Eighteen

1.3K 29 0
                                    

Reostos's POV

Inagahan ko ang pag-uwi ko para alamin kung nandito na sina Haia. But pag-uwi ko walang asawang bumungad sa akin.

Napagtuunan ko pa ng galit si Zio, Pero binalaan ko na siya kanina at hinayaan niya pa ring Sumama si Dylan. Its a big deal for me, Asawa ko yun Hindi Pwedeng Sinasamahan siya ng ibang lalaki. Ako Lang Dapat.

Nilagok ko yung liqour na nasa Glass. Mauubos ko na lang yung Isang bote ng liqour na 'to pero wala pa rin sila. Makikita mo ang hinahanap mo, Dylan.

Haia's POV

Nang makarating na kami sa bahay Ay agad na tumakbo Papasok si Mio, Halos Malapit ng mag-Gabi bago Kami Makauwi. Nasiyahan kasi masiyado si Mio sa paglalaro.

Pumasok na kaming pareho ni Dylan habang dala-dala ynung mga pinamili namin. Naabutan namin si Reostos pagkapasok na pagkapasok namin at Umiinom pa ito ng mag-isa.

"Hon-"

"Mio, Go to your room." Utos niya kay mio kaya agad din itong sumunod.

Tumayo siya sa pagkakaupo niya at lumapit sa amin habang dala-dala yung wine glass na may lamang wine.

"L-lasing ka na, Tama na 'yan" sabi ko sa kaniya pero hindi niya manlang ako Tiningnan at nakatuon lang siya kay Dylan. Hinila niya ako papunta sa likod niya.

"I told you!" Sigaw ni Reostos.

"Kinausap ko-" Hindi na ni reostos pinatapos ang sasabihin ni  Dylan ng Bigyan niya Ito ng suntok sa mukha. Agad kong hinila si Reostos mula kay Dylan.

"Reostos ano ba? Lasing ka na!" Tinanggal niya yung pagkakahawak ko sa kaniya at nilingon ako.

"Why? Kinakampinahan mo ba siya? Did he gets your attention?" Nakita ko sa mga mata ni Reostos yung galit, Dahil siguro nalaman niyang magkasama Kami ni Dylan.

"Sinamahan ko lang siya,Reostos. Big deal ba sayo yun-"

"Yes, Of course! Asawa ko siya Dylan! At Kilala kita, Lahat ng akin Inaagaw mo! Hindi ba?"

Ngayon ko lang nakitang nagselos ng ganito do Reostos, Naiiyak na ako hindi ko alam kung Bakit.

"Reostos tama na." Sabi ko't hinawakan ang kamay niya.

"Get lost!, Ayokong makita ka Dylan."

"Aalis ako, Kahit Hindi mo ako ipagtulakan." Sabi ni Dylan at tiningnan ako bago siya tuluyang umalis.

Hinila ni Reostos ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko at walang lingong umalis.

Anong ginawa ko?

Mga Ilang oras na rin akong nag-hihintay kay reostos na dumating Pero wala pa rin siya.

"Haia." Narinig no yung boses ni Zio kaya umangat ako ng tingin.
"I'm sorry, Its my fault. Kung Hindi ko sana hinayaang -"

"No, its okay Zio. Kailangan ko Lang kausapin ng Maayos si Reostos." Sabi ko rito. "Pero hanggang ngayon wala pa siya."

Tumunog yung cellphone ni Zio.
Kaya hinayaan ko nalang muna siya.

"H-Haia. Aalis muna ako-"

"Saan ka pupunta?"tanong ko sa kaniya kaya natigilan siya at nagkamot ng ulo.

"S-susunduin ko si Reostos."

"Bakit? Nasaan siya? Ako nalang susundo." Sabi ko at tumayo.

"Pero Haia Hindi pwede, ako na." Sabi niya kaya Galit ko siyang tiningnan. "Ako malalagot sa kaniya kapag may nang-"

"Walang mangyayaring masama sa akin. Nasaan ba siya?"

Napabuntong hininga muna si Zio bago ako sagutin.

"Nasa Bar daw, Lasing na lasing"

Agad akong pumunta sa bar Na Sinabi ni Zio. At halos mahilo ako sa amoy at dami ng Tao rito. Wala akong ibang maamoy kundi alak at halo-halong pabango. Actually ngayon palang ako nakapasok sa ganito. Agad akong pumunta dun sa may Bartender.

"U-uhm, n-nasaan si Reostos?" Tanong ko at itinuro niya kung nasaang room si Reostos. Kaya naglakad ako papunta dun Pero may mga siraulong hinihila ako para raw makipagsayaw kaya isa-isa kong sinampal. Ang malala sila pa yung Nagalit kaya nagmadali akong pumasok sa Room na Sinabi ng Bartender. Pag Pasok ako agad kong nilock yung pinto at kabadong umupo sa Sofa dun. Nagulat ako ng paglingon ko si Reostos yung bumungad sa akin. Nakayuko siya habang hawak hawak yung baso ng alak. Tapos mga pitong bote ng alak na yung naubos niya mag-isa.

Agad akong lumapit sa kaniya.

"H-hon.." Kinuha ko yung baso ng Alak at inilapag sa mesa. Inayos ko siya sa pagkakaupo at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.

"Umalis ka na" mahina niyang Sabi at amoy na amoy pa ang alak.

"Aalis na tayo dito." Sabi ko at sinubukan siyang Itayo Pero Hindi ko magawa. "Hon, Let's go home."

"Tsch" nilagok niya pa yung isang shot. "Bakit kasi ako yung pinakasalan mo? Palagi ka.. Tuloy nadadamay sa problema ko."

Hinawakan ko yung kamay niya. "Pinakasalan kita kasi mahal kita, okay? Saka yung problema mo, Problema ko na rin."

"Tsch. Umuwi ka na."

"Ayoko, Uuwi tay-"

"Umuwi ka na sabi!" Nagulat ako ng sumigaw siya. Hindi ko alam kung nasigawan na niya ba ako noon Pero Ayokong sinisigawan ako. Naiiyak ako. At ngayon nga'y Hindi ko naiwasang mapaluha.

"Bat ka ba Galit sa akin ha?" Reklamo ko sa kaniya habang Umiiyak. "Sige! Uuwi na talaga ako, iiwan kita dito!" Sabi ko at tumayo saka naglakad paalis.

Pinupunasan ko pa yung luha ko habang Naglalakad.

"Hoy, Miss ikaw yung kanina di ba? Masakit yung sampal mo ha! Halika nga rito" sabi nung mamang nasampal ko kanina at hinila ako. "Kailangan mong magbayad"

-

Mafia's Wife | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon