Chapter 2

154 3 0
                                    

Mabilis lumipas ang weekend sa akin. Lunes na ngayon at exam na namin mamaya, maaga akong gumising para makapaghanda sa sarili. Naligo at nagbihis na ako ng uniporme ko, pinatuyo ko ang buhok at inayos ito sa nakasanayang ayos.

Naglagay ako ng maliit ma hair pin sa right side, kulay itim siyang may diamond sa gitna at ng nakita kong ok na ang ayos bumaba na ako para makakain.

May naririnig akong nag-uusap sa kusina kaya dumiretso nalang ako sa dining table.

"Good morning Ma." sigaw kong bati kay Mama dahil nasa dining table na ako.

"Good morning Nak, sige kumain ka na diyan malapit na rin matapos tong niluluto ko." sabi ni Mama.

Lumapit si Nanay Suling sa akin para pagsalinan ako ng Juice, pinigilan ko siya sa gusto niyang gawin

"Ako na po Nay, maupo na po kayo." sabi ko.

"Naku! Ikaw bata ka, hayaan mong pagsilbihan kita." sabi niya

"Pero Nay, kaya ko naman po yan tsaka ayoko pong napapagod kayo." sabi ko.

Ngumiti siya sa akin, tiningnan niya ako na para bang nakaka-awa ako.

"Ako na po." sabi ko at kinuha ang pitsel na may lamang juice.

"Ang bait bait mong bata ka, kaparehong kapareho mo ang Lola mo, si Emilia. Mapagkumbaba at laging nakangiti." sabi niya habang hinawakan ang pisngi ko.

"Siguro po sa kanya po namana ugali ko." sabi ko.

"Sa kanya nga Hija, pati mukha manang mana ka. Ganyan ang itsura ni Emilia sa panahong dalaga pa kami." she smiled "Napakagandang dalaga."

"Salamat mo Nay." sabi ko.

Umalis si Nanay Suling sa dining table kasi raw masakit ang balakang niya, kaya magpapahinga raw muna siya sa kwarto niya.

Hihigop na sana ako ng kape ng biglang pumasok si Kiandro sa dining table na may hawal na pancake. Nilapag niya sa harap ko ang isa at nasa harap niya ang isang platong may laman ng pancake.

Ano ginagawa ng lalaking to dito? Ang aga naman.

Nakita niya sigurong nagulat ako kaya nagsalita siya.

"Dito ako natulog since ayaw akong pauwiin ng Mama mo kagabi, madaling araw na daw eh." paliwanag niya.

"Ah! Sige. Kain ka na." lahad ko sa kanya ng juice

Tinanggap niya yun at ngumiti sa akin. Ngumiti rin ako kahit nininerbyos ako. I don't want to be rude okay? Kaya ngumiti ako sa kanya.

"Aga mo ata?" tanong niya.

"Exam kasi namin ngayon kaya maaga akong gumising para na rin makapag-handa." sabi ko.

Tumango siya at nagpatuloy sa pagkain. Pumasok si Mama sa dining table na may dalang fried rice, hotdog at itlog. Hmmm! My favorite hotdog.

"Tsaraaaan! Ayan na paborito mo Anak." sabi ni Mama.

"Kain ka Kian, ito oh." nilagyan ni Mama ang plato niya pati plato ko.

"Ah! Thank you po Tita." sabi niya.

"Walang anuman yun! Minsan ka lang andito kaya sinusulit ko na." si Mama.

Napansin kong wala si Papa at Kuya kaya nagtanong ako kay Mama.

"Saan si Papa at Kuya, Ma? tanong ko.

Sumimsim si Mama ng kape bago ako sinagot.

"Umalis ng maaga ang Papa mo tapos ang Kuya Felix mo pumunta palengke may bibilhin daw." sabi ni Mama.

Reason Enough (Fressia Elaine And Kiandro Emmanuel)Where stories live. Discover now