CHAPTER EIGHT [ O U T S E T ]

17 3 0
                                    

CHAPTER EIGHT
[ O U T  S E T ]

ILANG oras din ang naging biyahe ni Lisa. Napatingin kapagdaka ang dalaga sa may bintana ng sinasakiyan . Manaka-naka'y nagtatanong ito sa driver kung malapit na sila.

Nakaramdam ng pagkahapo si Lisa sa mga sandaling iyon, mainam niyang isinandal ang likod mula sa kinuupuan. Lalo tuloy sinasakop ng isip ni Lisa ang tungkol kay Twelve. Sigurado siyang pinaghahanap na siya nito. Laking pasalamat niya at hindi naisipan ni Twelve na alamin ang numero niya. Tiyak agad siya nitong matutunton sakali. Tulad na lang noon.

"Ma'am nandito na po tayo,"agaw-pansin ng driver sa kanya.

Napamulat  ng mata si Lisa, bigla pala siyang nakatulog kanina dahil sa pag-iisip kay Twelve. Agad na siyang bumaba mula sa kotse, itinuro nito sa kanya ang daan papasok.

Mula sa pagpasok niya sa malaking mansyon ay nabungaran niyang may naghihintay na sa kanyang pagdating. Isang matandang babae na sa palagay niya'y mayordoma sa mansyon ni Mr. Yamade.

"Lisa ang pangalan mo diba?"bungad ng matanda kay Lisa. Mababanaag sa mukha ng matandang mayordoma ang kasiyahan.

"Opo."matipid na sagot niya.

"Ako nga pala si Mariko ang mayordoma dito. Halika at ihahatid kita sa magiging silid mo rito sa mansyon."aya sa kanya ng mayordoma. Akma sana nitong bubuhatin ang mga dala-dala niya ngunit inunahan na siya ni Lisa.

"Ako na po, magaan lang naman po ang mga ito."kiming sabi ng dalaga.

Napangiti na lamang ang mayordoma sa sagot ni Lisa.

Papanhik na sila sa hagdan ng mapansin ni Lisa ang isang babae.

Sa tingin niya'y kasing edad lamang ito ng kanyang ina. Nasa itaas na baitang ito kung saan ito nakatayo mula sa ikalawang palapag ng mansyon. Agad na napansin ito ng mayordoma.

"Ah si Maam Yui pala Lisa, siya ang kaisa-isang kapatid ni Sir Mitsuko."pagpapakilala ng mayorda kay Lisa, muli itong nagpatuloy sa paglalakad na agad namang sinundan ng dalaga.

Muling binalikan ng sulyap ni Lisa ang babae ngunit wala na ito roon. Agad na tumigil ang mayordoma sa isang pinto. Dahan-dahang isinuksok nito mula sa seradura ng pinto ang susi at marahang binuksan iyon para maipasok at makapagpahinga na rin si Lisa.

"O siya narito na tayo iha, magpahinga ka na muna. Tatawagin nalang kita kapag oras na ng pagkain. Feel at home okay..."pamamaalam ni Mariko, maingat na nitong isinarang muli ang pinto. Narinig pa niya ang papalayong yabag ng matandang mayordoma pagkatapos.

Muli niyang iginala ang tingin sa kanyang magiging silid. Okay naman ang kwartong inilaan para sa kanya. May pang-isahan na kama at sa tabi nito, naroon ang  side table. Sa left side nito ay may hindi kalakihang kabinet. Binuksan niya iyon, naiayos na pala ang mga gamit niya.

Muli niyang inilibot ang paningin at may nakita siyang isang pinto mula sa dulo, agad niya itong binuksan, banyo pala iyon; malinis kumpleto na ang gamit sa loob. Natuwa siya dahil first time niyang magkaroon ng sariling banyo.

Nahiga na muna siya sa kama, tutal ay mahaba pa naman ang oras. Mamaya na siya mgsa-shower.

Mula sa pagkakahiga sa kama ay bigla siyang nakaramdam ng kahunggahan. Maybe he just miss Twelve.

Napapikit na lamang siya habang hinayaan niyang magmalibis ang mga luhang kanina pa niya tinitimping kumawala. Hanggang sa tuluyan siyang nakatulog sa malambot na kama na kanyang kinahihigahan.

BIGLA nalang naalimpungatan ang dalaga ng may kumakatok sa  pinto nito. Mabilis siyang bumangon at tinungo ang pintuan, isang batang babae ang napagbuksan niya ng kanyang pintuan.

✔️A PALE YELLOW(TERROR IN RESONANCE) COMPLETED TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon