CHAPTER 19: Bar

1.1K 12 0
                                    

Mandy's POV

Lumabas na kami ni James at sumakay sa kotse niya

"Anong pangalan nung bar na yon, bro?" tanong ko sa kanya habang nasa kalagitnaan ng pagbibyahe

"B.ETC CAFE" sagot naman nya

[B.ETC CAFE- GAWA GAWA KO LANG PO YAN HEHE]

"B.ETC CAFE?'' patanong na bigkas ko sa pangalan nito

"Yes, B.ETC CAFE.  B stands for beer, cause beer is their no.1 thing there and ETC stands for etcetera" pag papaliwanag nya sa kahulugan ng B.ETC

Nag kwentuhan pa kami hanggang sa marating na namin ang B.ETC

Nung bumaba na kami ay may nakita akong babae na nakatalikod sa gawi namin at nakaharap sa pintuan kung saan ang entrance. Madali lang syang makikita dahil siya lang ang tao doon

Malaki yung B.ETC. Three store building ito, kulay lavender ang kulay neto sa labas at nasa sentro ang pangalan nyang B.ETC

"Ayan na ata yung kasama natin, bro" turo nya doon sa babaeng nakita ko. Hindi naman ako sumagot "Tara na" yaya nya sa akin kaya naman nag lakad na kami doon papalapit sa babae

"Lexing" tawag nya doon sa babae. Lumingon naman yung babae at parang nag slowmotion lahat simula nung humarap si.. Alexa!

"M-mandy?" nag tatakang tawag sa akin ni Alexa

"Mag kakilala kayo?" natatawang tanong ni James

"Ahh o-oo" sabay kaming nailang at sumagot ni Alexa

"Destiny nga---" sabay den namin nalagay ni Alexa ang hintuturong daliri sa bibig ni James at sabay den namin yon tinanggal nung mapansin nya yon

"Hanep" namamanghang banggit ni James sa ginawa namin. Walang sumagot sa amin ni Alexa "Tara na pumasok na tayo" dagdag ni James

Nung pumasok kami ay agad na may lumapit sa amin na waiter para ituro ang room namin

"This way, sir" inalayan kami nung waiter at napunta kami sa VIP area. Huminto kami sa malaking kwarto at kapag pumasok ay hindi mo na maririnig ang ingay sa labas. Pabilog ang table nito kaya naka palibot doon ang mga upuan

Itinuro ni James sa waiter yung order namin at nung makuha nya na ito ay lumabas na den sya

"So--- paano kayo nag kakilala?" biglang tanong ni James. Wala namang kumibo sa amin "Kayo! kayong dalawa" pasigaw na turo sa amin ni James

"Long long story that iterates me, jem" maarte at umirap pang bigkas ni Alexa

"Ohh! Hahahaha" tumawa naman si James kaya tumawa na ren kami

Dumating na yung order namin kaya hinintay nalang namin itong malapag lahat

Pasta, Buttered Chicken, French Fries, Isang sosyaling case ng beer, Tatlong wine glass at 5 plates

"Sir, mamaya na po dadating yung Nachos. Kung meron pa po kayong gusto kindly press this bell" binigyan kami nung waiter ng isang bell at lumabas na

"Ang boring naman kung mag uusap lang tayo, ano?" natatawang tanong ni James

"Yes, jem" maarteng sagot ni Alexa

"What do you think, bro?" tanong nya naman sa akin "A-ah y-yes" wala sa sariling nasagot ko

"Orayyt!" masayang sambit ni James at itinaas pa ang dalawang kamay na sobrang taas. Kaya naman natawa kaming pareho ni Alexa sa ginawa niya

"Ang tamik nyo, puro kayo tawa.." suway sa amin ni James "Sige dahil dyan-- ikekwento nyo sa akin kung paano kayo nag kakilala" tumitig sa amin dalawa si James na animong naghihintay ng sagot

The Day She Said Goodnight (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon