End: Good Night (Part 2)

459 22 20
                                    

Mandy's POV

"Maxine! Maxine!" pag gising ko sa kanya habang nakahiga siya at dinadala namin sa kwarto kung saan pwede siyang maasikaso "Please, wake up" habang nag mamadali sa pag lalakad, pinipiga-piga ko ang kanyang kamay

"Hanggang dito na lang po kayo" sambit nung nurse at pinasok si Maxine sa kwarto

Napaluha ako habang dinudungaw ang pinasukan nila. Tumalikod ako at nakita ko sila Tita Sherline at Tito Max na tumatakbo papalapit sa gawi ko

"Nasaan ang anak ko?" umiiyak na tanong ni Tita

"Kamusta si Maxine? Ano ba ang nangyari?" tanong naman ni Tito

Napatikhim ako nang sumunod-sunod ang tanong nila "Tita, nasa loob na po sila. Sasabihin ko na sana po ang vow ko, kaya lang bigla siyang nag pass out" napaiyak ako at dinungaw ang kwartong pinasukan nila Maxine

Liningon ko sila at nakita ko sila James at Alexa na nahihirapang tumakbo dahil sa suot na gown "Where's Maxine?" sabay na tanong nila nang makarating sa amin

Pasagot pa lang ako, kaya lang may sumulpot nang isa pang grupo. Eto ata yung mga kaibigan ni Maxine "Paanong nangyari? Nainitan ba si Maxine kaya nag pass out? Bakit nangyari yon? sunod sunod na tanong nila

"Maxine.." piniga ko ang kamay ni Maxine habang pinapanood siyang matulog "..wake up"

"Ahh" ungol nya at dahan dahan na umupo sa kama "A-anong nangyari? Bakit tayo nandito?"

Napayakap ako sa kanya "I love you" sabi ko at pinaulanan nang halik ang mukha nya

"I love you too?" tugon nya na animong nag tataka sa pangyayari

"Kamusta na pakiramdam mo?" tinanong ko siya at hinawi ang mga buhok na nakaharang sa mukha nya

"Napapagod ako, Mandy" sabi nya at nag hikab "Mag papahinga muna ako" hinalikan nya ang pisnge ko at nahiga

Nang makahiga siya, inayos ko ang kumot nya at pinag masdan siya. Napa ayos ako nang may kumatok sa kwarto

"Sino po yan?" tanong ko at mag lakad papalapit dito "Tita"

"Mandy" niyakap nya ako at humagulgol "Hijo"

"Ano po'ng problema?" muling tanong ko at hinagod ang kanyang likod

"A-ang sabi nang doctor.." panimula nya "..maaring bumalik daw ang sakit sa puso ni Maxine"

"Ano po'ng i-ibig sabihin non?" agad akong nanginig at naluha

"Kinausap ako ng doctor kanina, may possibility na.. mas lumala pa ang heart failure nya"

Maingat akong pumasok sa kwarto ni Maxine. Linapag ko ang try na puno nang pagkain sa side table nya "Maxine" tawag ko sa kanya at tinapik tapik siya

Umupo siya at nag inat "B-bakit?"

"Kumain na tayo dinner" nakangiting anyaya ko at inayos ang mga kutsara't tinidor

"Sige" masaya siyang kinuha ang pagkain at sinimulan nang kumain "Kasal na tayo, hindi ba?"

"Hindi pa," natatawang umiling ako. Hinawakan ko ang kanyang kamay at tinitigan siya "Kaya mag palakas ka para bumalik tayo sa simbahan at ituloy ang kasalan" aniko at hinalikan siya sa noo

"Bakit hindi pa ngayon? Tutal naka pang kasal naman tayong dalawa?" tanong nya at kinilig

"Pwedeng pwede" sang ayon ko at natatawang tumango tango, pero may umiiyak sa puso ko at sinasabing 'Huling saya nyo na yan'

The Day She Said Goodnight (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon