Chapter 8

3.8K 142 11
                                    


NGUMITI si Jela nang marinig ang pagdighay ni Jacob matapos nitong maubos ang pagkain nito. Ipinagluto niya ito ng calderetang baka.

"Nasarapan ka, 'no?" tudyo niya. Muli niyang sinalinan ng tubig ang baso nito.

Tila nag-isip pa ito. "Puwede na."

Kahit ganoon lang ang tugon nito ay natuwa pa rin siya. Lately, pakiramdam niya ay hindi na niya ginagawa ang mga tasks out of obligation. Parang nasisiyahan na siya na pinaglilingkuran niya ito.

Masyado na itong maraming naiutos na tasks sa kanya. Naging maid na siya nito, delivery girl, fake fiancée, masahista, ultimo pagiging coffee girl dahil minsan ay pinatakbo pa siya nito mula Quezon City hanggang Makati para lang mabigyan niya ng frappucino ito during her breaktime gayong puwede naman nitong iniutos na lang sa sekretarya nito iyon.

Naging shoe-shine girl na rin siya nito, cook, labandera, human timer sa pag-e-exercise nito, isang buong araw na nanny ng dalawang makukulit na pamangkin nito, ultimo pagbilang ng nunal sa mukha nito ay ipinagawa nito sa kanya. Kulang na lang ay ipagawa nito sa kanya pati ang sirang tubo sa banyo nito o ipabuhat nito sa kanya ang refrigerator nito. Naniniwala siyang isa itong sadista ngunit bakit ganoon? Bakit parang hindi siya nagagalit? In fact, feel na feel niya ang pagpapaalipin rito. She must be nuts.

Siguro nga ay naloloka na siya. Dahil simula nang maramdaman niya ang yakap nito ay para na siyang nahipnotismo dito. Wala na siyang karekla-reklamo sa mga utos nito. In fact, wala siyang inaabangan sa bawat araw kundi ang pagtawag nito. Kinikilig siya sa bawat ipag-utos nito. Gusto kasi niyang makita ito kaya ganoon siya ka-excited na sundin ito.

Ngunit itinatago niya ang nararamdaman. Hindi nito dapat mahalata na nag-enjoy na siya sa mga tasks niya para rito. Hindi nito dapat malaman na hindi na siya naiinis sa pag-uutos nito. At higit sa lahat ay hindi nito dapat malaman na nagkaka-crush na siya rito.

"Kunwari ka pa. Ayaw mo pang aminin na masarap talaga akong magluto."

"Sige na nga. Masarap kang magluto."

Napatanga siya rito. He complimented her! Finally. Parang biglang naging obese ang puso niya sa sinabi nito.

"Kaya dapat ipagluto mo ako araw-araw."

"Oo ba."

Kumunot ang noo nito. "Okay lang sa 'yo? Bakit parang lately, hindi ka na nagrereklamo sa mga inuutos ko sa 'yo?"

"Nagrereklamo ako!" Napalakas ang tinig niya. Tumikhim siya nang maisip na naging overacrting siya sa pagsagot. "Nagrereklamo rin ako sa isip ko pero wala naman akong magagawa. Kahit magreklamo ako, hindi mo na naman ako pakikinggan, eh."

Ngumiti ito. "Buti alam mo."

Habang naghuhugas siya ng pinggan ay naliligo ito. Paglabas niya mula sa kusina ay sakto namang paglabas nito mula sa banyo na tanging tuwalya lamang ang nakatapi sa ibabang bahagi ng katawan. Napatalikod siya. Oh, tukso... layuan mo ako.

"Kung wala ka nang ipag-uutos, uuwi na 'ko," aniya habang nakatalikod.

"Dito ka na matulog."

Bahagyang namilog ang mga mata niya. "Dito ako matutulog?"

"Bakit?" Sasabihan siya nito na doon siya matulog habang nakatapis lamang ito ng tuwalya?

"Gabing-gabi na."

"Sanay akong umuwi nang gabing-gabi dahil sa trabaho ko." Napangiti siya nang may maisip. "Teka, concerned ka ba sa 'kin kaya ayaw mo akong pauwiin nang gabing-gabi?"

"Hindi naman. Gusto ko lang magpagawa ng breakfast sa 'yo bukas ng umaga bago ako umalis."

Nadismaya man sa isinagot nito ay hindi niya ipinahalata. "Hindi yata maganda na dito ako matutulog. If you know what I mean. Babae ako, lalaki ka. Baka bigla ka na lang maakit sa 'kin at gawan mo ako ng hindi dapat."

JELA, The Drama Club Actress (St. Catherine University Series #3) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon