One √

6.6K 92 0
                                    


"Good Morning" Napalingon ako ng marinig ko ang boses ng asawa ko. Naglalakad siya palapit sa akin habang ginugulo ang buhok niya. Nakasuot lang siya ng Boxer at Sando kaya halata kalakihan nito.

He kissed me smackly. "Naghanda na ako ng breakfast, gutom ka na?" Tanong ko sa kaniya habang nakapalibot sa bewang ko ang mga braso niya.

"Yea, can I eat you now?" Pagbibiro pa nito at hinalikan ako sa leeg.

"Stop it. By the way, where's Zio?"

Si Zio yung pinagkakatiwalaan niyang tauhan, his private assistant kumbaga, at inassign niya para magbantay sa akin tuwing wala siya.

"Umuwi muna siya sa kanila,"

"Why? Aalis ka nanaman?" Nakasimangot kong tanong sa kaniya. Madalas kasi siyang wala dito sa bahay dahil marami siyang pinagkakaabalahan.

He's a Mafia Boss, hindi lang business ang pinagkakaabalahan niya. At yung iba masyadong delikado kaya hindi niya ako sinasama sa mga pinupuntahan niya.

"Yeah, may business meeting ako sa Japan at gusto kitang isama." Napangiti ako ng maluwag sa narinig ko. I was like 'what the heck daddeh,' "But, I'm worried." He put his finger on my lips. "There's so many guys na feeling hotties in Japan.. baka agawin ka sakin-"

"Corny mo, hahayaan mo ba 'kong maagaw?"

Tumayo siya ng tuwid at naupo sa harap ng lamesa. "Of course not, I'll shot them as many as my gun can." Tiningnan niya ako. "Why should I let them capture you? You're mine."

Napangiti ako at pinaghain siya ng almusal.

Hindi ko alam kung swerte ba ako dahil siya yung napangasawa ko, napakafaithful niya sa akin. Pero mukhang malalagay naman yung buhay ko sa peligro ng dahil sa kaniya.

By the way, he forced me to marry him before. Tinakot pa niya akong papatayin niya yung family ko kapag tumanggi ako. And instead na matakot or maturn-off, I smiled nalang na tila ba kinilig pa because i already like him before pa niya akong piliting pakasalan siya. Pero may mga bagay na kinatatakutan ko kung sakaling pumayag ako. I'm afraid that my life would be in danger but he promised that he will protect me more than his life.

Pero pinaliwanag niya lahat noon pagkatapos naming magpakasal, he promised me na hinding-hindi niya ako hahayaang mapahamak. And now, he's doing what he was promised.

And its been 8 months way back ng takutin niya ako, kaya agad kaming nagpakasal. Pero hindi pa kami nagkakababy.

"Come, Let's eat. Then let's get ready. We'll gotta go as soon as possible."

-
"Hon, are you okay?" Natatawang tanong ni Reostos.

"M-mukha ba?" Kinakabahang tugon ko rito. Nakasakay kami sa pribadong eroplano ngayon at tungo kami ng Japan. At dahil sa excite kanina nakalimutan kong hindi pala ako sanay na sumakay sa eroplano kaya eto ako ngayon, kapit na kapit kay Reostos.

"Don't worry, walang mangyayaring masama, kasama mo ako okay?" Saad niya at hinalikan ako sa noo. "By the way, during business meeting huwag na huwag kang aalis sa harap ng bodyguards mo, naiintindihan mo? Then after that, ipapasyal kita." Ngumiti siya ng nakakaloko at kinindatan ako.

Napangiti nalang ako kahit kinakabahan ako. Ano nga bang ikakatakot ko eh kasama ko naman siya. Sa tingin ko, araw-araw akong nahuhulog sa kaniya dahil sa mga kilos at ugali niya. Yung ugali niyang hindi ko inaasahan no'n.

Agad kong kinuha yung cellphone ko ng tumunog ito. 'Unknown Number' ang nakalagay kaya nagtaka ako kung sino 'to.

Tiningnan ko muna si Reostos bago ko sagutin yung tawag. Natutulog siya habang hawak hawak ang kamay ko.

Sinagot ko yung tawag.

"Is your plane will land here in Japan, isn't it? Don't be surprise, it's not everyday you get a call from stranger. Don't make your husband do such thing that i will hate, or else, I'm readying my gun." malamig na boses ang narinig ko mula sa nagsalita.

"S-sin--" agad na inagaw ni Reostos yung cellphone at siya ang sumagot dun sa tumawag. Nanginginig yung kamay ko dahil sa narinig ko.

"No worries for me 'coz my guns are already set." Kampanteng tugon ni Reostos dun sa linya. Aksidente ko atang napindot ang speaker pagkasagot ko rito.

Inabot niya sa akin yung cellphone ko. "W-wag na tayong tumu-" Di ko natapos ang sasabihin ko ng siilin niya ako ng halik.

Pinalalim niya pa ang halik at umabot ng dalawang minuto bago niya ihiwalay ang labi niya sa labi ko.

"One more complaint, I'll spread your legs here right away," Napanganga nalang ako't napatitig sa mga mata niya.

Kinakabahan na nga ako naisip niya pang magbiro ng ganyan. Ah.

Mafia's Wife | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon