CHAPTER 7: Accident

2.3K 22 0
                                    

Mandy's POV

Hinatid ko sya ng hindi kami nag papansinan

Nasa harap na kami ng bahay nila Maxine

"Uuwi na ako salamat sa oras mo hehe. Iloveyou!"

Tinanguan nya lang ako at hindi na ako sinagot. Pumasok na sya sa bahay nila

Hinintay ko syang makapasok sa bahay nila bago umalis

Nag lalakad ako pauwi ng biglang...

May naramdaman akong nakatutok na kutsilyo sa leeg ko

"Akin na pera mo" bulong nya saken

"Wala akong pera" kinapkap ko ang aking bulsa para malaman nyang wala talaga

"Sinong tangang maniniwala sayo?" natatawang sabi nya

"Wala nga akong pera!" pasigaw na sabi ko naman

"Sinisigawan mo pa talaga ako ah" sabay suntok sa tiyan ko

Sumigaw ako ng tulong pero parang walang nakarinig sa akin nasa madilim na lugar kasi ako at konti nalang ang mga tao sa kalsada

"HAHAHAHA sa tingin mo may makakarinig sayo? natatawang sabi nya

"Sa tingin mo din ba may makukuha ka saken?" sabi ko naman

Sinuntok nya ulit ako sa tiyan pero ngayon medyo malakas na dahilan para matumba ako

"HAHAHAHAHA" tumatawa sya

Baliw ata itong ng holdup sa akin e

Tinayo nya ako at sinandal sa pader

Nung nakatayo na ako ay sinapak nya ako sa mukha at nanghina na bumagsak ulit

Nanghihina na talaga ako dahil napagod ako sa gala namin ni Maxine

Nawalan na ako ng malay at hindi ko na alam kung ano ang nangyare sa akin

Nagising na lang ako ng nakahiga sa isang kama at sigurado ako na hindi ko ito kwarto

Hindi ko pa kaya tumayo kaya tumingin ako sa relo ko at nagulat ako na 10:00am na

"Gising kana pala pre" sabi ng nasa kanang bahagi na boses lalake

Tumingin ako kung saan nanggaling ang boses na yon

'si richard' bulong ko sa sarili ko

Bestfriend ko sya at kaklase ko den nung highschool na nag kakagusto den kay Maxine

Mag kakaklase kami nila Maxine. Si Richard isa den sya sa mga pinagkakatiwalaan kong tao dati at pinagkakatiwalaan nya den ako bali pinagkakatiwalaan namin ang isa't isa

Dahil pinagkakatiwalaan nya ako sinabi nya saken na may gusto sya kay Maxine pero hindi nya alam na may gusto den ako kay Maxine

Umupo ako at kinausap sya

"Bakit ako nandito pre? sabi ko na ikinatawa nya naman

Baliw ata mga tao ngayon natatawa ng walang dahilan

"Bakit ka natatawa pre? Madumi ba mukha ko?" dugtong ko pa na mas lalong ikinatawa nya

"Hindi naman pre nakita lang naman kitang natutulog sa kalsada kaninang 7:00. Bakit doon kaba natutulog wala kabang kama sa bahay nyo pre?" natatawang sabi nya

"Hindi nakakatawa pre. Paano ako napunta dito?" sabi ko naman na ikinaseryoso nya

"Hindi seryoso na. Kaninang 7:00 pauwi na ako galing bakery bumili ako pandesal tapos nakita kitang nakahiga doon sa kalsada dahil doon tinawagan ko si Jepoy na tulungan nya akong magdala sayo dito" turo nya sa kaliwang bahagi ng kama nya

"Hi ako si Jepoy" nakipag kamayan sya sakin

"Hello ako naman si Mandy" inabot ko ang kamay nya at nakipag kamay sa kanya

"Yon na nga sa akin yung kanang kamay mo at sinabit sa leeg ko at sa kaliwang bahagi naman si Jepoy. Hiniga ka namin dito sa kama para makapag pahinga naden kasi may pasa ka oh ang dami mo pang sugat" sabi ni Richard na nakaturo sa balikat ko na may pasa at sugat

Kinapa ko yung bulsa ko wala na yung wallet ko inis akong humiga ulit at pumikit

"Pare ayos kalang?" tanong sakin ni Richard

"Wala na yung wallet ko pre bigay saken yun ng nanay ko pre" malungkot na sabi ko habang naka pikit

"Ohh!!. Don't tell me na holdup ka" nagaalalang sabi naman ni Richard

"Oo pre ganon na nga nahold up ako"
sabi ko naman at dumilat at umupo ulit

"Paano?" tanong naman ni Richard

At kinwento ko kung anong nangyari at nagulat sya sa mga sinabi ko

"Grabe pre mga trip ngayon ng tao ibang klase" sabi ni Richard

Lumipas ang isang oras na nag kekwentuhan lang at may tumawag kay Richard na boses babae

"Baby! Richard?" sigaw nung babaeng tumatawag sa kanya

"Yes?" tanong nya habang bumababa papuntang first floor

Makalipas ang ilang minuto pumanik na ulit sya

"Ahh pre nag tatanghalian na. Mandy, sumabay ka na samen kumain" sabi nya

"Hindi pre thank you nalang uuwi naden ak--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko at nag salita na ulit sya

"Shooo!. Nahihiya pa si Mandy ayos lang yan minsan lang ito e ano kaba para mapakilala ko naden si Angeline" sabi nya naman

"Pumapagibig kana pala pre. Sige nga ipakilala mo saken yan" sabi ko naman

"Tignan mo papayag kaden naman" natatawang sabi nya at hinatak na ako paalis sa kama

Naglakad na kami pababa at sumunod sa amin si Jepoy

Naka baba na kami at nakita ko ang babaeng tinutukoy ata nyang Angeline

Nag pakilala sya at nag pakilala naman ako

Nakahain na yung pagkain sa mesa at umupo naden kami

Nag kwentuhan kami tungkol sa buhay namen

"Ikaw pre? May nobya kanaba?" tanong sa akin Richard

"Malalaman mo den yan soon pre hehehe" sabi ko naman

"Anong soon? bukas na bukas agad magkakaroon tayo ng double date sa ayaw at sa gusto mo" sabi naman ni Richard

"Ahh Ehh--" hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko

"Walang Ahh Ehh, Ahh Ehh basta bukas mag kakaroon ng double date hihihihi" Nakangiti namang sabi nya

Kumain na kami ng tanghalian at nag paalam naden sa kanila

The Day She Said Goodnight (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon