CHAPTER FOUR
[ F A D E D ]MAHIGIT na sampung Buwan bago tuluyang magising sa pagkaka-coma ang binata. Sa una hindi ito nagsasalita, tila nakikiramdam lang.
Maski si Shibazaki ay hindi rin agad nakahuma, tinataniya nito ang bawat salitang sasabihin sa binata.
Nang makabawi si Twelve ay marahan siya nitong tinapunan ng tingin, ngunit nanatili pa rin na hindi bumibigkas ng salita ito.
"Kamusta ang pakiramdam mo, a-anong nararamdaman mo; may masakit ba sa iyo; gusto mo ba ng pagkain; inumin?"sunod-sunod na tanong ni Shibazaki kay Twelve.
Nakatingin lang ito sa kanya. Kumibot-dili ang labi nito, ngunit nanatili pa rin na nakapinid at hindi makabulalas ng ano mang salita si Twelve.
"Sabihin mo lang kung ano ang iyong kailangan para..." pero 'di pa niya natatapos ang sasabihin ay sumabat na ito.
"Nasaan ako, sino ka; sino ako?"Naguguluhan at tuloy-tuloy na tanong nito sa kanya.
Nabigla at hindi makaapuhap ng salita si Shibazaki kaya minabuti na lamang nitong pindutin ang intercom, upang tawagin ang Doctor ni Twelve.
Nalaman nila na may amnesia si Twelve siyanng pagkakacoma nito, sabi ng Doctor ay normal na iyon. Pero siguradong babalik din naman ang mga nawalang memorya nito paglaon ng paunti-ĺunti.
Napag-usapan na nila ng mga seniors niya kung ano ang ipapangalan sa kanya.
"Sachi.."walang-gatol na sagot ni Shibazaki patungkol sa tanong ni Twelve.
"Ikaw si Sachi Uchida."pang-uulit niya.
Tumingin ang binata kay Shibazaki halata sa mukha nito ang 'di paniniwala. Pakiramdam ng binata ay banyaga ito sa kanyang pandinig ang sinabi nitong pangalan niya.
Pero hinayaan nalang ng binata iyon. Sinabihan siyang magpahinga na siya, dahil sa susunod na linggo ay pwedi na siyang makalabas ng ospital 'pag nagkataon.
Matipid na ngumiti ang binata, lumipad ang tingin nito sa labas ng bintana ng silid nito, kung saan kitang-kita niya ang magandang tanawin. Mga lumilipad na puting pak-pak na pataas papuntang langit ang nakikita ni Sachi sa labas. Biglang nangislap sa katuwaanan ang mga mata nitong nakatutok pa rin doon.
Pinagmasdan lang siya ni Shibazaki, hinayaan muna nito na sarilinin ang mga nasa isipan nito ngayon.
Tutal ay matagal itong nakatulog kaya alam niyang lutang pa rin ang binata.
Mula sa pagkakatitig ay muli niyang naalala ang sinabi ng kanyang mga senior. Lahat ng papeles nito ay naka-ready na para sa napipintong pag-alis nito ng bansang Japan. Matagal ng naproseso ang lahat ng kakailangan nito.
Sa bansang France na ito maninirahan. Papag-aralin din ito. Pero aminado siya na kahit hindi na mag-aral si Sashi ay marunong na ito. Mataas ang IQ level nito sa madaling salita genius ito, dahil na rin sa may kakayahan ito ng "savant syndrome" ---Ang Savant syndrome ay isang kondisyon kung saan ang isang taong may makabuluhang kapansanan sa kaisipan ay nagpapakita ng ilang mga kakayahan na higit sa karaniwan. Ang mga kasanayan kung saan ang mga savants excel ay karaniwang nauugnay sa memorya. Maaaring kabilang dito ang mabilis na pagkalkula, kakayahan sa artistikong, paggawa ng mapa, o kakayahan sa musikal.
Kaya nakatitiyak siyang mabilis itong makaka-addapt ng kultura sa bansang pupuntahan nito.
Gusto nilang magkaroon ito ng normal at magandang future sa hinaharap. Sayang naman kung mapapabayaan ang angkin nitong katalinuhan at kakayahan. Papausbungin nila ang nakatagong galing ng binata, para magamit nito sa tama pagdating ng panahong ready na itong magtrabaho.
![](https://img.wattpad.com/cover/210485433-288-k27366.jpg)
BINABASA MO ANG
✔️A PALE YELLOW(TERROR IN RESONANCE) COMPLETED TAGALOG
Fiksi PenggemarTERROR IN RESONANCE SEQUEL (A PALE YELLOW) FANFIC Collaboration by:Babz07aziole/Adiole07 S Y P N O S I S PINAGTAGPO ng KAPALARAN sina Lisa at Twelve. MAGKAIBA ang MUNDO na kanilang ginagalawan. Si Lisa'y tahimik at halos malungkutin, habang si Twelv...