CHAPTER 21: Arcade

1.2K 12 1
                                    

Mandy's POV

"After lunch tayo aalis para hindi na naten kailangan kumain sa mall.." liningon ako ni Nanny Barbara "..pero kung gusto nyo namang kumain nalang doon sa mall, pwede den" dagdag pa

"Sa mall nalang po" sabay naming sambit ni Nica. Ultimong pagkamot sa ulo dahil sa pagkapahiya ay sabay den kami

"Oo sige na, mahina ang kalaban" natatawang sambit ni Nanny Barbara

Nag paalam na ako sa kanila na papanik na. Pag panik ko ay kinuha ko agad ang phone para tawagan si Maxine

"Hello?" sagot nya

"Hi Mahal! I just wanna say that aalis kami hehe" paalam ko sa kanya

"Oh? Saan naman kayo pupunta?" tanong nya "Sa mall" sagot ko naman

"Sige, ingat" sambit nya at biglang binaba ang linya kaya naman nagulat ako sa inasal nya

Tinignan ko pa yung screen ko para masiguro na binaba nya na yon at tama nga ako, binaba na

Kaya naman pinahinga ko muna yung mata ko bago maligo. Nung matapos na ako maligo ay bumaba ako sa sala para makita kung ayos na sila

Nandodoon na sila Nanny Barbara, Nicole at Nica

"Tara na, baby Mandy" yaya sa akin ni Nanny Barbara "Di po ba sasama si dad?" tanong ko nung mapansing wala si dad "Hindi, baby eh" nakangiting tugon ni Nanny Barbara

"Nay, tara na" animong excited na yaya ni Nicole na nakatayo na sa pintuan

"Tara na" yaya den ni Nica at niyaya ang kapatid na lumabas na kaya naman sumunod na kami ni Nanny Babara. Nag hintay kami ng taxi para pumunta sa mall na tinutukoy nila

Nung makahanap na kami ay pinara ito ni Nanny. Sumakay naman kami nung huminto ito

Ako ang nasa passenger seat at sila namang tatlo ang nasa backseat

"Denjie Mall, please" patungkol ni Nanny doon sa mall na pupuntahan namin

[DENJIE MALL- GAWA GAWA KO LANG PO YAN HEHE]

"Denjie Mall? Who's that Denjie?" wala sa sariling natanong ko sa kalagitnaan ng byahe

"Mr. Denver Jienerelo also knows as Denjie. His mall is for poor people, he build that mall because he wants the poor people who can't afford bigger mall to have fun. Yeah, hahaha" natatawang pag papaliwanag nung driver ng taxi kung sino si Mr. Denjie

"What does he did to make people choose his mall instead of the other mall?" nakukuryos na tanong ko ulit doon sa driver

"He lessen the price, so the poor people can afford the goodies there. My family were so happy when they heard about it, cause my family can't afford other mall here. So, yeah" pilit na ngiting pag papaliwanag nung driver

Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti

"We're here" sambit nya nung huminto kami sa isang malaking mall. Tumingin naman ako kay Nanny na dumudukot na sa wallet nya para ibayad. Sila Nica at Nicole naman ay lumabas na

"Ako na po" sambit ko nung iaabot na ni Nanny yung bayad "Ako na, baby Mandy" nakangiti nyang tugon

"Take it all" abot ko ng 2,000 doon sa driver

"Sir, 500 only" tanggi nya naman doon sa 2,000

"Give it to your family" nakangiting sambit ko at bumaba na para hindi na magkaroon ng diskasyon, kaya naman bumaba na den si Nanny

"Ikaw talagang bata ka" nakangiting suway sa akin ni Nanny nung nag lalakad na kami papasok sa mall. Malaki yung mall, 5 stores building ito

"Gutom na ako, nay" malungkot na banggit ni Nicole

The Day She Said Goodnight (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon