Chapter 14

134 5 0
                                    

Suot-suot ang magandang gown na nirekomenda ni Mama para sa akin, I look myself in front of the mirror, my hair is in bun at may maliit na bulaklak na nilagay si Britney dito. Malaking silbi talaga ang nagagawa ng make-up, tumingkayad at naging maaliwas ang mukha. Syempre kung hindi dahil kay Ate Precy at sa staff niya, hindi ako magmumukhang maganda ngayon.

"Ayan! Tapos na! Ang ganda mo lalo, siguradong matutuwa ang Mama mo pag nakita ka niya." masayang sabi ni Ate Precy habang tinitingnan ang replekasyon ko sa salamin.

Ngumiti ako sa kanya ako sa kanya mula sa salamin.

"Hindi naman po." sabi ko.

Biglang lumapit sa amin si Britney at nagsalita.

"Alam mo! Bagay talaga sayo ang modelling, maganda ka, matangkad, maganda ang katawan mo, fair skin ka pa. I mean, kahit ano gawin mo ang ganda mo rin." ngumiti siya sa akin.

"If you have any plan to join modelling industry, you can contact us. I will recommend you to one of my friend." dagdag niya.

Hindi ko alam kung ano isasagot ko kasi wala naman akong plano sa mga ganyan, I'm more interested in fashion.

"Tingin niyo? May tumanggap sa akin king sakali?" tanong.

Nagulat ako ng sabay silang lahat sumagot.

"Yes! Of course."

Lumapit si Ate Precy sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"You're too beautiful Fressia to be rejected." sabi niya.

Naging mabilis ang usapan namin, napag-usapan din namin ang tungkol sa kahiligan ko sa fashion design. I like talking with them, lahat sila ang nakikinig ang sabi pa ni Ate Precy, maganda kung ipi-persue ko ang fashion design bago ang modelling kasi daw ang fashion design at modelling ang konektado rin sa isa't isa.

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras, it's 6:47 pm at wala pa si Kiandri dito ala syete pa naman magsisimula ang party. Binalik ko sa hawak kong purse, nakita kong nakatingin si Ate Precy sa akin habang may kausap ito sa telepono, ngumiti siya at ganun din ang ginawa ko.

"Wala pa ba ang susundo sayo? Gusto mo hatid ka namin sa veneu?" biglang tanong ni Ate Precy, nakalapit na pala ito sa akin.

"Wala pa po, baka nag-aayos pa." sabi ko.

Medyo naiinis na ako pero kinakalma ko lang ang sarili ko. Asan ka na ba Kiandro?

"Wow! Mas matagal pa siya mag-ayos sayo? Sino ba yan?" sabat ni Britney.

"I don't know kung kilala niyo siya, his name is Kiandro Andrade." sabi ko.

Nakita kong nalalag ang kinakaing cake ni Bea at nakita kong nanlaki ang mata ni Britney at si Ate Precy naman ang napailing. Ahh! So, base on their reaction they knew him.

Huminga ng malalim si Britney at si Bea naman ay lumapit sa amin.

"You mean si Mr. Andrade? Ang anak ni Emmanuel Andrade?" tanong ni Britney na para bang isa itong napakalaking tao.

Oh! I forgot malaki pala silang tao.

Tumango ako bilang sagot sa tanong niya.

"But I saw him with-

"Anong oras na Fressia? Ihahatid ka nalang namin." putol ni Ate Precy sa gustong sabihin ni Britney.

Isinawalang bahala ko nalang iyon at nagkunwaring hindi naapektuhan.

"Ala syete na po, sige po hatid niyo nalang po ako baka di na yun darating." ngiti ko sa kanila.

Isa isa silang nagsitayuhan. Kinuha ni Bea ang iilang gamit nila sa mesa, si Britney naman ay napa-iling iling nalang.

Reason Enough (Fressia Elaine And Kiandro Emmanuel)Where stories live. Discover now