Chapter 3

44 1 0
                                    

Callum

Nakarinig ako ng pagpihit ng pinto na alam kong nanggaling sa main door ng kwartong ito.

Nakarinig rin ako ng paghakbang mula sala hanggang kusina, banyo hanggang dito sa kwarto at tama nga ang iniisip ko kanina, na anjan na siya. "Hi". Sabi niya ng walang gana. "Hello". Tangi kong nasabi dahil nagbabasa ako ng pocket book.

Maya maya pa ng makatapos ako ng isang chapter, iniangat ko ang tingin para makita ko siya. "Tangina". Yan ang tanging nasabi ko ng makita ko siya, para siyang anghel. Isang lalaking maputi na kulay Grey ang mga mata at sa pagkakaalam ko ay may Tapered Comb Over na haircut, matangkad rin siya at mukhang may lahi, ang perpekto niya. Tumalikod siya para ayusin ang gamit niya.

"Angsarap". Bwiset di ko alam na nasabi ko pala iyon. Akala ko nasa utak ko lang yung. Humarap siya sa akin, ngayon ay ang dulo ng T-shirt niya ay kagat kagat niya ibig sabihin nakataas ito at nakikita ko ang isa, dalawa, tatlo,... Anim, anim niyang perpektong pandesal, may dumaloy na pawis sa kaniyang abs pababa sa skinny jeans niya kaya nasundan ko ito ng tingin 'anglaki naman ng alaga niya' nasabi ko sa utak ko ng makita ang nakabakat niyang alaga, nakatitig na pala siya sa akin ng mga oras na yun habang nakangiti pakiramdam ko tuloy matutunaw ako bakit ganun? "Ano yung sinasabi mo kanina?" Shet narinig niya pala. "Angsarap mo". Hala akala ko nanaman sa utak ko lang yun. Nanlaki ang mga mata niya pero napangiti siya. "Huh? Ano?" Tanong niyang muli. "Sabi ko, anong height mo?" Pagpapalusot ko nawala na lang bigla yung ngiti niya ng di ko alam ang dahilan. "Ahh... 6'2 o 6'3". Angtangkad niya bakit ganun? 'Sana ol' Muling pagkausap ko sa utak ko.

Pagkatapos niyang magayos ng gamit ay nagpalit siya ng damit... Dito sa kwarto. "Ahh dito ka talaga maghuhubad?" Tanong ko. Hindi naman sa ayokong dito siya magpalit actually kabaliktaran nga. Pero baka di ako makapagpigil, pag naghubad siya dito ay masunggaban ko siya. "Uhhmmm... Oo, San pa ba?" Nalilito niyang tanong. Hindi na ako sumagot kaya nagsimula na siyang magtanggal ng damit.

Inuna niyang tinanggal ang pangtaas niyang T-shirt na may nakasulat o nakalagay na 'Lochlainn' kaya nakita ko nanaman ang perpektong hubog ng pang-itaas niya katawan. Sunod niyang tinanggal ay ang pantalon niya kaya ngayon ay boxer nalang ang suot-suot niya.

Tumagal ng ilang minuto pero di pa siya nagbibihis. "Bakit di kapa nagbibihis?" Tanong ko sa kaniya. "Huh?". Balik tanong niya. "Hindi ba't kaya ka nagtanggal ng damit ay dahil magpapalit ka?" Taas kilay kong tanong sa kaniya. "Ah... Hahaha". Lalo siyang pumopogi pag tumatawa. "Anong nakakatawa?". Pagsusungit ko. "Eh kasi di naman ako magpapalit, naghubad lang talaga ako, masama ba?" Wala namang masama, mabuti nga eh. "Oo, masama, kasi... Ahhmmm... Kasi... Kasi ampanget tignan... Masakit sa mata." Oo, nagsinungaling ako. "Sigurado ka bang hindi mo ito gusto?" Pang-aakit niya sabay hawak sa kaniyang abs.

Napalunok ako ng ilang beses bago makapagsalita. "Hi-hindi siyempre hindi". Lord patawarin moko sa pagsisinungaling kong muli. "Sigurado ka bang di mo ito gusto?" Sabi niya ng nakangisi habang humahakbang papalapit sa kamang hinihigaan ko. "Hi-hindi nga eh angkulit mo." Napatayo ako sanhi ng paglapit niya sa akin. "Anong ginagawa mo... Sa-sandali, tu-tumigil ka". Utal utal kong sabi habang paatras ng paatras. Palapit parin siya ng palapit.

"Patay". Ang tangi kong nasabi ng maramdaman kong pader na ang nasandalan ko. Ngumiti siya, yung nakakalokong, demonyong, pang-akit na ngiti.

Nagtagumpay siya, nakalapit siya sa akin, sobrang lapit. "Akala ko ba ayaw mo?". Shet di ko namalayang nakahawak na pala ang kaliwa kong kamay sa kaniyang mga pandesal at ang kanan nama'y nasa matitigas niyang dibdib. "Excuse me wag kang assuming gusto kasi kitang itulak kaya ako nakahawak sa'yo tsaka ayokong dumikit sa taong diko naman kilala". Sabi ko sa harap ng perpekto niyang pagmumukha. "Kung ganun kikilalanin natin ang isa't isa". Lumapit lalo ang kaniyang mukha hanggang sa isang daliri nalang ang agwat ng aming mga mukha.

Yumuko ako at sinubukang tumakbo para makatakas mula sa kaniya pero nahawakan niya ang aking braso ng mahigpit masyado siyang malakas kaya't wala akong magawa upang makatakas. Hinatak niya ako papalapit sa kaniya't ngayon ay nakapulupot ang kanang kamay niya sa'king beywang at ang kaliwang kamay naman niya ay nakahawak sa pulso ng kaliwang kamay ko.

Naglakad siya pa-abante kaya naman ako'y napapaatras. "Anong balak mong gawin?" Tanong ko sa kaniya. "Something that you'll love and you'll never forget" bulong niya sa tenga ko sabay ngisi habang umaabante parin, sa kaaatras ko ay bumagsak ako sa kama ngunit ganun parin ang aming posisyon. Lumapit ng lumapit ang mukha niya hanggang sa sinulid na lang ang pagitan ng aming mga mukha kaya napapikit nalang ako at hinintay ang susunod niyang gagawin.

Ilang segundo pa ang nakalipas pero walang nangyari. Minulat ko na ang mata ko at nakita ko siyang nakatayo na at nakaabot sakin ang kaniyang kamay. "Ako nga pala si Dmitry Seth Rabinovich Dela Vega nice to meet you". Sabi nito na nakangiti.

'Pwede nakong mamatay sa ngiting yun ano ba' . Sabi ko sa isip ko. "I'm Callum Ethaneil Hayes Ybañez nice to meet you too." Inabot ko ang kamay niya para sa iniisip kong isang shake hands pero laking gulat ko ng idinampi niya ang labi niya sa aking kamay.

Nag-init ang pisngi ko. Pero matapos niyang halikan ang kamay ko ay hinalikan niya rin ang noo ko na nag-init bigla ang buo kong mukha. Akala ko tapos na pero nanlaki ang mata ko ng halikan niya ako sa pisngi.

Kamay, noo, pisngi, at... Anong sunod?. Ah alam ko n---. Nahinto ang pagiisip ko't pakiramdam ko'y buong katawan ko na ang nag-init ng ilapat niya ang mapula't malambot niyang labi sa aking labi.

Kakalas na sana siya mula sa halik ng idiniin ko pa lalo ang labi ko sa kaniya. Hindi ko alam kung anong nagudyok sa'king gawin iyon, para akong nawala sa sarili at ganon din siya dahil bigla na lang niya akong inihiga't hinawakan sa pisngi.


Our First Night, Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon