CHAPTER 26: Sorry

565 9 0
                                    

Mandy's POV

"Good morning" bati ko kay Maxine sa telepono

"Morning"

"Nagising ata kita" nakangising sambit ko

"Kakagising ko lang"

"Bakit ngayon ka ulit lang nag paramdam ulit?"

"May tinapos lang, sorry"

"O-okay lang" animong nadismaya sa narinig

"T-tapos inaaya pa ako ni James sa B.E.T.C" dagdag ko pa

"Anong oras na kayo nakauwi?"

"Ginabi kami, mahal. Nagka problema si James doon sa isang costumer"

-FLASHBACK-

"Bro" tinapik ko si James nang matapos kong malagok ang likidong nasa baso ko. Hindi nya ata nakita si Nica, hawak hawak ng iba. Libang na libang kasi siya doon kay Isalia, yung babaeng kumakanta

"Oh?" tugon nya nang hindi ako nililingon

"Si Nica" nang sabihin ko iyon ay natuon nya sa akin ang paningin nya

"Ano si Nica? Bukod sa bagay sa akin?" nakangiwing aniya

"Loko! Hawak siya sa kamay nung lalakeng sumundo sa kaniya dito--" hindi ako natapos nang tumayo na siya para komprontahin ako

"Where are they going?" natutulirang aniya

"Papunta doon, oh" turo ko doon sa pintong patungo sa labas. Hindi nya na ako sinagot pa. Dali dali siyang lumabas, umaasang maabutan pa ang mga ito. Tatayo na sana ako pero hindi ko na siya nakita sa loob. Lumingon lingon ako sa paligid pero wala na akong nakitang James

Pumunta ako sa counter, sa bawat table at sa entrance. Hindi ko talaga siya makita. Huli kong pinuntahan ang tinuro ko kay bro kung saan lumabas ang dalawa. Lumingon lingon ako sa paligid hanggang sa natagpuan ko ang sarili kong nakatayo na sa parking lot. Doon ko muling nakita ang lalake. Nakaharap ito sa gawi ko. Blanko ang mukha habang nakatingin nang deretso kay James

"Uuwi akong mag isa!" sigaw ni Nica at binawi ang parehong kamay sa dalawa. Lalapit na sana ako pero bigla nila itong hinabol

"Bro!" tawag ko kay James habang hinahabol sila. Hindi naman ako nito sinagot o kaya nilingon man lang. Huli na nang makalapit kami dahil nakasakay na ng taxi si Nica para lumayo

"Lintik na!" asik ni bro

"What is lintik?" inosenteng tanong nung lalake

"Ika--" hindi siya natapos nang mag salita ako

"Lintik in english ay handsome" pinilit kong ngumiti habang sinasabi yon "Lintik-- you" dagdag na aniko. Naka pumewang naman si bro habang nakataas ang noo

"Lintik ako" taas noong sambit nung lalake, kaya naman nag katinginan kami ni James at sabay na natawa

"Hahahaha" malakas na tawa ni bro "Halikana, bro. Sundan naten si Nica" anyaya nya at nanguna papunta sa sasakyan nya. Tinignan ko naman yung lalake, nakangiti pa ren yung loko

"Let's go, bro!" ganoon na lang ang gulat ko nang nasa harapan ko na ang sasakyan ni James. Dali dali naman akong sumunod. Nang makapasok ako ay pinaharurot nya ang sasakyan "Sumunod ang lintik" bulong nya habang sumusulyap sulyap sa rear mirror. Tumingin naman ako sa side mirror nya at nandoon nga sa likod namin ang loko

The Day She Said Goodnight (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon