Chapter 11

87 9 2
                                    

ELLE'S POV

Dalawang araw akong namalagi sa ospital. Napaaka raming bilin ng doctor. At syempre dahil ako ay isang dakilang pasaway ay medyo medyo nakinig ako.

Si Dave talaga ang nakipag usap sa doctor. Halos kabisaduhin niya na ang mga biliin ng doctor. Magmula sa mga bawal kaninin gawin at pati sa mga vitamins na kailangan kong inumin para lumakas daw ang resistensya ko.

Diba sabi sa inyo eh medyo nakinig naman ako sa mga sinasabi niya. At sa dalawang araw na nasa ospital ako ay hindi niya ako iniwan.

Daig niya pa ang mga magulang ko na isang beses lang atang dumalaw sa akin. Pero kahit ganun okay lang naman sakin kasi kahit papaano ay nadalaw nila ako kahit na busy sila. At least di pa rin nila nakakalimutan na may anak pa rin sila.

Wala naman akong hinanakit sa kanila eh. Naiintindihan ko sila pero di niyo maalis sa akin ang paminsan minsang mainggit sa mga taong kumpleto at nakakasama ang mga pamilya.

Nandito ako sa condo ngayon sa condo ni Theresa. Grabe! Na miss ko tong babaeng masungit na to. Kahit na wala siyang ginawa kungdi ang pagalitan ako nung nasa hospital ako still na miss ko pa din siya.

Nakahiga nga ako dito sa couch eh. Ka txt ko nga pala si Dave na walang ginawa kundi tanungin ako kung okay lang ba ako? Kamusta na daw. May masakit ba at kung ano ano pa. Konti na lang mapagkakamalan na siyang bf ko.

Haaaay!! Speaking of boyfriend. Hindi man lang ako dinalaw ni Alexander kahit isang beses. Samantalang ako ni walang lumipas na isang araw na hindi ko siya iniisip.

Bahala na. Di pa nga ako magaling iintindihin ko pa siya. Sus! Ang martyr ko naman. Wala akong planong sumunod sa GomBurZa. Pero rest in peace sa kanila. Hahahahaha.

Kung ano ano nang pumapasok sa isip ko at kung ano ano na ding kabaliwan ang mga naiisip ko kaya hindi ko narinig ang pagtawag sakin ni Theresa.

Nagulat na lang ako nung bigla niya akong binato ng unan. Napaka sadista talaga netong babaeng to.

"Hoy, baka gusto mo naman tumayo, maglakad lakad,  maligo at higit sa lahat baka gusto mo namang kumain!!!"

"Bessy, hindi naman ako bingi eh. Bat kailangan mo kong sigawan ha?"

"Aba't sumasagot ka pa ah!!"

"Aaaaaaaahhh!! Ano ka ba naman Theresa Camille Reyes Gomez!!! Kalalabas ko lang ng ospital! Maawa ka!!"

Paano ba naman kasi binato sakin yung hawak niyang sandok. Aba! Kahit plastic yun pag tinamaan ako nun bukol yun. Buti na lang may pagla lahing ninja ako kaya nailagan ko.

"ELLE ALEXIS GONZALES FAJARDO! Wala akong pake kung kalalabas mo lang ng ospital.  Diba nakakatakbo ka nga ng bonggang bongga sa initan ha?! Tapos magrereklamo ka sakin wala pa naman akong ginagawa ha!!!"

"Anong wala! Ayan na nga oh. Ilan na yang binato mo sakin tignan mo nga yang lapag natin kung hindi lang carpeted tong sahig puro kalabog kalabog na yung narinig ng mga kapitbahay"

Jusko Lord! Wala man lang tawad to. Pati yung mga figurines binato na. My ghaaaad!

"Haaaaay!!! Ikaw kasii ehhh!! Nakakainis ka!

"Bessy, naman bakit ako nakakainis"  mahinahon na tanong ko. Medyo kumalma na bessy ko kaya medyo tumatabi tabi na ako sa kanya.

"Nag alala lang ako Elle okay? Sobra lang akong nag alala nung nakita kitang walang malay nung dumating ako ng ospital. Hindi ako sanay na nakikita kang ganun. At ayoko na ng ganung eksena"

"Myyyyy Ghhhhaaaaaadddd!!!! Muntik mo na akong mabato ng kung ano anong gamit dyan dahil lang sa NAG AALALA KA!! ABA ANG TININD PAG AALALA NAMAN YAN!!!"

"Leche ka! Wag mo kong sigawan.  Ganun talaga. Kabayaran lang yun ng pagpapakaba mo sakin"

"Okaaay, okaaaay!! Kumain na tayo! Hindi ko na to keri!"

"Hahahahahaha. I miss you Elle"

"Wahahahahahah. Yun lang naman pala ang gusto mong sabihin may pagalit galit ka pang nalalaman"

"*death glare*"

"To naman bessy syempre I miss you too."

Kumiss na lang ako sa cheeks niya at ako na ang naghain ng tanghalian namin.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tonight I'm getting over youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon