PROLOGUE

2.2K 51 1
                                    

Year 1995

Nagtatago si Yanny sa likod ng palda ng mommy nya. Takot talaga sya kapag maraming tao sa paligid nya and she hates birthday parties for the exact same reason.

She looks at her Ate Tere and Ate Clau mukhang excited ang mga ito. Hindi tulad nya, pala-kaibigan ang dalawa nyang nakakatandang kapatid.

Lumapit sila sa isang lalaking may maamong mga mata.

"Carla! I'm so glad you came!" sinabi nung lalaki sa mommy ni Yanny. Palihim nyang sinilip ito mula sa likod ng palda ng mommy nya.

"I wouldn't want to miss Aly's seventh birthday." sabi ng mommy nya.

"These must be your kids." sinabi nung lalaki habang nakatingin sa mga Ate ni Yanny.

"Oo Dennis. That is Teresa and Claudia."

"But I thought tatlo sila."

"Yes and behind me is Yanny, my youngest." her mommy said tapos pilit sya nitong hinila sa harapan.

Yumakap si Yanny sa binti ng mommy nya. Nakikita nya ang pagtataka sa mukha ng lalaki habang nakatingin sa kanya pero agad din itong nawala at pinukulan sya nito ng isang matamis na ngiti.

"They're wonderful." sinabi nung lalaki. "Manang mana sa iyo Carla. Mga future beauty queen." dagdag pa nito.

"Daddy! Daddy! Mom said I am about to blow the candles." sinabi ng isang batang babaeng naka pink na dress, pink na sapatos at may tiara pa sa ulo. She looks like a real princess Yanny thought. Nginitian sya nito. She must be Alyssa yung birthday celebrant. Yanny smiled shyly back to the girl.

"Yan na ba si Aly?" Yanny's mom exclaimed. "Ang gandang bata naman Dennis!"

"Welcome po sa party ko." sinabi nung bata sa mommy ni Yanny.

"Tara at pumasok na tayo sa loob." Sabi nung lalaki tapos sumunod na silang apat dito.

Madaming parlor games pero lahat ng ito hindi sinalihan ni Yanny. She doesn't want to join dahil lampa sya. Natatakot syang mapahiya.

"Yanny?" Yanny's mom called her. "Why don't you join the kids over there." sinabi nito habang itinuturo yung isang kumpol ng mga bata sa likod nila. Mukhang naglalaro sila ng patintero.

Umiling si Yanny. Nahihiya sya.

"Yanny you have to overcome your fears honey. A successful person isn't afraid to gamble." sinabi ng mommy nya.

Napakunot ang noo ni Yanny. She can't understand some of what her mom said to her pero may isa syang naintindihan at yun ay ang maging matapang.

She smiled at her mom before standing up.

"Okay mommy." she said then her mom kissed her cheeks before she walks towards the kids.

Hindi agad sya napansin ng mga ito dahil abala na ito sa pagkakampihan.

"Ahmmm. Pwede bang sumali?" Yanny asks pero dahil sa sobrang hina ng boses nya hindi sya narinig nung mga bata.

She closed her eyes and count from one to ten tapos huminga ng malalim.

"Pwede bang sumali?" Yanny asks, now even louder. Napatingin yung mga bata sa kanya.

"Sasali daw sya?" sabi nung isa.

"Sino sya?" sabi naman nung isa.

"Byron! Pwede pa ba daw sumali?" sigaw naman nung isa.

Lumapit kay Yanny mula sa likuran ang isang matangkad na batang lalaki. Tinitigan sya nito sa mata. Yanny started to get scared dahil sa pagtitig na ginagawa sa kanya ng batang lalaki. Kakulay ng maitim nitong buhok ang mga mata nito.

Pinasok nito ang dalawa nitong kamay sa loob ng bulsa ng maong nitong shorts.

"Hindi pwedeng sumali ang mga batang kwago dito!" nakangising sinabi nung bata kay Yanny.

"Ahhh kwago!!!!" sabay sabay na sinabi nung ibang bata at pinagtawanan din sya ng mga ito.

Naluluhang napatingin si Yanny sa lalaking nagsabi sa kanya na isa syang kwago. Nakatingin parin ito sa kanya at nakangisi.

"Hindi ako kwago!" Yanny shouted then she ran away crying.

Yanny hide under the bushes and cried. Napahiya na naman sya.

"Hindi ako kwago." she murmured to herself habang pinupunasan ang luha nya under her thick eyeglasses.

"Yanny!" she heard her mom's voice calling. Ilang beses pa sya nitong tinawag pero hindi sya sumagot. Natatakot sya dahil baka pilitin na naman sya nitong makipaglaro sa ibang bata.

"Yanny? Alam kong nandyan ka. Lumabas ka na dyan Baby girl." Yanny heard her

Mom's voice outside the bushes.

"Promise hindi na kita pipiliting makipaglaro sa ibang mga bata." her mom added.

Lumabas si Yanny na umaagos parin ang luha. Niyakap sya ng mommy nya.

"Tell me what happened baby girl." udyok nito sa kanya.

"Hindi naman ako kwago mommy diba? Tao naman ako diba?"

"You're a princess Yanny." her mom softly said to her habang hinihimas nito ang ulo nya.

Iniharap sya ng mommy nya at pinunasan ang mga luha nya.

"Yanny I want you to be a strong girl dahil hindi sa lahat ng oras the world will be kind to you at hindi din sa lahat ng oras nandito ako to protect you. Always remember that you are beautiful in your own way."

Tumango si Yanny sa mommy nya. Inabot nito ang Polaroid camera nya.

"Why don't we take a picture." her mom suggested.

Ngumiti si Yanny at itinaas ang camera.

"One two three Blue Cheese!" Yanny said then she clicked on the camera.

It was their last picture together.

A/N: I dedicate this part to gallegojean. Thank you for reading my stories. Hope you will love Yanny and Byron's story too. Enjoy reading (^_____^)b

BewitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon