CHAPTER 30: Flower

362 10 0
                                    

Maxine's POV



Hi mga readers, hihi


"Chin!" unti unti kong minumulat ang aking mga mata "Gising!"

"Ayoko pa, my" pumikit ulit ako at kinuha ko yung kumot para binalot ang sarili

"Nandiyan na si Mandy!" napabalikwas ako nang marinig yon "Bwahahahaha!" pag kaupo ko, tanging si mom lang ang nakita ko. Nasa paanan siya ng kama ko. Nalungkot ako sa katotohanang hindi talaga siya uuwi. Isang linggo na lang bago sumapit yung pasko pero wala pa ren siya sa tabi ko

"Wala man si Mandy, nandyan naman si Tita Mimi mo" sambit ni mom at tumayo "Bumangon ka na diyan kanina ka pa nya hinihintay" dagdag nya at tuluyan akong iniwan sa kwarto


Ano kaya ginagawa ni tita dito? Sa bagay isang beses sa isang linggo, dumadalaw siya dito


Bumangon na ako at inayos ang sarili. Nag toothbrush at hilamos ako tapos bumaba na ren. Nakita ko si tita and mom, masaya silang nag uusap sa sala "Good morning, tita" bati ko rito

"Good morning, hija" tumayo si tita at nakipag beso sa akin

"Kumain na po ba kayo?" tanong ko

"Hindi pa eh. Balak kong dito kumain, hija"

"Kain na po tayo" anyaya ko at nag paunang lumakad papuntang kusina. Naramdaman ko naman yung pag sunod nila "Hala, tita bacon at egg lang po meron dito"

"Ano ka ba? Ayos na ayos sa akin yon" nakangiting aniya at inakbayan ako "Uuwi den siya, wag ka nang malungkot--" hindi natapos si tita nang mag salita si mom "Mars!" suway nito

"Ay hihihi" animong kinikilig na ani ni tita

"Nag sisikreto kayo, tita, mom, ah" sambit ko habang sinusundot ang tagiliran ni tita

"Hahahahaha!" tawanan namin

Masaya kaming nag almusal kasama si tita Mimi. Buti na lang parehas sila ng taste ni mom, kaya iyon nag kakasundo. Minsan nga nakita ko sila sa may mall, nag shopshopping. I am so happy kasi mabait si tita. Meron kasi akong napapanood sa mga palabas, may mga magulang na tutol sa relasyon ng kanilang mga anak. Handa nilang gawin lahat para lang mapaglayo ang mga ito and I am so thankful kasi hindi yon nangyari sa relasyon namin


"Mars, uuwi na ako. Salamat sa libreng almusal" sambit ni tita at naki pag beso kay mom. Bumaling naman ito sa akin "Malapit na---" hindi ulit natapos si tita Mimi huhu

"Mars, chupi na!" sambit ni mom "Anak, hatid ko muna ang tita mo" dagdag nya at inakay yung nanay ni Mandy palabas. Kanina pa yan si tita

Nung makalabas sila ay pumanik na ren ako para maligo. Half day pasok namin ngayon dahil sunday. Nakakaasar den 'tong si boss eh, mag papasko na may pasko pa ren. Kumuha ako ng damit ay twalya. Nang matapos akong maligo ay nag bihis na ren ako. Inayos ko ang sarili at sinuklay ang buhok. Pababa na sana ako pero nahinto dahil nag ring yung phone ko

"Hello?" tugon ko rito

"Hi my loves!" hilig talaga nito mambingi eh

"My loves mo mukha mo!"

"How's my beautiful girl?" hindi ko tuloy maiwasang hindi mangiti, buset! Bwahaha "Woi! Kinikilig ka na naman"

"Oa, Mandy, ha! Ganon lang? Kilig agad?"

"Bwahahahaha!"

"B-bakit ka t-tumawa?!"

"Wala ka na don!" natatawang aniya

The Day She Said Goodnight (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon