Nagising ako ng maaga dahil sa tawag ni Mama, ang sabi niya ay on the way na daw ang make up artist ko.
"Opo Ma, wag na kayong mag-alala okay lang ako dito." sabi ko.
"Okay, magsend ka ng litrato sa akin pag natapos ka na."
Umirap ako sa hangin at sumagot.
"Yes po Maam."
Gusto kong sabihin sa kanya na kasama ko naman si Kiandro dito pero baka kung ano isipin niya.
Tumayo ako at hinawi ang kurtinang nakaharang sa binta. Napaka-ganda ng sikat ng araw at ang malamig na hangin ay dumadampi sa aking balat, niyakap ko ang sarili ko habang nakabilad sa araw. Maaga pa naman kaya magpapabilad muna ako ng ilang minuto dito.
Umupo ako sa isang ratan chair.
In life as we get older we start doing things in reverse. We start cutting people out from your life. Our Christmas list becomes practically nonexistent. We don't need to be the first in line for everything. We take less pictures because some memories are best kept in your heart and not your hard drive. And instead of looking for love, you dig for it from within.
Pinilig ko ang ulo sa gustong pumasok sa isip ko. Teke nga? Nasan ba ang lalaking yun?
Tumayo ako at pumasok, kinuha ko ang cellphone ko at nagsuot ng cardigan, pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin si Kiandro na para bang kakatok, nagkakatitigam kami. Tiningnan ko at ang kamay niya at mabilis naman niya itong binaba.
I crossed my arm.
"Tara breakfast tayo?" tanong niya.
I raised my left eyebrow as i look at him. Nagkamot siya ng ulo at ngumiti sa akin na para bang nahihiya.
Akala mo palalampasin ko ito? Magdusa ka, sisigaw sigaw ka kahapon tapos ngayon lalapit lapit ka sa akin na para bang wala kang ginawa?
Sinara ko ang pinto at tinalikuran ko siya ng walang pasabi.
"Hey! Wait for me, Elaine." habol niya sa akin.
Hindi ko pa rin siya pinapansin at mas lalo kong binilisan ang hakbang ko. Pagdating sa elevator ay agad kong pinindot ito, sakto pagkapindot ko ay walang tao, dali dali akong pumasok sa loob. Pero bago pa ito sumara ay hinarangan ng walang hiyang Kiandro ito.
Hinihingal siya ng pumasok siya. Umirap ako at hindi na nagsalita.
"Galit ka na naman ba?" tanong niya.
Wow! Kung makatanong ka, wala kang naaalala? Nagka-amnesia ka?
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko, nanlaki ang mata ko sa ginawa.
"Kausapin mo naman ako Elaine." he look at me with puppy eyes.
Umirap ulit ako.
"Isa pang irap mo, hahalikan talaga kita wala akong pakia-alam kahit may sakit ako." banta niya.
Nagulat ako sa sinabi niya.
"What? Sige subukan mo, di kita sisiputin mamaya." irap ko.
"Stop rolling your eyes kasi, kanina pa ako nagpipigil dito."
"Eh di wag kang magpigil." tinulak ko siya.
Umiling siya at tumabi sa akin.
"Bakit lagi ka nalang galit sa akin?" bigla niyang tanong.
Oo nga? Bat ba ako laging galit sa kanya? I mean, hindi ako galit sa kanya, naiinis lang ako.
Gaga! Parehas din yun.

YOU ARE READING
Reason Enough (Fressia Elaine And Kiandro Emmanuel)
RomanceYou crave the deepest connections with others, but you don't trust to let anyone in.