CHAPTER SIX [ U N C E R T A I N ]

14 4 4
                                    

CHAPTER SIX
[ U N C E R T A I N ]

NAGMULAT ng mga mata si Lisa. Kagigising niya lang, agad na dumako ang  tingin niya sa alarm clock nito na nasa sa side table niya.

"8:30 a.m..."mahinang deklara ni Lisa mula sa isip.

Late na pala siyang nagising. Kunsabagay day off naman niya ngayon at wala siyang lalakarin sakali.

Nag-umpisa na siyang mag-inat  ng katawan. Ramdam niya ang pananakit ng kanyang ulo sa umagang iyon at maski  ang paghahapdi ng mga mata.

Hindi naman niya masisi ang sarili, umasa kasi siya na magkakaroon ng katuparan ang gusto niya. Ngunit tadhana na ang gumawa ng paraan muli upang paglayuin sila ni Twelve.

Halos gabi-gabi siyang umiiyak, dahil alam niyang hindi siya puweding lumapit at makipag-usap na dito.

Sa isiping 'yun ay nag-umpisa na naman muling  manglid ang kanyang luha, ano mang oras ay napipinto na namang bumagsak iyon. Hindi na yata mauubos ang mga patak ng luha niya.

Agad na siyang bumangon at nagtimpla ng kape.
Hindi na siya nag-abalang magluto ng kanyang agahan, hindi rin niya iyon makakain dahil wala rin siyang gana.

Napagdesisyon niyang lumabas at mamasyal nalang para mawili at saglit na makalimutan ang lungkot na pinagdadaanan.

Bihis na siya makaraan ang ilang minutong pag-aayos niya. Tanging suot lamang niya ay simpleng blouse na binagayan niya ng jeans saka sandals. Hindi siya nag-abalang maglagay ng lipstick sa labi. Para sa kanya  magaan sa mukha ang walang kolorete.

Pagbukas niya ng pinto ay agad siyang sinalakay ng pagka-gulat.

Hindi niya aakalain na makikita niya  sa labas ng pintuan si Twelve. Napangiti siya saglit ngunit agad din iyon napawi.

Nakangiti ito sa kanya na parang may gustong sabihin, pero tila nagdadalawang isip pa ito. Ilang segundo rin silang nanatili sa ganoong ayos.

Si Lisa na ang unang bumasag sa katahimikang nakapagitan sa kanilang dalawa ng binata pagkaraan ng ilang sandali.

"Lumabas ka na pala sa ospital Sachi, kamusta ang pakiramdam mo? Okay ka na ba, dapat ay  nagpapahinga ka muna ngayon. Hmmm... Ano ba ang pakay mo at naparito ka?"sunod-sunod na tanong ni Lisa.

Tumingin lamang ng makahulugan ang binata habang lumamlam ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Nakasuot lamang ito ng khaki short at shirt ng mga sandaling iyon.

Naalala niya ang dating Twelve, halos wala pa rin palang ipinagbago ito pagdating sa pananamit. Napapangiti nalang si Lisa sa napapansin.

"Hey Lisa..."pag-uumpisa nito. Nasa mga mata pa rin nito ang  makahulugan titig. Nanatiling nakangiti ito sa kanya ng pagkatamis-tamis.

Hindi mawari ni Lisa kung bakit bigla nalang bumilis ang tibok ng puso niya, sa paraan ng pagkakatitig sa kanya ni Twelve.

Ipinagwalang-bahala nalang niya ang mga napapansin sa lalake.

"Saan ba ang  punta mo, may lakad ka ba? Tara!  Sama ka nalang sa akin."biglang aya ni Twelve kay Lisa.

Tatanggi sana si Lisa, ngunit bigla nalang siyang hinawakan at hinila sa kamay ng binata.

"Tara may alam akong magandang pweding pasyalan. Gusto  ko sanang mamasyal doon kaso wala naman akong kasamang mamasyal. Kaya ang mabuti pa ay samahan mo na lamang ako." Patuloy na lintanya ni Twelve kay Lisa.

Napatingin si Lisa sa kamay nilang magkahugpong ni Twelve. Bigla siyang kinikilig. Ngunit alam niyang panandalian lamang ang lahat ng iyon.

Hahayaan na muna niya ang sariling mag-enjoy kasama si Twelve. Hindi niya napigilan ang sariling ngumiti habang nakatingin dito, nakita niya rin na ngumiti ito sa kanya.

✔️A PALE YELLOW(TERROR IN RESONANCE) COMPLETED TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon