CHAPTER THREE [ S l e e p i n g H e a r t ]

12 3 4
                                    

CHAPTER THREE
[ S l e e p i n g H e a r t ]

MATAMANG nakatitig sa labas ng bintana si Shibazaki. Habang hinihintay ang pag-uumpisa ng kanilang meeting.

Hinihintay nila ang bagong Inspector sa kanilang sector. Nahihiwagahan siya rito sa kadahilanan ng biglaang pagbibitiw ng kanilang kasalukuyang inspector sa kanilang sector.

Wala man lang ang isa sa kanila ang napili upang pumalit sa iniwan nitong posisyon. Dahil kung susumain ay matagal na din silang naglilingkod bilang opisyal sa kanilang kagawaran.

Kalat ang balita na bata pa raw ang pumalit sa Inspector, bali-balita rin na napakatalino at madiskarte nito.

Hindi parin niya mapigilan ang magduda, sapagkat dalawampu't-pitong taon gulang pa lamang ito. Hinding-hindi niya papalagpasin na makilala ang taong ito.

Nakakadismaya lamang dahil unang araw palang nito'y sablay na. Ipinakita lang nito pagka-unprofessional sa lahat dahil late na ito ng thirty minutes, magpahanggan ngayon ay wala pa rin ito.

Madami sa mga kasamahan niya ang pasimpleng nagrereklamo sa senior nila ngunit ang sabi---maghintay lang sila.

"Sino kaya ito at pati ang nakatataas sa amin ay kinukunsenti siya at napapasunod nito."Napapa-isip na sabi ni Shibazaki sa sarili.

Sabay niyon ang pagtayo niya upang lumabas ng function hall, dahil naiinip na siya sa pagkaka-upo. Magyoyosi na muna siya sa labas.

Ngunit bigla nalang siyang natigilan sa pagtayo ng may malakas na ugong ng motor ang narinig ng lahat galing mula sa labas. Nakita nila sa babasaging salamin na nagpark sa parking area iyon.

"Heto ba ang hinihintay namin? parang wala lang dito na late na ah!"iritang bigkas niya. Habang sinusundan itong pumasok sa hallway...

PASIPOL-SIPOL namang naglalakad sa makintab na tiles si Sachi. Masaya siya dahil ito ang unang araw na papasok siya bilang Inspector sa kagawaran dito sa Japan. Bagamat sa ibang bansa siya nagtrabaho ay pinili ng mga nakatataas na ipadala siya dito, pagkatapos niyang mapromote. Hindi niya alam kung bakit masaya pa siya. Dapat ay naiinis siya dahil mas okay kung sa ibang bansa pa rin siya pinag-stay. Tila may kung anong nabuhay sa kaloob-looban niya ng malaman niyang dito na siya sa Japan magtratrabaho.

Wala siyang ideya bakit siya ang napili, pero gagawin naman niya ang obligasyong nakaatang sa kanya. Para sa ganoon ay hindi madismaya ang mga nagluklok sa kanya.

Nagtanong siya sa reception kung saan ang meeting hall, sakto naman na may kinakausap ito sa teleponong hawak. Matagal-tagal na siya sa kinatatayuan ng gumawi ang tingin ng babae sa kanya. Bigla itong natigilan at namula ang pisngi pagkatapos.

"S-Sir s-sino po sila?"kanda-utal na tanong nito kay Sashi. Habang malagkit na nakatingin sa kanya.

Hindi niya masisi ang babae, dahil lahat yata ng babae ay ganoon ang unang expression sa kanya.

"I'm Sachi Uchida, the new selected Inspector in the Department of Investigation."sagot niya sa nakatulalang babae.

Napangiti siya dahil nanatiling tulala lamang ito sa kanyang harapan, 'di na nakapagsalita ito buhat sa pagkakatitig sa kanya.

Bigla niyang ipinitik ang daliri sa harapan ng mukha ng receptionist, gawain niya iyon. Sanay na siyang ganoon ang reaksiyon ng mga babaing nakakaharap niya. Bigla ay napahiya ang babae.

"Sir sa second floor ang meeting hall, left side third room."napayukong sabi nito sa kaniya.

"Ah okay thanks miss," pasasalamat niya sabay kindat at ngiti. Napaawang nalang ang bibig ng receptionist sa ginawa ni Sachi.

✔️A PALE YELLOW(TERROR IN RESONANCE) COMPLETED TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon