Chapter 9

4.3K 140 15
                                    


GUSTONG matawa ni Jela sa hitsura ni Jacob nang makita siya nitong lumabas mula sa gate ng apartment na tinutuluyan niya. Halos malaglag ang mga panga nito sa hitsura niya.

"So, do you like my outfit?" tanong niya. Umikot pa siya at nag-pose.

She was wearing a fairy gown. It was a pink and purple combination glittery gown with hanging lacy details and a pair of little lacy wings at the back. One-shoulder strapped at hanggang kalahati lamang iyon ng kanyang hita. Naka-bun ang kanyang buhok at naglagay siya ng glitters sa gilid ng mga mata para sa magical effect ng kanyang outfit. She felt like a real fairy.

Talagang pinag-isipan niya ang isusuot para sa espesyal na araw na iyon. Alam niya kasing hindi na mauulit pa na makasama niya sa ganoong pagkakataon si Jacob.

"Ganyan ang suot mo?" natitigilang tanong nito.

"Oo. Okay ba?"

"Hindi costume party ang pupuntahan natin. Kasal!"

Dahil wala si Sherry ay siya ang niyaya nito na isama sa kasal ni Frei. O mas tamang sabihing 'inutusan.' Tama, inutusan siya nito na maging date nito sa kasal ng kaibigan nito.

"Bakit? Hindi ba puwedeng magsuot ng ganito kabonggang outfit sa isang kasal?"

"Hindi! Magpalit ka."

"Ayoko nga. At saka wala na akong ibang gown. Ito lang."

Tumingin ito sa relo. "Shit!"

Napatingin din siya sa Rolex watch nito. Ilang minuto na lamang at magsisimula na ang kasal. Alam niyang hindi maaaring mahuli ito dahil ito ang best man ng groom. Magbibiyahe pa sila patungo sa paggaganapan ng kasal. Wala na itong nagawa kundi ang utusan siyang sumakay sa kotse nito.

"You're crazy," he snorted while driving. "I don't know if I'd laugh or get mad at you."

Hinagikgikan lang niya ang sinabi nito.

Sa kasal ay takaw-atensiyon siya. Siguro ay iyon ang ipinag-alala ni Jacob kaya ayaw nito ng kanyang suot. On the other hand, she loved the attention. Pakiramdam niya ay isa siyang sikat na artista ng araw na iyon.

"Wow!" bulaslas ni Frei nang makaharap siya sa reception. "Ikaw ba si Thinkerbell?"

She giggled at his joke. "No, she's my mini."

"On the other hand, I think your outfit is pretty cool," komento ni Vee, ang bride. Nasabi sa kanya ni Jacob na ito ang sikat na fantasy writer na si Hera Lou. "I might include a character of a fairy in the next book of my series. At ikaw ang magiging visual inspiration ko."

Napapalakpak siya sa sinabi nito. "Really? I love it! Thank you!"

"I want to wear that kind of outfit, too," sabi naman ni Gemme, ang asawa ni Owen. "Kaya lang, hindi puwede. Wala naman sigurong preggy na fairy." Hinimas pa nito ang malaking tiyan.

Nagtawanan sila.

"Don't worry, ipatatahi kita ng personalized pregnant fairy gown," ani Owen sa asawa na hindi niya alam kung biro o totoo dahil mukhang seryoso ito sa pagkakasabi niyon.

Muli ay nagtawanan sila. Napatingin siya kay Jacob na nakikitawa rin sa mga kaibigan nito. Ito na lamang pala ang single sa grupo nito. Would he soon tie the knot, too? Si Sherry ba ang babaeng pakakasalan nito? She knew she should not feel hurt but she could not help it.

Kahit pilit niyang tinitimpi ang damdamin ay nagsusumigaw pa rin ang katotohanang gusto niya si Jacob. Bawat araw ay tila lumalalim ang damdamin niya para rito. At natatakot siya na baka kung saan mauwi iyon kapag lumalim pa nang husto.

JELA, The Drama Club Actress (St. Catherine University Series #3) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon