Final Chapter

6.6K 242 50
                                    


PINAGMASDAN ni Jela ang paligid ng restaurant na pinagdalhan sa kanya ni Jared.

Romanticos... Bakit naman sa dinami-rami ng restaurant ay doon pa siya napiling magpa-reserve ng kanilang dinner date? Hindi na siya nakahuma nang i-suggest nito ang lugar na iyon nang tawagan niya ito kahapon at yayain na mag-dinner.

Napaka-memorable ng lugar na iyon. Sa lugar na iyon niya unang naka-engkuwentro si Jacob. Kung hindi siya nagkamali ng napuntahang table ay hindi niya makikilala ito, hindi siya mai-in love dito at hindi siya brokenhearted ngayon. How ironic na doon pa siya dinala ni Jared sa gabing iyon. Sa gabing iyon kung saan napagpasyahan niyang sagutin na ito.

"I wonder why you chose this place," aniya kay Jared.

"Why? You don't like the place?"

"Gusto ko," sabi na na lang niya.

"Sobrang romantic dito, no? Ang tagal na nitong restaurant na ito. Bata pa lang yata ako noong nagkaroon nito, eh. But they renovate it every few years. They've maintained this place so well. See the big collage wall over there?"

Tiningnan niya ang sinasabi nito na nasa isang bahagi ng dingding ng restaurant. Medyo malayo sila roon at maliliit ang mga pictures kaya hindi niya makita kung kaninong larawan ang mga naroon.

"Sila 'yong mga pictures ng mga couples na kine-claim na memorable para sa kanila ang lugar na ito. Ibig sabihin, nagkaroon ng significant role sa love stories nila ang lugar na ito."

Parang bigla siyang na-guilty. Dito sa lugar na ito nagkaroon ng bad memory ang love story nina Jacob at Sherry nang dahil sa kanya. But then, hindi na niya kailangan pang sisihin ang kanyang sarili dahil natuloy rin naman ang love story ng mga ito after five years.

"Nice, 'di ba?" tanong nito.

"Nice nga."

"Gusto kong malagay rin sa dingding na 'yan ang picture ko at ng future wife ko."

Ngumiti lang siya. They continued to eat.

"Why do you look so sad, Jela?"

"Huh?"

"Your eyes. They're not the same as before. I remember the day I met you, parang kasing kislap ng glittery gown mo ang mga mata mo."

"Siguro stressed lang ako. Kasi, alam mo na, showbiz na rin ako ngayon."

Mukhang hindi naman ito kumbinsido sa idinahilan niya. "Sana mapasaya kita, Jela. Ibibigay ko kung anong makakapagpasaya sa 'yo."

"Paano kung si Dingdong Dantes ang makakapagpasaya sa 'kin?" naisipan niyang biruin ito.

Ngumiti ito. "Kung mahal mo siya at sa kanya ka sasaya, ano pang magagawa ko?"

"Talaga? Ibibigay mo ako kay Dingdong Dantes?"

Tumawa ito.

"Kaso hindi naman ako kukunin n'yon. May Marian Rivera na 'yon, eh."

"Seriously, Jela. Kung may sasabihin ka ngayong gabi at kung anuman 'yon, tatanggapin ko. Igagalang ko kung anuman ang desisyon mo."

Naramdaman marahil nito na may mahalaga siyang sasabihin sa gabing iyon. Siya kasi ang nagyaya ng dinner na hindi naman niya ginagawa noon.

Nang mai-serve na ang wine ay naisip niyang sabihin na rito ang kailangang sabihin. Tumikhim siya at inilapag ang wine glass sa mesa. "Jared..." Natigil siya sa pagsasalita nang mapansin ang isang bulto na bigla na lamang sumulpot sa tabi ng mesa nila. Napatanga siya nang tingalain niya ito at makita kung sino ito. "J-Jacob?"

JELA, The Drama Club Actress (St. Catherine University Series #3) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon