Chapter 4

3.3K 131 5
                                    


"SAAN nagsuot 'yon?" iritadong tanong ni Jacob sa mga kasama nang matapos ang nakahihilong habulan ay hindi na nila nakita ang babaeng bigla na lamang kumapiras ng takbo paalis ng stage. Ang akala siguro nito ay dadakipin niya ito at ng mga kasama niya kahit nasa entablado pa ito.

That sick woman! She was a drama club actress. Kaya pala napakagaling nitong mag-drama noong gabing sinira nito ang napakagandang sandali sa buhay niya. Sherry did not want to see him anymore. Wala na siyang kapag-a-pag-asa pa rito. And it was all because of that freak of a woman who messed everything he had worked hard for.

Ang babaeng iyon ay si Jemilla Robles, isang sophomore Communication Arts student. Akalain ba naman niyang schoolmate pa pala niya ito. Kaya pala tila pamilyar ito. Kung hindi pa niya nakabanggaan ito noong isang araw ay hindi niya malalaman ang identity ng babaeng matagal na niyang hina-hunting.

Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan nitong tumakbo na tila papatayin niya ito. It was weird that she really did run away during an audition. Hindi naman niya papatayin ito o sasaktan ito dahil hindi niya ugaling manakit ng babae gaano man kabigat ang kasalanan sa kanya. He just needed to talk to her. Gusto niyang malaman kung bakit nito ginawa ang bagay na iyon. Tutal ay mukhang takot na lang rin ito sa kanya ay gagamitin niya iyon para paaminin ito at pagkatapos ay ihaharap niya ito kay Sherry at ipaaamin niya rito ang totoo sa harap ng 'frustrated-girlfriend' niya. Sa ganoong paraan ay maaayos na ang problema niya. Ngunit sadyang mailap si Jela at talagang desididong takasan siya.

"Bigla na lang nawala, pare," sabi ni Frei.

Tiningnan niya ang palapit na mga neophyte brods nila ni Frei sa Delta Wega fraternity. Umiling ang mga ito. Hindi rin nakita ng mga ito ang babae.

"Shit!" he muttered angrily. "Alarm everyone in the frat na kapag nakita nila ang babaeng 'yon, dakipin agad kahit nasaan pa siya." Dahil tumatakbo ito ay kailangan na niyang mag-resort to forcible capture. Bihirang gawin ng kanilang fraternity ang ganoong gawain. Their fraternity did not promote violence. Hindi sila katulad ng mga miyembro sa Alpha Kuppa na mga warfreak at bayolenteng tao. Lumalaban lamang sila ngunit hindi sila nagsisimula ng gulo o gumagamit ng dahas.

"Kahit nasa ladies' room?" tanong ni Frei.

"Teka, pumapasok ka sa CR ng babae?" kunut-noong tanong niya rito.

"Minsan 'pag bored ako."

Kung nasa ibang sitwasyon lamang siya ay siguradong tatawa siya sa kalokohan ni Frei ngunit galit siya at wala siyang panahong sakyan ang biro nito tulad ng parati niyang ginagawa noon.


IBINAGSAK ni Jela ang katawan sa kama. Hindi na niya pinigil pa ang pag-iyak. Hindi na niya alam ang gagawin niya. Dalawang araw na siyang hindi pumapasok sa SCU para lamang umiwas kay Jacob at sa mga ka-frat nitong umaaligid sa campus. Hindi rin siya makauwi sa boarding house dahil pati sa labas ng bahay ay may naka-abang sa kanya. Nakituloy muna siya sa bahay ng pinsan ng kanyang nanay. Ayaw sana niyang maging pabigat dito ngunit wala siyang matutuluyan.

Talagang puspusan ang pagpapadakip sa kanya ni Jacob at kahit sa comfort room ng mga babae habang nagwi-wiwi siya ay dadakipin raw siya---iyon ang narinig niyang command nito sa mga ka-frat noong hinabol siya ng mga ito sa audition at nagtago siya sa loob ng malaking kahon sa backstage. Pagkatapos ng araw na iyon ay naisipan niyang baguhin ang hitsura upang hindi makilala ng mga ito. Pumasok na siya sa school na naka-wig at naka-shades ngunit nakilala pa rin siya ng mga ito at hinabol. Mabuti na nga lang at sadyang mabilis siyang tumakbo at magaling lumusot sa kung saan-saan kaya hindi pa nagtatagumpay ang mga ito na mahuli siya.

Miski si Poleng ay hindi na niya pinalalapit sa kanya sa takot na baka pati ito ay madamay sa kamalasan niya at maisipang gamitin ng Alpha Kuppa laban sa kanya. Hindi na lamang niya ipinaalam kina Greta at Wena ang problema niya dahil ayaw niyang mag-alala ang mga ito. Sinabihan niya si Poleng na huwag na lamang sabihin ang pinagdaraanan niya.

Sawang-sawa na siya sa pagtakbo at pagtatago. Pagod na siya. Masamang-masama pa ang loob niya dahil hindi niya magagampanan ang lead role na pinakaaasam niya. Sa kabila ng pagtakbo niya habang ginagawa ang audition piece ay siya pa rin ang napili ng mga hurado para gumanap bilang Milagrosa. Ngunit mukhang hindi na niya magagampanan pa iyon dahil sa problemang kinahaharap niya.

Bumangon siya at muling tiningnan ang cellphone na hawak. Kailangan na niyang kausapin ang mga magulang. Sasabihin na lamang niya sa mga ito na gusto niyang mag-transfer ng eskuwelahan. Iyong malayo sa SCU. Iyong hindi siya matutunton kahit kailan ni Jacob.

Madali lamang umimbento ng dahilan kung bakit kailangan niyang lumipat. Ang problema ay ang konsensiya niya. Kung hindi niya tatapusin ang binayaran nilang semestre ay masasayang lamang ang perang inilaan doon na pagkalaki-laki. Nagbibilad sa araw at nagbabanat ng buto sa bawat araw ang mga magulang niya para lamang mapag-aral siya ngunit sasayangin lamang niya ang isang semestre na iyon?

Naalala niya ang ilan sa mga linyang gabi-gabi ay pina-practice niya bago ang audition. "Hindi ito ang pinangarap kong buhay. Hindi ko ginustong masadlak sa sitwasyong ito. Ngunit ito ang kapalaran ko. Marahil ay kapalaran ko ang magdusa sa mundong ito..." Pakiramdam niya ay mas mabigat pa ang problema niya kay Milagrosa.

Napapitlag siya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Ang nanay niya ang tumatawag.

"'Nay!"

"Anak, may masama akong balita."

"Ho? Ano ho 'yon?"

"Ang tatay mo, kailangang operahan."

"Bakit ho?"

"Itong ama mo, may bato sa gall bladder. Kaya pala parating masakit ang tiyan. Kailangang maoperahan na siya agad. Heto nga at nandito na kami sa ospital."

"Ho? Malalala po ba 'yan?"

"Hindi naman ganoon kapanganib. Kailangan lang talagang alisin ang mga bato sa gall bladder niya bago pa magkaroon ng komplikasyon."

"Luluwas po ako diyan ngayon."

"Iyon na nga ang gusto kong gawin mo. Anak, malaki ang gagastusin sa operasyon. Masasaid ang ipon namin kaya hindi kami makakapagpadala sa 'yo ng pera."

"Okay lang po. Meron pa namang natitira sa huling napadala n'yo."

"Ang ibig kong sabihin, wala na kaming maipapadala sa 'yo kahit sa susunod na buwan. Hindi ba at kailangan mo ng malaking pera para sa school project n'yo? Wala na akong maibibigay, anak. Bukod sa masasaid ang ipon namin ay hindi pa kami makakapagsaka agad kapag tapos operahan ang ama mo. Wala na kaming maibibigay sa 'yo, anak."

"Ibig sabihin... titigil na ako sa pag-aaral?"

"Ganoon na nga. Bumalik ka na lang sa pag-aaral kapag nakaipon na uli tayo."

Kung wala lang siyang problema sa Alpha Kuppa ay isa-suggest niya sa nanay niya na puwede naman siyang maging working student. Halimbawa na lamang ay magta-trabaho siya sa isang food chain. May kinikita rin naman siya sa drama club. Kaya siguro niyang mairaos ang isang semestre. Kaya lang ay may problema nga siya sa Alpha Kuppa at kailangan niyang lumayo at magtago. Kaya naman umo-o kaagad siya sa sinabi ng kanyang inay na titigil na muna siya pag-aaral.

Hindi niya alam kung blessing in disguise na matatawag ang nangyari sa tatay niya. Ngunit isa lamang ang alam niya, marahil ay sadyang iniligtas siya ng kapalaran mula sa panganib.

JELA, The Drama Club Actress (St. Catherine University Series #3) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon