Fourty Eight

1K 21 0
                                    

Haia's Point of View

Pababa na Kami ng Building dahil konting-konti nalang talaga Sasabog na 'tong Building na 'to.

"Yung Parents ko?" Tumigil sila sa tanong ko at tiningnan akong pareho. "K-kailangan natin silang hanapin."sabi ko't luminga-linga.

"Where the heck are you? Asan na yung mga Tauhan mo?" Nilingon ko si Reostos na may Kinakausap sa Cellphone niya. "Okay, Good." Sabi niya't lumingon sa amin. "Let's go! They're Safe." Dagdag niya at hinila ako. Sumunod lang sa amin si Dylan.

Natigilan kami ng May humarang sa amin pagkababa na pagkababa namin sa ground Floor.

"Damn."narinig kong bulong ni Dylan. Nasa dulo na kami pero Hindi parin sila Tumigil.

Napahawak ako ng Mahigpit kay Reostos dahilan para lingunin niya ako't Ngitian, Just to say that it's gonna be fine.

"Sinasabi ko na nga Ba't titiklop ka 'rin, Dylan My son kaya pinagplanuhan ko na 'rin 'to." Nakangising sabi ng Dad ni Dylan na may mga Armadong lalaking Nakasuit ang nasa likuran nito at nakatingin sa kaniya.

"D-dad, can we just stop this-"

"We? No, You're not been part of this, You're also a part of my plan." Sabi nito at tumawa. Nilingon ko si Dylan, Blankong-blanko yung mukha niya pero ngumiti lang siya.

"I know dad, I always know." Nakaramdam ako ng inis sa Dad ni Dylan, Paano niya nagagawa sa anak niya yung ganyan? How dare he?

"Hoy Tanda! Ikaw sumusobra ka na ha! Naiinis na ako sayo-" Natahimik ako ng Itutok nila yung mga baril nila sa Amin. "Ah haha.. Charot." Sabi ko't nagtago sa likuran ni Reostos.

"It's Good na Nagawa niyong makababa, But it's already 1:52 Am and you only have 8 minutes para makaalis ng hindi Nakakasama sa pagsabog ng Building na 'to, Pero yun ay kung malusutan niyo ang mga alaga ko."

"Halata naman e, Dami pang Dada. Kung Hindi kami makalalabas ng Buhay dito, Syempre kasama ka rin Dapat." Sabi ni Reostos at Bumunot ng Baril saka sinimulang magpaputok at Itago ako sa Dibdib niya.

"Stay here, 'wag kang aalis diyan." Utos ni Reostos sa akin ng itago niya ako sa Gilid ng hagdan.

Hindi ko magawang manuod sa Kanila, Sobrang kinakabahan ako para sa Asawa ko't kay Dylan. Palagi nalang akong Kinakabahan, At halos walang katapusam 'to.

Zio's Point of View.

"Nasan na ba kayo? Damn!" Sigaw ko sa sa kabilang linya. Malapit ng sumabog yung building at hindi parin sila Reostos nakakalabas.

"Sir, We're on our way. Pero May mga humarang sa amin,   then may Pagsabog na nangyari kaya Medyo Natagalan. Don't worry sir, Malapit na Kami." Napasabunot ako sa narinig ko.

"Ilang Minuto 'yang Malapit na 'yan? Sasabog nalang yung building Hindi niyo pa mapoprotektahan yung amo niyo!" Sigaw ko't ibinaba ang cellphone.

"Calm down, Malay mo palabas na sila." Napatingin ako may louvelle at sa parents and kapatid ni Haia.

"I'll go there, Iuwi mo na sila-"

"Sasama ako." Napalingon kami sa Papa ni Haia. "Ililigtas ko ang anak ko."

"Pero sir Hindi 'to-"

"Sabi ko sasama ako, Naiintindihan mo?" Galit na asik nito. Hindi na ako magtataka kung Tiklop dito si Reostos

"O-Oo sige po." Pagsangayon ko nalang. "Iuwi mo na sila, Pupuntahan namin sila Reostos."

-
Haia's Point of View.

Pinipigilan kong mapasigaw Dahil sa mga nakakabinging putok ng baril na naririnig ko.

"Damn, 2 minutes nalang Reostos!" Sigaw ni Dylan habang pareho nilang pinoprotektahan ang isa't isa.

Maya-maya rin ay nagkahiwalay ang dalawa at Pareho paring abala sa Pagprotekta ng sarili.

Hinanap ko yung Dad ni Dylan at napansin kong Palabas na 'to kaya tumakbo ako, "Hoy Tanda Saglit!" Natigilan ako ng may Yumakap sa akin at makarinig ako ng sunod sunod na putok ng baril.

"A-Ang..Kulit m-mo talaga.."

O my.. No..

Nanigas lang ako sa pagkakatayo hanggang sa bumagsak  siya sa akin.

No.. Hindi pwede.

Mafia's Wife | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon