Abigale's POV.
Galit kayo sakin? Do you think that I'm a bitch?
Pasensya na mukhang wala na akong magagawa pa kung ganun na ang pagtingin niyo sakin.
Di ko naman kayo masisisi eh. Dahil sa storyang ito ako ang kontrabida ako ang masama. Ako na lahat.
Napailing na lang ako ng ulo ng makita kong nagkakasukatan ng tingin ang dalawang lalaking nagmamahal kay Elle.
Kitang kita sa mukha ni Gian ang lungkot at pag aalala. Kailan ko kaya yun mararanasan? Yung tipong may magmamalasakit din sa iyo.
Lumingon naman sakin si Gian matapos niyang sundan ng tingin ang paalis na sasakyan ni Dave.
Lumapit na siya sa kinatatayuan ko.
"May check-up ka ba ngayon?"
"Meron"
Nakangiting sagot ko. Alam niyang may sakit ako. At dahil lang yun sa sakit ko kung bakit ako fiancee ng isang Alexander Gian Pierce. Magulo ba? Maiintindihan nyo rin yan.
"Halika na. Hatid na kita"
"Paano yung trabaho?"
"May mga maiiwang executive at engineers pa naman and ipapa report ko na lang siguro by next week"
"Ahh. Sige. Kukunin ko lang bag ko."
Tumango na lang siya. Dali dali ko naman kinuha ang bag ko at muling pinuntahan si Gian.
Gian, Gian, Gian! Kahit na break na sila ni Elle. No one is ever allowed to call him Alexander or even Xander. Talagang nakalaan lang ang Alexander sa isang Elle Alexis.
Haaay! Buhay!
"Let's go?" Tanong ni Gian
"Yeah"
Kahit na ilang buwan na kaming nagkikita at nagkakasama ngayon pa lang ang maituturing ko na para kaming isang tunay na couple.
Masakit syempre. Mahal mo pero may mahal na iba. Kasama mo pero ang gustong kasama ay iba. Pero si kupido eh.pinana ako. kaya eto mahal ko si Gian.
Pinagbuksan na lamang ako ni Gian ng pinto ng sasakyan at umikot na siya para maupo sa driver seat and umalis na kami.
Hindi ko magawang pagbawalan si Gian na kausapin o lapitan man lang si Elle dahil napakalaki na ng kasalan ko siya. Nahihirapan siya dahil sakin.
Kung wala siguro ako masaya na sila.
Ilang minuto pa ang lumipas at parang na stuck na kami dito sa high way dahil sa sobrang traffic.
Bigla ko na lang naisip kung paano ko naging fiance si Gian at sa mga nagyari bago pa kami makita ni Elle sa opsina niya.
FLASHBACK
My Kuya Eugune and I are like bestfriend. Una sa lahat napaka makapangyarihan ng Kuya ko. Di lang sa larangan ng business kung di pati sa mga underground business niya. Eugene is a Mafia Boss.
Ilang tao lang ang nakaka alam nun. Napaka supportive ng papa at kuya ko sakin. Kaya siguro lahat na lang ng gusto ko ay nasusunod.
Matapos ma diagnosed na may sakit ako sa puso they did everything just to make me happy. Lahat lahat ng gusto ko nandyan na. But still alam kong may kulang.
Hindi ko naman kasi alam kung magagawa ba ni kuya na pagbigyan ang kahilingan ko. But still dahil we treat each other as best buddies.
I told him that I want Alexander Gian Pierce in my life. That I am inlove with him. And I will be very much happier kung sana man lang bago ako mamatay ay maging kami man lang.
BINABASA MO ANG
Tonight I'm getting over you
Teen FictionHot ✔ Sexy✔ Mayaman✔ Maganda✔ ilan lang yan sa description na palaging naririnig ni Elle. pero ang di mawala wala sa description sa kanya ay isa lang naman siyang PLAY GIRL simula ng napana ni kupido and kanyang puso at nasaktan she never beli...