P R O L O G U E
ISANG mainit na sikat ng araw ang hatid sa panahong iyon ng tag-araw kay Lisa. Kasalukuyang nasa swimming pool siya habang nakatayo mula roon.
Kababakasan ang kanyang mga mata ng kakaibang ligalig. Ramdam niya ang mainit na dapyo ng init ng araw sa kanyang balat ngunit ang puso niya'y binabalot ng kalamigan.
Patuloy ang panunukso sa kanya ng mga kakaklaseng babae. Sa bilyon-bilyong mga kabataan isa si Lisa sa biktima ng pambu-bully ng ibang mga kabataan na nag-eenjoy sa pagtapak-tapak ng imoralidad ng isang tao.
Naramdaman pa ni Lisa ang pagtulak sa kanya ng kaklaseng babae. Mabuti nalang at magaling siyang bumalanse, kaya upang hindi siya tuluyang mahulog.
Gusto ng mga ito na tumalon siya sa swimming pool, pagkatapos ay maglakad sa buong campus habang basa ang uniporme.
Gusto man niyang lumaban pero para ano?
Lalo lamang siyang pag-iinitan ng mga ito. Lalong bumigat ang loob niya ng marinig ang sabay na pagtawa ng mga ito mula sa likuran niya.
Lalo siyang nanliit sa sarili. Naikuyom nalang niya ang mga kamao.
Naisip niya hanggang kailan siya magiging ganito...
Hanggang kailan niya isisiksik ang sarili sa mundong wala naman siyang lugar.
Walang sandali na hinihiling niya na sana balang-araw maglaho na lamang sana siya bigla. Hiling niya'y may maglayo sa kanya sa mundong kanyang ginagalawan. Kung saan maari niyang makalimutan ang lahat...
Ang hindi alam ni Lisa sa araw na iyon. Ang matagal niyang hinihiling ay matutupad na.
Ngunit sa hindi niya aasahang pangyayari na tuluyang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay...
ISANG tinig ang narinig ni Lisa at ng mga babaeng kaklase mula sa haligi ng pader. Nakita niyang nakadukwang mula roon ang isang lalaki na sa tingin niya'y estudyante rin sa paaralang pinapasukan.
Sa tingin niya'y transferee ito.
"Anong ginagawa niyo? Hmmm Ahh! Alam ko na, pambubully ba tawag diyan diba?"naa-amaze na tanong nito kina Lisa.
Nagbulungan naman ang mga kasama niya. Maski siya'y nawe-weirduhan dito.
"What ever! Gusto kasi ni Lisa na lumublob sa swimming pool habang nakasuot ng uniporme!"kantiyaw na naman ng isa sa mga kaklase niyang babae.
"Diba Lisa?"segunda pa ng isa. Wala siyang magawa kung 'di ulitin ang mga salitang sinabi ng mga ito kahit labag iyon sa sarili niya.
Muli inagaw na naman ng lalaki ang pansin ng lahat.
"Ganoon ba, habang nakasuot ng uniporme? Ako rin gusto ko din!"
Kasabay niyon ang mabilis nitong pagsampa sa kinaroroonang pader at pagtakbo nito sa roof upang tumalon pa-diretso at palusong sa swimming pool.
Isang malakas na hampas ng tubig ang sumunod na nangyari upang matalsikan siya at ng mga kaklase niyang babae ng tubig mula roon.
Patuloy lang na nagbubulungan at nagrereklamo ang mga kaklase niyang babae sa likuran niya. Habang siya'y tuluyan ng napatutok ang pansin sa lalaki.
Tuluyan na nitong nakuha ang buo niyang atensyon. Titig na titig siya sa ngiti nitong tila ka-sing init ng araw.
Mabilis na dumako ang pansin ni Lisa sa ibang direksyon kung saan mula sa itaas ng building kung saan papasok sa second floor ay kitang-kita niya ang isang lalaki rin na nakasuot ng uniporme ng kanilang eskuwelahan. Ang mga titig naman nito'y kasing-lamig ng yelo...
BINABASA MO ANG
✔️A PALE YELLOW(TERROR IN RESONANCE) COMPLETED TAGALOG
FanfictionTERROR IN RESONANCE SEQUEL (A PALE YELLOW) FANFIC Collaboration by:Babz07aziole/Adiole07 S Y P N O S I S PINAGTAGPO ng KAPALARAN sina Lisa at Twelve. MAGKAIBA ang MUNDO na kanilang ginagalawan. Si Lisa'y tahimik at halos malungkutin, habang si Twelv...