CHAPTER 36: Tagaytay Trip

369 4 0
                                    

Mandy's POV 


"Malayo pa ba tayo?" tanong ni Maxine habang nasa byahe kami papuntang Tagaytay 


-Flashback-


"Stop!" sigaw ko nung huminto ang music. Nag lalaro kami ng paper dance, kung saan kailangan nyo ng kapareha mo na tumapak sa dyariyo nang hindi mawawala sa balanse at pwede na kayong gumalaw kung saan may music na ulit


 "Hahahaha!" tawa naming pareho ni Maxine nang makita silang nawawalan na ng balanse 


Hindi na kami sumali para mapahinga na den si Maxine at payag na payag ako doon 


Nag paparty kami para sa paskong nagaganap ngayon. Kanina lang ay pinalabas na den si mahal sa hospital at ang sabi ng doctor ay bawal daw siyang kumilos sa ikakapagod nya, kaya hindi na ren kami sumasali sa mga palaro. Kami na lang ang emcee at nag papapremyo 


"Mahal, gumalaw sila Cedy at Selma" nakangising bulong ni Maxine sa akin, kaya naman tinignan ko sila at nakitang tinatago ang lihim nilang pag galaw


"Gumalaw!" 

"Hahahahaha!" 

"Out na!" 


Nag tutuwaang sigaw ng mga kapamilya namin ng mapansin den iyon


"Okay, out na sila Selma't Cedy" anunsiyo ko "Doin' great, James, Nica, Richard, Angeline, Shen, Claro and.." tinignan ko sila Alexa at Xander nang tingin na nakakaasar. Sila kasi ang pinilit naming mag pareha "Xander at Alexa!" natutuwang anunsyo ko 


"Bagay po kayo!"

"Yieee!"

"Witwiw!" 


Pangaasar den ng mga kapamilya namin sa kanila. Tinignan ko naman silang dalawa, halata sa kanilang naiilang na


"Baliw ka, Mandy" usal ni Maxine. Tinawanan ko lang naman siya 


Tumugtog na muli ang kanta, kaya naman oras na nila para umalis sa dyariyo at sumayaw sa paligid. Nang ihinto ko ang kanta ay naout of balance sila Shen at Claro 


"Sayang 2,000 dahil sayo, teh!" asik nung Claro sa kapareha 

"Utot mo! Ikaw 'tong magulo at hindi mapakali eh!" tugon naman nitong Shen 


Nag tawanan namin kami dahil sa kanila. Pinatugtog ko na muli ang kanta at nag sayawan sila. James at Nica, Richard at Angeline at sila Xander at Alexa, ang mag kakapareha


"Okay, out na kayo, pre!" anunsiyo ko kila Richard at Angeline nang mangati ang binti nung lalake dahilan para mawalan sila ng balanse "Okay, tupi, tupi!" utos ko sa dalawang pares na natira. Isang paa na lang ang pwedeng makatapak doon sa dyariyo, kaya naman tinutukan talaga namin ang gagawin nilang diskarte 

The Day She Said Goodnight (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon