CHAPTER 35: Surprise

366 8 0
                                    

Maxine's POV

Beep..beep

Isang minuto na lang bago mag pasko nang may marinig kaming busina ng sasakyan

Lahat kami, sila mommy't daddy, si tita Mimi, sila Lovie, Claro, Shen, Xander, sila Richard, Angeline at iba pang mga matatanda ay napatingin sa labas ng bahay namin

Lahat den kami ay hinihintay kung sino ang bababa sa van. Ang mga paningin ay nakatutok doon sa bumusina

Nalaglag ang panga ko nang lumabas ang isang paanan mula roon sa van. Alam na alam ko kung kanino nag mamayari yon

Napalakad ako nang kaunti nung bumaba pa ang isang paanan nito. Ngayon siguradong sigurado na ako

Naka suot ang yellow hood ito, naka sunglasses kahit gabi na naman at black jeans para sa pangibaba

Dahan dahan siyang lumapit sa akin at nag smirk. Ngayong katapat na namin ang isa't isa ay pakiramdam ko, kaming dalawa lang ang tao rito at sa kanya lang ang sentro ng paningin ko

"Pinabibigay ng pinaka gwapo dito" sambit nya at binigay sa akin ang bulaklak, kaya naman pinalo ko nang mahina yung dibdib nya

Katulad ng bulaklak na binigay nya ang mga natatanggap ko nung mga nakaraang araw. Kahapon nakatanggap den ako ng bulaklak

-Flashback-

"Chin!" sobrang lakas na tawag sa akin ni mom

"Baket po?" tugon ko bago bumaba sa sala

"May nag papabigay ng bulaklak sayo!" sambit nya nang makababa ako

"Sino naman?" I ask myself "Si Xander po ba?" I ask her while looking at the flower

"Xander?" paniniguro nya "Oh your officemate?"

"O-opo, siya ba mag pabigay nito?" I ask while holding the flower

"S-siguro" nag kibit balikat siya bago ako lisanin

Inikot ko yung bulaklak, umaasang may makikitang papel. Nang May makita ay binuklat ko ito at binasa

'Love is all that I can give to you'

-End of Flashback-

Nang maalala yon ay dali dali kong kinuha ang bulaklak sa kanya. Sinubukan kong mag hanap ng papel, umaasang siya ang mag bigay ng mga bulaklak nung mga nakaraan

Hindi nga ako mag kakamali, merong papel na nakalagay!

'Love is only just a game for two. Two in love can make, take my heart and please don't break it'

"U-umamin ka nga" pag hahamon ko

"Ano ang aaminin ko?" he ask

"Ikaw yung nag papadala nung mga bulaklak, 'no?" I ask while pointing his face

"I miss you" imbes na sagutin ay niyakap nya na lang ako

Nang mag hiwalay kami ay tinignan ko pa siya nang maigi bago mag salita muli

"I-ikaw na ba t-talaga yan?" I ask him while touching his forehead down to his eyes, nose and lips

"Ako nga" tugon nya bago tinananggal ang shaded nya "Nandito na ako—" hindi siya natapos nang halikan ko siya

"Merry Christmas!" napabitaw kami nang mag sigawan na sila

"Merry Christmas!"

"Nag dedessert agad eh!"

The Day She Said Goodnight (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon