E P I L O G U E

23 3 6
                                    

E P I L O G U E

AFTER THREE YEARS...

KATULAD ng pag-iiba ng panahon: tag-lamig, tag-lagas; taga-sibol at Tag-init lahat ay nagbabago.

Nag-iiba...

Nag-sisimulang muli...

Katulad nalang ng kung paano nagpatuloy ang takbo sa buhay ni Twelve...

Patuloy na dumadapyo sa mukha ni Twelve ang mainit na sinag ng araw sa mukha niya.

Sariwang-sariwa ang hangin na kanyang nalalanghap na patuloy sa paghampas sa kanyang mukha, habang mabilis niyang minamaneho ang kinalulunang motorsiklo.

Hindi na siya nakapagsuot ng helmet dahil sa pagmamadali niya kaninang umalis siya ng mansyon. May importante pa kasi siyang dadaanan pagkatapos niyang puntahan ang puntod ni Nine. Ilang Buwan din naman siyang hindi nakadalaw dito, dahil sa dami ng inaasikaso niya ng nagdaang Buwan. Pagkatpos ay pupuntahan na rin niya si Lisa.

Muli naramdaman niya ang pamilyar na damdamin sa tuwing naiisip niya ang pinakamamahal. Bagamat hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimot ang puso niya sa tuwing maalala niya ang nangyari noon.

Mabilis na nabaling ang isip niya ng makarinig siya ng sunod-sunod na busina at malakas na huni ng sirena galing sa mga pulis patrol mula sa likurang bahagi ng sasakyan niya.

Mabilis na dumako ang mga mata nito sa side mirror ng motor niya, isang ngiti ang pumunit sa labi niya. Kagyat ang mga alaala sa kanyang isip.

Imbes na bagalan ang pagda-drive ay mas pinabilis pa niya ang pagpapaandar. Kamakailan ay hindi niya magawa ang magdrive ng mabilis.

Halos lumipad ang motor niya sa gitna ng highway. Mabilis siyang nag-oover take sa lahat ng mga sasakyan na nasa kanyang unahan. Kahit sandali ay makalimot siya sa dami ng inaalala niya. Mula sa mga nilagpasang mga sasakiyan ay dinig na dinig niya ang mga sunod-sunod na busina ng mga ito.

Napahalakhak ito ng tawa nang tuluyan na nga niyang malagpasan ang mga ito.

Matapos ang tatlumpu't limang minuto na byahe ay agad na niyang inihimpil ang dalang motor. Dahan-dahan siyang bumaba, tuluyan niyang itinulak ang gate na bagong pintura lamang.

Nangislap ang mga mata ni Twelve ng makita ang malinis na kapaligiran sa intitusyon na dati ay naging pansamantala niyang tirahan.

Kamakailan isa ito sa mga ipinaasikaso niya kay Shibazaki. Natuwa naman siya na maayos naman nitong nasunod ang mga bilin niya.

Kahit meron pa rin bakas ng naganap na sunog dati roon ay hindi na masiyadong mapapansin dahil sa mga inilagay doon na mga palaruan ng mga bata. Muli itong pinatayuan ng maliit na building kung saan ay naroroon ang mga pangunahing mga libreng gamot na si Twelve mismo ang nagbabayad.

Bilang pag-alala na rin niya sa mga nakasama niyang mga bata roon noon, kabilang na sina Nine at Five. Agad siyang binati ng mga nurse staff at dalawang Doctor na naroon.

Patuloy siyang naglakad sa bakanteng building na hindi niya ipinagiba. Para sa kanya mananatili pa rin ito roon. Ipinalinis na lamang niya at ginawang museum ang lugar. Libre rin ang pagpasok roon, nakita niyang marami-rami rin ang mga taong naroon na patuloy na pumapasyal at naglilibot.

Tuluyan siyang lumabas para puntahan na si Nine. Agad siyang naupo sa harapan ng marka ng mga ito. May bakal na gate na rin ang nakapalibot doon, may mga tanim na rin na bulaklak sa paligid.

Nanatili lamang siyang nakatayo habang pinagmamasdan ang mga marka. Nasa mga mata ni Twelve ang labis na pangungulila sa itinuring niyang kapatid noong panahong nasa madilim silang parte ng kanilang buhay.

✔️A PALE YELLOW(TERROR IN RESONANCE) COMPLETED TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon