Chapter 8

12 0 0
                                    

Callum

Habang papunta ako sa susunod kong klase ay nakasalubong ko si Dmitry na siya lang mag-isa "Hi Dmitry". Pagtawag ko sa pansin niya. "Oh Callum. Hi Callum". Dalawang beses niyang binanggit ang pangalan ko. Dalawang beses niya akong di tinawag ng Baby o Babe. Ano ba talagang nangyayari sa kaniya?

Sa kaiiisip ko ng kung ano ano hindi ko namalayan na may tao na sa harap ko kaya't nagkabanggaan kami. "Ouch".  Ang tangi kong nasabi ng matumba ako. "Hala sorry". Iniabot niya ang kamay niya sa'kin para makatayo ako.

Pagkatayo ko ay napatalon ako sa gulat ng makita ko ng malinaw ang kaniyang mukha. Isa siya sa mga kasama ni Dmitry nung araw na di ko siya pinansin. "Ah ikaw yung 'BABY' ni Dmitry diba?". Sabi niya sa akin at naine-emphasize ang salitang Baby. "Ah ako nga hehehe". Napakamot nalang ako ng ulo. "By the way, I'm Everett".  Sabay abot ng kamay para makipagshake hands. "Callum" Sabi ko at kinuha ang kamay niya.

"San ka papunta ngayon?". Tanong niya matapos magkahiwalay ang mga kamay namin. "Actually wala maglalakad lakad lang, maglilibot libot". Sagot ko sa kaniya. "Pwede ba akong sumama wala rin kasi akong gagawin eh". Sabi niya sa'kin. "Sige lang, I mean ok lang sa'kin.". Sagot ko at nagsimula ng maglakad.

Naglakad lakad kami sa campus. Sobrang tahimik, sobrang awkward. Diretso lang ang tingin ko habang naglalakad dahil naiilang ako sa kaniya. "Ah kailan kayo nagkakikala ni Dmitry?". Pagwasak niya sa katahimikan. "Ah-eh last month.". Sagot ko sa kaniya ng di siya tinitignan. "Saan?". Tanong niya. "Sa Dorm". Maikli kong sagot. "Roommates kami". Dugtong ko. "Wow roommates kayo. Ibig-sabihin araw-araw kayo nagkikita? Araw-araw ka niya tinatawag na Baby?" Tanong niya nanaman, mas mabuti na rin ito kaysa awkward.

"Dati oo pero ngayon hindi na.". Hindi ko parin siya tinitignan. "Bakit?". Tanong ni Everett. "Diko rin alam". Napayuko nalang ako dahil nakaramdam ako ng lungkot ng diko alam kung bakit. "Hindi kaya may nangyari sa kaniya?". Sa pagkakataong ito napatingin na ako sa kaniya. "Anong ibig mong sabihin?". Balik tanong ko Kay Everett. "I don't know. Family problem, personal problem, school problem, financial problem which is really impossible kasi nga sobrang yaman nila, or pwede ring problem with you."

"Everett!". Naalis ang pagtingin namin sa isa't isa at nabaling ang tingin naming dalawa sa nagsalita. "Dmitry". Bulong ko kaya siyempre ako lang nakarinig. "Bro".  Sabi ni Everett sa lumapit sa amin na si Dmitry sabay may ginawa silang handshake na diko naintindihan. "Oh Callum bakit kayo magkasama? Magkakilala kayo?". Tanong ni Dmitry sa akin. "Actually ngayon lang kami nagkakilala". Sagot ko sa kaniya. "Ah ok. By the way bro, I have to go kasi I have my next class pa eh, see you, bye Callum. ". Yun ang mga huling salitang narinig ko kay Dmitry bago siya umalis para pumunta sa kaniyang klase. "Mukha naman siyang walang problema.". Ang mga salitang iyon ni Everett ang nagpabalik sa akin sa totoong buhay. "By the way, ikaw ba wala ka bang class right now?". Tanong niya sakin. "Anong oras na ba?". Balik ko sa kaniya ng tanong.

"11:43". Sagot niya sa akin. "Ah mamayang 1 pa klase ko, last class for today. Ikaw?". Pagtatanong ko naman sa kaniya. "Tapos na actually lahat ng classes ko kaya free ako anytime. So lunch tayo? My treat.". Pag-aaya niya. "Naku wag na nakakahiya". Pagtanggi ko. "No it's ok".  Sabi niya habang umiiling. "Uhhmmm are you sure?". Tanong ko sa kaniya. "Yes I am sure. Shall we go?". He said. "Ok if you insist". Sagot ko sabay ngiti.

Nakarating kami sa cafeteria at naghanap ng seat. "Anong gusto mo?" Tanong ni Everett ng makaupo na kami. "Eh ikaw ba ano gusto mo?". Balik tanong ko. "Ikaw.". Nagulat ako sa sinabi niya kaya nanlaki ng kaunti ang aking mata. "Ano ba gusto mo, kasi ako na bahala sa kung ano ang akin.". Pagpapatuloy niya. "Ok. Ako gusto ko, hmmm. Carbonara and burger steak with rice and pink drink". Sabi ko sabay ngiti. "Ok. Angcute ng dimples mo". Narinig kong sabi niya ng makalayo ng unti sa akin papunta sa bibilhan niya ng pagkain namin. Napangiti ako dahil sa sinabi niya kasi bihira ang taong pumupuri sa dimples ko.

Habang kumakain kami ay bigla siyang nagsalita. "Tingin mo anong sanhi ng pagtigil niya sa pagtawag niya ng baby sa'yo?" Tanong ni Everett sa'kin. "Actually, I don't really have any idea why".  Sagot ko lang sa kaniya. "Ah Callum may ano, may ano ka.". Sabi niya sa akin nakapagtawag ng atensyon ko. "Hmmm?" Pagtaas ko ng kilay. "May sauce ka dito". Sabi niya sabay turo sa nguso niya.

"Dito ba?" Tanong ko sabay kapa sa kaliwang bahagi ng labi ko. "Hindi, hindi, sa kabila, sa kabila." Sagot niya. "Ito?". Tanong ko muli habang kinakapa ang kanang bahagi ng aking labi. "Hindi, dito, dit---. Haaay ako na nga".  Sabi niya ng hindi ko pa rin makapa ang tinutukoy niya. Hinawakan niya ako sa pisngi at pinunasan ang sinasabi niyang sauce. Ang lambot at ang kinis ng kamay niya, parang ulap or cotton candy.

Nagulat at muli nanlaki ang nanaman ang aking mga mata ng matapos niyang punasan ang aking pisngi gamit ang daliri niya ay sinubo niya ito. "Indirect". Shet nasabi ko nanaman ang salitang dapat nasa isip ko lang. "Huh?" Tanong niya. "Wala, wala, sabi ko masarap ba?" Shet bakit yun pa ang sinabi ko. "Mmm-hmmm". Halos malaglag ang panga ko sa narinig ko.

Our First Night, Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon