Chapter 1

9.5K 190 10
                                    


ISANG masigabong palakpakan ang pumuno sa school theater sa muling pagbukas ng telon. Buong cast ay nasa entablado na at sabay-sabay na yumukod sa mga manonood. Nang isa-isang ipakilala ang mga characters sa drama play ay umani ng malakas na palakpakan si Jela. Why not? Napakagaling ng ginawa niyang pagganap sa kanyang role bilang isang atribidang malditang bungangerang kabit ng bidang lalaki na nagpagulo ng buhay ng bidang babae.

In fact, naniniwala siyang mas magaling pa siyang umarte kaysa sa bidang babae. Mas makulay ang naging pagganap niya kaya na-outshine niya ito. Hindi naman siguro niya kasalanan kung ipinanganak siyang natural na talentada. Marunong siyang umarte, sumayaw at kumanta. She knew she was born to be a star. Pangarap niya ang maging isang artista balang-araw at alam niyang ilang panahon na lamang ay matutupad na iyon.

Ayaw na nga sana niyang mag-aral. Gusto na lamang niyang mag-artista. Kaya lang ay ayaw pumayag ng kanyang nanay at tatay sa probinsiya. Iginagapang ng mga ito at ng mga kalabaw nila ang pag-aaral niya. Isinangla pa ng mga ito ang isang parte ng kalahating ektaryang lupang pag-aari at sinasaka ng mga ito para lamang mapag-aral siya sa Maynila at sa magandang unibersidad na halos puro mayayaman ang nag-aaral.

Ang sabi ng mga ito ay tapusin muna niya ang kanyang pag-aaral bago siya mag-artista. Mas maganda pa rin daw ang may pinag-aralan at degree na tinapos. Iyon ang pangarap para sa kanya ng mga magulang niya---ang makatapos ng pag-aaral dahil kapwa hindi naranasan ng mga ito na makatuntong sa kolehiyo. Sophomore Communication Arts student siya sa St. Catherine University. So far, ay masaya siya sa eskuwelahang iyon dahil nagagawa rin niya ang hilig niya habang nag-aaral---ang umarte.

Medyo sikat na siya sa buong campus dahil umuusbong na ang kanyang acting career sa drama club. Malapit na siyang maging bida. Konting-konti na lang at magiging sikat na siya. Malapit na siyang maging isang campus figure.

Sa backstage ay binati siya ng best friend niyang si Poleng. Tumatalun-talon pa ito na para siyang nanalo sa Famas. "Ang galing-galing mo talaga, Jela! Biruin mo, ikaw ang may pinakamalakas na palakpak na natanggap kaysa sa mga bida."

"Thanks, Poleng!"

"At dahil diyan, dapat manlibre ka!"

"O, sige ba! Mamaya sa boarding house, lalafang tayo!"

Kasama niya si Poleng sa boarding house. Roommate niya ito. May dalawa pa siyang roommates---sina Greta at Wena na sa kalapit na university pumapasok. Silang dalawa ni Poleng ang schoolmates. Nursing ang kinukuha nito at second year na rin. Tulad niya ay tubong probinsiya rin ito at may ambisyosang mga magulang para pag-aralin ang anak sa isa sa magagandang unibersidad sa Maynila kahit hindi naman mayaman. Kaya naman nagkakasundo talaga sila nito.

May sasabihin pa sana ito ngunit lumapit sa kanila si Direk Lou---ang director ng play na may pagka-silahis. "Congratulations, Jela. Ang galing mo. Marami ang bumilib sa 'yo. Napakagaling mong kontrabida. Dalang-dala ang audience."

"Thank you po, direk."

"Dahil napabilib mo ako, parang gusto ko ring makita kung paano ka maging bida."

Napasinghap siya. Tinutop niya ang bibig. Si Poleng ay halatang na-excite din.

"Gusto kong mag-audition ka for our next stage play para sa lead role."

Nakalabas na sila sa school theater ay tila hindi pa rin siya makapaniwala. Alam niyang formality lang ang audition. The fact na inimbitahan siya mismo ng direktor na mag-audition para sa lead role ay assurance nang siya ang first choice nito para magbida sa susunod na stage play.

JELA, The Drama Club Actress (St. Catherine University Series #3) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon