CHAPTER SEVEN
[ M Y L A D Y ]NANATILING nakaupo lamang sa may kama si Twelve. Mataman niya lang pinagmamasdan ang natutulog na dalaga. Saglit siyang napangiti habang patuloy na nagmamasid.
Makikinita sa mga mata ng binata kung gaano nito kamahal ang dalaga. Kapagdaka'y hinaplos nito ang pisngi ni Lisa.
Isang pangako ng pag-ibig ang ibinulong niya mula sa isip na: hindi niya hahayaang mawala pa ito sa kanyang piling. Gagawin niya ang lahat para maprotektahan lamang ang dalaga.
Kinintalan na muna niya si Lisa ng isang mabini at maiksing halik sa pisngi, bago ito tuluyang mapatayo sa kama.
Agad siyang nagtungo sa palikuran para magbihis. Nang makapagbihis ay agad na siyang dumiretso sa kusina, upang gawan ng almusal si Lisa. Matapos siyang magluto ay nag-iwan siya ng note para sa dalaga sakaling magising ito at hanapin siya.
Tuloy-tuloy itong lumabas hanggang sa makarating siya sa parking area, kung saan naroon ang motor niya. Agad niyang inilabas sa may bulsa ang susi nito at mabilis na isinuksok sa susian ng motor. Muli pa niyang tinapunan ng pansin ang nanggalingan bago nito tuluyang nilisan ang lugar.
NAGISING naman paglaon si Lisa mula sa pagkakatulog, kay gaan ng kanyang pakiramdam. Maliban lamang sa nakaramdam siya ng sakit sa may bandang ibaba niya.
Pinamulahan ng mukha si Lisa ng maalala niya ang nagdaang gabi na may namigitan sa kanila ni Twelve.
Hindi niya aakalain na makakaranas siya ng ganito kay Twelve labis siyang nagalak, ngunit bigla rin niyang naalala na panandalian lang ang lahat. Dahil Nakapagdesisyon na siya kagabi na tuluyan na niyang lalayuan at bibitawan si Twelve. Para rin naman sa kapakanan nito sakali.
Dahil iyon ang nararapat. Mahirap man, pero mas mainam na habang maaga pa'y tuluyan na siyang magpakalayo-layo rito. Habang hindi pa siya nalalango sa pagmamahal niya sa binata. Dahil mas masakit kapag pinatagal pa niya ito.
Nagpasya na siyang bumangon mula sa pagkakahiga mula sa kanyang kama. Nakita niya pa ang pulang mantsa, sagisag na si Twelve ang nakauna ng lahat sa kanya, sa buong magdamag na magkaulayaw sila ay naging napakagentle man nito. Napapangiti siya sa tumatakbo sa isip niya.
Kailanman ay hindi niya pagsisisihang ibinigay niya rito ang lahat. Para kay Lisa ang tunay na pag-ibig ay walang hinihinging kapalit.
Agad niyang kinuha mula sa sahig ang t-shirt na ginamit niya kagabi at muli iyong isinuot.
Tinawag niya si Twelve, ngunit walang sagot mula rito. Tuluyan siyang napalabas ng kuwarto upang hanapin si Twelve. Napansin niyang wala na sa may keyhole ang susi ng motor nito.
Nagdire-diretso siya sa kusina, biglang nangangalam ang sikmura niya tanda na nagugutom na siya. Sabagay sino bang hindi magugutom sa naganap kagabi.
Nabungaran niya sa may kusina ang mga pagkain na tiyak niyang inihanda ng binata sa kanya. Napaka-alalahanin talaga nito.
Nakita niya mula roon ang isang kapirasong papel. Dagli niya iyong kinuha.
"Goodmorning! Just enjoy eating my lady hope you'll enjoy it. Be ready, when I returned we continue what we didn't finish..."
-Sachi
Basa ni Lisa. Napatakip ng bibig ito, kasabay ng pamumula ng magkabilang pisngi ng dalaga. Hindi niya mapigilan ang makilig.
Napaisip siya kung ano ang hitsura ni Twelve habang nagsusulat ito ng note para sa kanya.
Biglang gumitaw sa isipan ng dalaga ang mukha ni Twelve na ngumingiti ng nakakaloko. Umiling nalang si Lisa sa naiisip.
BINABASA MO ANG
✔️A PALE YELLOW(TERROR IN RESONANCE) COMPLETED TAGALOG
FanfictionTERROR IN RESONANCE SEQUEL (A PALE YELLOW) FANFIC Collaboration by:Babz07aziole/Adiole07 S Y P N O S I S PINAGTAGPO ng KAPALARAN sina Lisa at Twelve. MAGKAIBA ang MUNDO na kanilang ginagalawan. Si Lisa'y tahimik at halos malungkutin, habang si Twelv...