It's a windy afternoon, the beautiful sunset is about to gone. Tulad nalang ng mga masasayang pangyayari sa isang araw na pagdating ng gabi, ay mawawala yun. Pero hindi ibig-sabihin nun kailangan mong malungkot dahil sa pagsikat ng araw panibagong umaga na naman ang haharapin mo, panibagong saya, panibagong lungkot, panibagong pag-asa at panibagong laban.
I'm not so sociable person hindi rin ako mahiyain, sakto lang. I'm like a person na pag di mo ako kinausap hindi rin kita kakausapin but I will assure you na mabait akong tao. They always misunderstood my cold aura, that's why some of my classmates don't talk to me.
"Fressia, next week na exam natin no? tanong ni Angel.
I shifted my weight to see her.
"Oo, nakapag-study ka ba? I look at her and smile.
Siya at si Zaius lang naman ang naging malapit na kaibigan ko simula nung lumipat kami dito sa Manila. Yes lumipat kami dito, taga Cebu kami dati. My Dad was a former Vice Mayor there but since he didn't run again he decided to move here para daw maka-focus siya sa amin na walang iniisip na iba.
"Ahhhh! Oo, namomroblema nga ako eh? Nahihirapan ako sa mga formula na binigay ni Sir. Corpuz sa atin." she look at me.
Natawa ako sa reaction niya.
"Madali lang yun, basta magfocus ka lang."
"Anong madali ka diyan? Palibhasa kasi ang tali-talino mo."
"Anong matalino ka diyan?" agap ko.
Simangot siyang tumingin sa akin. Habang ako natatawa pa rin sa reactions niya.
"Punta tayo sa library since may 30mins. pa tayong oras, turuan kita."
"Useless lang, di rin naman pumapasok sa utak ko eh." simangot pa rin niyang sabi.
Umiling ako.
"Ayaw mo? Edi sige, basta ako pupunta ako dun para makapag-review nextweek pa naman ang exam natin." panunuya ko sa kanya.
Umirap siya at padabog na naglakad.
"Sige na nga, basta turuan mo ako ah?"
"Oo naman, ikaw pa?"
We studied 30 minutes in library. Tinuruan ko rin siya sa pino-problema niyang formula na binigay ni Sir. Corpuz kailangan daw naming ireview lahat lahat ng tinuro niya sa amin sa buong semester.
"Ganun, pala yun? Hindi naman pala mahirap yun Fressia."
Ngiting sabi niya sa akin.
"Ang oa mo kasi, di mo pa kasi nasosolve kung anu-ano na sinasabi mo."
"Hindi mo malalaman o maabot ang mga gusto mo kung hindi mo susubukan. Subukan mo muna at pag hindi mo kaya? Rest ka saglit tapos ipagpatuloy mo." I paused "Ganun lang yun Gel."
"Ah! Eh mahirap pa rin kasi sa akin eh, sobrang hirap"
Nasa classroom na kami at patuloy pa rin siya sa pagrereklamo.
"Alam mo Fressia, minsan naiinggit ako sayo kasi ang talino mo."
"Hindi mo kailangan mainggit sa akin, mag-aral ka lang at malalaman mo na agad ano ang sagot sa lahat ng questions sa exam natin." sabi ko.
Nakita ko siyang nakatingin sa akin saka umirap. Natawa nalang ako habang pinagmamasadan siyang nakasimangot ma nakapangalumbaba sa harap ng libro.
They always assumed na hindi ako nahihirapan sa mga lectures namin pero ang totoo, nahihirapan din ako hindi nalang ako nagsasalita at tahimik kong inaaral yun, hindi kagaya ni Angel na ang ingay ingay.

YOU ARE READING
Reason Enough (Fressia Elaine And Kiandro Emmanuel)
RomanceYou crave the deepest connections with others, but you don't trust to let anyone in.