CHAPTER 11: 3b's

1.7K 18 0
                                    

Mandy's POV

Pag dating ko sa airport doon sa abroad ay tinawagan ko si dad para sa location nya

"Hello dad? Saan kayo nakatira?"  tanong ko

"Nandyan kana ba sa airport? Susunduin kita dyan" sabi nya at binaba ang linya

Hinintay ko sya sa airport ng ilang minuto

"Son!" sigaw ng pamilyar na boses

SI DAD!

"Dad.." sabi ko at lumapit sa kanya "..nice to meet you" sabi ko at yinakap nya ako

"I think you're tired now. Tara umalis na tayo" sabi ni dad

Tumingin ako sa orasan ko at 8:00am na 9hours akong nag byahe

Lumabas kami sa airport at sumakay sa magarang kotse

"Ang ganda ng kotse nyo dad ah.." sabi ko at nginitian nya naman ako "Tara na sumakay kana" sabi nya naman

Ang layo ng bahay nila. Mahigit isang oras kaming nag byahe

Huminto kami sa isang magarang bahay. Malaki ito, Simple pero elegante at may malaking spasyo

"Dad? Is it your house?" tanong ko kay dad na nakatingin sa bahay nya

"Yes. This is ours.." sabi nya at tumingin sa akin "..let's go" yaya nya sa akin na pumasok na

Hawak ko ang maleta ko habang pumapasok

Pag pasok namin ay agad na bumungad sa amin ang nakahilerang tatlong babaeng may kaedaran na rin

40's I think

"Good morning Sir Randy at Baby Mandy" sabi nung nasa gitna

"Baby? Ehh---" hindi ko natapos ang sasabihin ko nung bigla silang lumapit sa akin at niyakap ako

"Ang gwapo nga talaga ni baby Mandy" sabi uli nung nasa gitna at umalis sa pag kakayakap sakin

"Saan pa ba nag mana yan?" sabi ni dad na nakangisi

"Syempre sa inyo sir" sabi nung nasa gilid

Hindi ako nag salita at ginala nalang ang mga mata ko sa loob ng bahay

"Parang hindi pa tayo kilala ni baby Mandy" napatingin ako doon sa babaeng nasa kabilang gilid na kunwaring nag iisip

"Ahh.. hehehe" sabi ko na kunwaring kumakamot sa ulo ko

"My name is Nanny Bambie. 41 years old and you can call me B1" sabi nung babaeng nasa gilid

"My name is Nanny Barbara. 42 years old and you can call me B2" sabi naman nung nasa  gitna

"My name is Nanny Baby. 43 years old and you can call me B3" sabi naman nung nasa kabilang gitna

"And we are 3b's" sabi nila ng sabay sabay at na pose na parang superhero

Sabi ko na eh at mga 40's lang sila

"Wow" namamanghang sabi ko at pumalakpak

"Hahahaha.." tawa ni dad at napatingin naman ako sa kanya "..tara na son mag breakfast na tayo"

Pumasok kami sa dining area nila at doon ko nakita ang dalawang dalagang babae

Teens I think

"Baby Mandy, this is Nicole. She is 10 years old" sabi nya at nakatingin doon sa batang babae

"Ah.. Hi goodmorning" sabi ko doon sa bata

"And this is Nica. She is 20 years old" sabi naman nya at nakatingin sa isa pang babae

"Hi goodmorning" sabi ko doon sa Nica

Tinunguan naman nila ako

"My name is Mandy. I am 23 years old. Hehehe sinabi nyo kasi age nyo kaya dapat ako den" sabi ko at tumawa naman sila

"Hahahahaha" tawanan nila

"Oh tara na kumain na tayo at lara mapahinga naden si Mandy.." sabi ni dad at niyaya na akong umupo "..let's go son?" yaya nya sa akin

"Yes dad" sabi ko at umupo na "3b's right? hahahaha.." tanong ko doon sa tatlong nanny "Why don't you join us here?" dagdag na tanong ko pa

"Yes baby Mandy" sabi ni Nanny Barbara "Ah sir? Can we join?" sabi ni Nanny Barbara na nakatingin kay dad

"Ah sure" sabi ni dad at umupo na sila

Kumain kami at nag kwentuhan

"Ano ano yung mga tatrabahuhin ko dito dad?" tanong ko kay dad

"You'll know soon, son" sabi ni dad na nakatingiti

Pilit na ngiti naman ang ginanti ko sa kanya. Pag tapos namin kumain ay bumalik na sila sa sari sarili nilang mga trabaho

Si Nanny Bambie bilang b1 ay nandoon sa kusina, Naghuhugas

Si Nanny Barbara bilang b2 ay nandito naman sa dining area, Naglilinis

At si Nanny Baby bilang b3 ay nandoon sa sala, Naglilinis den

"Son, Let's go to your room na" sabi ni dad na sumunod naman ako "B2 nalinis nyo ba ang kwarto ni Mandy?" tanong ni dad kay Nanny Barbara

"Yes sir" sabi ni Nanny Barbara

Pumunta kami sa pangalawang palapag ni dad at pumasok sa isang kwarto

"This is your temporary room son" sabi ni dad nung nasa loob na kami

"Okay dad" sabi ko at ginala ang paningin sa loob ng kwarto

Panglalake at madaming gamit panglalake den

"Magpahinga kana at bukas mag tatrabaho kana" sabi ni dad at lumabas sa kwarto

Paglabas ni dad ay sinara ko ang pinto at humiga sa kama. Tinext ko si Maxine at si Mom

"Hi beautiful, Goodmorning. Kumain kana?" text ko kay Maxine

Ilang minuto pa at nag reply na sya

"Hey handsome, Goodmorning kakagising ko lang" reply nya

"I want to hear your voice" text ko naman

"Okay I'll call" sabi nya at tumawag

Mahal Calling..

"Mahalllllllllll" malakas na sigaw sya sa linya. Linayo ko naman kaunti yung telepono dahil sa lakas ng boses nya

"Hehehe sorry" sabi nya uli at tumawa naman ako

"Hahahaha. Kumain kana ba? Kamusta kana?" sabi ko naman

"Ayos lang kakatapos ko lang kumain. Nasaan kana?" sabi nya naman

At kinwento ko ang nangyari

"Ay ganon ba? O sige mag pahinga ka muna bye I love you" sabi nya at binaba ang linya

Tinext ko sya at nag pahinga na

"I love you too" text ko sa kanya at nag pahinga na

The Day She Said Goodnight (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon