CHAPTER 29: Plane Ticket

390 12 1
                                    

Mandy's POV

Dumaan ang mga ilang linggo na naging busy kami sa opisina. Meeting doon, meeting dito. Halos hindi na kami nakakapag usap or saya dahil sa pag tatrabaho. Dumami pa ang mga gagawin nung pumasok ang buwan ng disyembre

Kami ni Maxine? Hindi na kami medyo nakakapag usap dahil nga sa pag aasikaso namin sa trabaho. Nasasabik na akong makita siya. Balak kong isorpresa siya sa darating na pasko. Kapag nag kataong maganda ang kinalabasan ng pag papagod sa opisina at tumaas ang sales, hihingi ako ng pabor kay dad na kung pwedeng ay pauwiin nya na ako sa Pilipinas

"Let's all congratulate ourselves. Our sale increased this past days, until now!" nag palakpakan kami matapos marinig yon "Special thanks to Mandy and Alexa" nag katinginan kami ni Lexing matapos marinig yon at sabay kaming nangiti

Oo, tama kayo nang nabasa! Naging malapit kami ni Alexa sa isa't isa sa mga nag daang araw, kaya naman nakatanggap ako ng pulseras na may disenyong kalahating buwan

-Flashback-

"Bestfriend Mandy" pasakay na sana kami ni dad sa sasakyan nya nang marinig kong tinawag ako ni Alexa

"Wait lang, dad" nakangiting sabi ko kay dad at linapitan si Alexa na katabi ng kotse nya

"Oh, bestfriend?" usal ko nang makalapit na ako

"I just wanna give you this" nakangiting sambit nya at binigay sa akin ang pulseras na may disenyong kalating moon.

"A-are you serious?" natatawang tanong ko

"Anong problema doon? We're bestfriend naman eh" sabi nya at siniko ako nang mahina

"Bakit naman ito ang disenyo?" nakangising tanong ko

"Like Jem's bracelet" kinindatan nya ako "Good bye, bestfriend" paalam nya at pumasok sa sasakyan

-End of Flashback-


"We will be having our celebration later night" nakangiting sambit ni dad habang nakatayo

"Yahoo!"                                                 

"Yes!"

"Party, party"

Mga nag sisiyahang reaction ng mga partners nila dad


Nag usap usap pa sila nang kaunti bago kami umuwi. Masaya kaming bumaba papuntang parking lot

"Congrats, anak" sambit ni dad nung makapasok na kami sa kotse nya

"Thanks, dad. Congratulation too"

"I am so proud of you and Alexa"

"I am so proud of you too, dad"

"Bakit ba binabalik mo sa akin kung ano ang sinasabi ko?" nag katinginan kaming dawala ni dad at sabay na natawa

"Hahahahaha!"


Nadatnan namin sila 3b's sa sala, masayang nanonood ng mga movies. Tinuring na sila ni dad na pamilya. Ganoon na den naman ako. Masaya ako sa tuwing nakikita silang masaya. Naki halubilo ako sa kanila, ganoon na den si dad

"Hi, 3b's" bati ko rito

"Hello, baby Mandy" sabay sabay na aniya

"We will having a celebration party later, 3b's wanna come?" nagulat ako sa tanong ni dad, kaya naman napalingon ako sa kanya

The Day She Said Goodnight (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon