T R I V I A

13 3 0
                                    

PREVIEW OF ADIOLE07 ABOUT WINGS IN ZNT:

Hello guys I just want to share my conclusion about sa feathers. Kung bakit at ano ang papel nito sa story na ito.

Kung maalala niyo sa anime series ng "Terror In Resonance"nagpakita ito kay Twelve in episodes 06 after ng train station bombing nasa taas siya ng rooftop noon. Before that ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Lisa at Nine na gusto ng dalaga na tumulong, ngunit sa halip ay nagalit si Nine.

Kita ko sa mukha ni Twelve ang pagtataka na parang inaalisa niya ang nakikita kung bakit may mga puting pakpak ang lumilipad paitaas.

Sa ikalawang pagkakataon nakita na naman natin ito sa episodes 08 after naman ng aksidente sa airport. Which is nakabalik naman sila ng maayos at nailigtas sa kapahamakan si Lisa.
Doon uilit sa rooftop ay makikita natin kung paano tignan ng kakaiba at makahulugan ni Twelve ang mga puting pakpak tila ang mga mata nito ay nakangiti at puno ng kagalakan. Habang tinitignan ang pagtaas ng mga ito kung sa unang scene ay slow lang ang movement nito sa pangalawang scene ay mapapansing mabilis na tumataas ang mga puting pakpak.
Gusto ko lang iklaro na ang mga pakpak ay ang simbolo ng love ni Twelve kay Lisa dahil ito ay kulay puti sagisag ng pure love nito sa dalaga.
Sa unang scene makikita na slow lang itong pumapaitaas at kasabay niyon ang tila nagtatakang mukha ni Twelve base sa akin, dito niya unang naramdaman ang kakaibang damdamin. Nirerepresent din ng galaw ng mga puting pakpak ang tibok ng puso ni Twelve siguro ay naapreciate niya ang concern sa kanila ng dalaga na kahit maituturing na sila ay terorista ay pinili pa nitong sila'y makasama at matulungan din.

Sa ikalawang scene naman ay kita natin ang makahulugang pagtitig ni Twelve sa mga puting pakpak tila nangingiti ito sa nakikita. Makikitang mas mabilis at mas madami ang pumapaitaas na puting pakpak.
Ang mga pakpak kung susumain ay magaan tulad sa nararamdaman ni Twelve tila para sa kanya ang banyagang nararanasan ay nakaka aya at nakakagaan ng pakiramdam. At tulad sa galaw ng nakikita niyang mga puting pakpak ay bilis din ng tibok ng kanyang puso.

I just admit na dito niya talaga narealize na mahal na niya talaga si Lisa, dahil para kay Twelve naging buo siya dahil sa dalaga na naranasan niyang kailangan siya nito.

And then sa last episodes 11 nakita naman natin ang mga puting pakpak tulad sa second scene ay madami rin ito, ngunit ang paggalaw ng mga ito ay mabagal lang tulad ng sa unang scene na nakita ito.

Nagpakita lang ito ng mawala na sa eksena si Lisa ay ang paguumpisa naman ng pagtaas ng mga puting pakpak at sa pagtatapos ng znt ay tuluyan ngang naubos at nawala ito.

Na para sa akin ay tulad lang ng taong nagleletgo sa minamahal. Upang sa ganun ay magkaroon na din ito ng bagong simula pero alam ko na kahit mawala man ang mga puting pakpak ay siguradong mananatili naman sa puso ni Lisa ang mga panahong nagkasama sila ni Twelve.

So guys this is it, I hope nakatulong ako na naipaliwanag ko ng maayos ang gustong kong iparating sa inyo. Sa totoo lang ito ang mga eksena na pinakapaborito ko sa znt iba kc masyadong deep ang meaning neto pero kahit paano nalagyan ko naman ng sarili kong inspikolasyon.
Im so admired Twelve for being pasionate kung saan ginamay niya talaga ang sariling nararamdaman. Happy ako sa mga gumawa ng znt na kahit paano mas nakilala ko pa si Twelve on how he visualize his feelings towards to Lisa. Kung paano nila ginawa ang isang napakalalim na makahulugan at napakaganda ang mensaheng ibinigay.

Ito lang po ay base sa akin hindi ko po sinasabing mali ang conclude ng ibang nakapanuod gusto ko lang na ishare ang nasasaisip ko sana po ay nakatulong ako kahit paano. Salamat.

 Salamat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

✔️A PALE YELLOW(TERROR IN RESONANCE) COMPLETED TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon