Chapter 7

3.9K 137 16
                                    


"YOU'RE ON time."

Ginantihan ni Jela ng isang pilit na ngiti ang ngiting ibinigay ni Jacob nang bumungad ito sa bumukas na pinto ng condo unit nito. "Syempre. Professional ako, eh."

"Come in." Niluwagan nito ang bukas ng pinto.

Pumasok siya. Nagpatiuna na siyang maglakad sa maikling pasilyo papasok sa sliding door at kumunot ang noo niya sa nabungaran. Gulo-gulo ang living room. Nagkalat ang mga throwpillows, living room displays, chips, tetrapacks ng mga chocolate drinks at mga laruang panlalaki sa carpeted floor. "What is this mess?" tanong niya kay Jacob nang maramdaman niya ang paghinto nito sa tabi niya.

Bago pa makasagot ito ay lumabas mula sa silid nito ang sagot sa katanungan niya. Dalawang batang lalaki ang naglalaban gamit ang plastic swords. Nagtakbuhan ang mga ito at muli ay naglaban. Muntik nang matumba ang isa sa mga ito.

"Careful, boys," sabi ni Jacob sa mga ito.

"Sino sila?"

"Mga pamangkin ko. 'Yong maliit, si Gab. Two years and a half old. 'Yong malaki, si Leon, four years old."

Nakita niyang may lumabas na maliit na babae mula sa kusina.

"Siya ang yaya nila," tukoy nito sa babae. "Pumupunta sila rito minsan kapag Sunday to play with me."

"To play with you?" gagad niya.

"Yeah." Bigla na lamang itong tumalon mula sa itaas ng couch at dinampot ang isang plastic sword. Nakipagtagisan ito ng espadang laruan sa mga pamangkin.

Manghang pinanood niya ang mga ito. No wonder, gulo-gulo ang bahay nito. She never thought Jacob liked to play with kids. In fact, para itong batang humihiyaw-hiyaw pa habang nakikipaglaban sa mga pamangkin nito. Nagkunwari pa itong natalo at namatay nang saksakin ito sa tiyan ng maliit na si Gab.

"You lost again, Uncle," sabi ni Gab na tumatalon-talon pa tuwa.

"Yes! Uncle's going to buy us new toys!" tila excited naman na sabi ni Leon.

Tumayo na si Jacob at kinarga ang dalawang bata. "All right. We're going out now."

"Yehey!" halos sabay pang hiyaw ng dalawang bata.

"Hi!" bati niya sa dalawang bata nang mapansin niyang tumingin ang mga ito sa kanya.

"Who is she, Uncle?" tanong ni Gab dito na ang tinutukoy ay siya.

"Is she your girlfriend?" tanong naman ni Leon.

"No."

"Then, who is she?" tanong muli ni Leon.

"She's Jela and she's going to clean up the mess you've made," tugon ni Jacob na nakapagpanganga sa kanya.

"She's your maid?" si Leon uli.

Gusto niyang magprotesta sa sinabi ng bata kung hindi lamang nito dinugtungan iyon.

"I thought she's your girlfriend because she's pretty."

Tinipiran lang niya ang ngiti upang hindi ipahalatang natuwa siya sa sinabi nito. Tinawag nito ang yaya at ibiniling ilabas na ang mga bata at susunod na ito sa labas.

"Gagawin mo akong maid mo?" tanong kaagad niya rito nang makalabas na ang mga bata at ang yaya. Para talagang war field ang buong living room. Natitiyak niyang pati ang bedroom na pinanggalingan ng mga bata kanina ay gulu-gulo rin.

"I prefer to call you my errand girl. I have a lot of tasks for you. Hindi lang ang paglilinis sa pad ko."

"Anu-ano pa ang mga iyon?"

JELA, The Drama Club Actress (St. Catherine University Series #3) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon