CHAPTER TEN [ R E V E L A T I O N ]

18 3 0
                                    

CHAPTER TEN
[ R E V E L A T I O N ]

PASADO alas-siyete na nang gabi ng dumating si Mr. Mitsuko. Agad niyang binati ang matanda pagkakita dito. Unang kita palang ni Twelve sa matanda ay magaan na ang loob niya rito. Maski ito ay tila ganoon din ang nararamdaman sa kanya.

Imbes na business muna ang pinag-usapan nila ay ang mga personal na buhay nila ang naging unang paksa nila. Tila matagal na silang magkakilala ng matanda na parang ngayon lang nakapagkita kaya sinusulit na nila ang panahon para magkamustahan. Walang pagsidlan ang kagalakan sa mukha ng matanda kapag napapatawa ito ni Twelve.

Mayamaya'y Inimbitahan ng matandang lalaki si Twelve na sa kanila maghapunan ito. Isinuhestiyon rin ni Yamade kay Twelve na sa mansyon na rin ito magpalipas ng gabi. Wala namang kaso iyon kay Twelve dahil hindi siya agad nakaupa ng pansamantalang tutuluyan kanina dahil dumiretso siya rito sa mansyon ni Mr. Yamade. Kaya milagro na ito na mismo ang nagbigay permiso sa kanyang doon na siya matulog sa pamamahay nito ngayong gabi.

Palapit na siya sa komedor ng mga ito ng mapansin niyang papasok din si Lisa. Nakasabayan pa niya ito.

"Hai Lisa,"bati sa kanya ni Twelve kasabay ng isang maiksing pagngiti ang ginawa nito. Kumibot-dili naman ang labi ni Lisa agad ang pamumula ng magkabilang pisngi niya sa ginawa nito. Agad kasing nakatawag ng pansin ang pagbati nito dahil napalakas ang pagkakabigkas nito. Hindi niya maintindihan ang trip nito, tila sinadya nito ang ganap kanina para marinig ng lahat.

Pagkaupo'y nginitian na lamang niya ang lahat. Sa buong pagkain nila ay tahimik lamang si Lisa, puro kasi business ang laman ng usapan habang patuloy na kumakain ang lahat. Laging nangunguna si Twelve sa pagmamanipula ng usapan sa hapag. Tila sanay na sanay ito sa ganoon.

"Parang hindi mo masyadong ginagalaw ang pagkain mo Lisa. Is there something bothering you?"may pag-aalalang puna ni Haise sa dalaga.

"Huh? Ahmmm w-wala. It's just like that. B-busog pa ako,"pagdadahilan na lamang niya.

"Oh cmon hindi pwedi 'yan. You have to eat more a lot. Para naman magkalaman ka pa baby. Here's take some of this,"patuloy na sabi ni Haise sa dalaga habang nag-abot ng makakain, saka patuloy na naglagay ito ng ulam sa plato niya.

Isang matipid na ngiti na lamang ang isinukli niya sa binata. Mayamaya'y isang malakas na tikhim ang narinig nila kay Twelve. Marahan itong nagpahid ng table napkin saka dahan-dahang tumayo. Nagkasalubong pa ang mga mata nila ng binata, hindi mabasa ni Lisa kung ano ang tumatakbo sa isip nito sa mga oras na iyon.

"Excuse me, I rather to go in my room now Mr. Mitsuko."ang walang ganang pagpapaalam ni Twelve sa matanda. Maski ito'y tila nakahalata rin sa tensyon na namamagitan sa hapag-kainan nila.

Hindi pa nakakatango si Mr. Mitsuko ay agad ng tumalikod si Twelve. Wala naman nagawa ang lahat ng mga naiwan, maski si Lisa'y tuluyan na rin nawalan ng gana sa pagkain. Habang si Haise naman ay nagpatuloy lamang sa pakikipag-usap sa Tito nito.

Matamang nakahiga si Twelve sa kanyang kama ng may kumatok sa kanyang pintuan. Kahit walang kagana-gana ay bumangon na ito. Nakita niyang isa sa mga katulong ito ni Mr. Yamade, ang sabi'y ipinapatawag ito ng matanda.

Agad na inayos ni Twelve ang sarili bago lumabas ng kwarto, mabilis na niyang isinara ang pinto at marahan pa niyang tinapunan ang pinto ni Lisa na kanyang nadaanan papunta sa Study room. Isang ngisi ang pumunit sa labi ni Twelve bago nagpatuloy sa paglalakad. Tuluyan ng sumigla ang binata.

NASA kalagitnaan na ng pag-uusap sila Twelve at ni Mr. Mitsuko ng may kumatok. Iniluwa niyon si Yui, tinapunan pa siya ng makahulugan ng babae bago ito nagdire-diretso sa kinauupuan ng matanda.

✔️A PALE YELLOW(TERROR IN RESONANCE) COMPLETED TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon