sa receptionist.

Kinuha agad ng isang room boy ang bagahe namin para ihatid sa aming hotel room.

Inabot ni Kuya sa akin ang card ko.

"Here! Gusto mo na bang magbreakfast?" tanong niya.

"Can I rest for 15 minutes Kuya? Medyo masakit balakang ko." nagstrecth ako.

Ngumiti siya sa akin.

"Oh sige! Pahinga muna tayo, maaga pa naman."

Tumango ako pumasok na sa room ko at ganun din ang ginawa ni Kuya. Sinara ko ang pinto at sinuyod ko ang kabuuan ng hotel room ko. The furnitures of this room are really luxurious! The paintings and everything in this room are expensive. Ang ganda I think this is presidential suite, napanganga ako nang marealize kong isa ito sa presidential suite ng hotel na ito. Really? Presidential suite for one day? This is too much.

Reason Enough (Fressia Elaine And Kiandro Emmanuel)Where stories live. Discover now