CHAPTER FIVE
[ D R E A M ]NAG-UMPISANG maglakad ang binata. Hindi niya alam kung saan siya patungo, nasa isang carnabal daw siya.
Tila meron siyang hinahanap ng mga sandaling iyon. Hindi niya mawari kung ano o sino...
Hanggang tumigil ang mga paa niya sa may ferris wheel. Doon ay kitang-kita niya ang isang babae, hindi niya lang maaninag ang mukha nito. Hindi niya mabatid kung dahil sa madilim ang kinaroroonan nito o sadyang malabo ang lahat, nanatili parin itong nakatalikod mula sa kanya.
"Andito ka pala..."biglang nasabi ni Sachi ng makalapit.
"Kanina pa kaya ako naghihintay sa'yo." Kasabay niyon ang paghawak nito sa kamay ng binata. Bigla'y nakaramdam siya ng kapayapaan ng mga sandaling iyon ng tuluyan magdaiti ang kanilang balat ng babae.
Agad silang pumasok sa loob ng ferris wheel. Doon ay pinagsawa ni Sachi ang sariling titigan ang mukha ng babae.
Habang tumatagal unti-unting lumilinaw ang mukha ng babaeng kasama niya ngayon sa ferris wheel. Hanggang sa tuluyang mamukhaan niya ito...
WALANG IBA KUNG 'DI SI LISA.
Ngumiti ito sa kanya sabay sabi ng, "Bakit ngayon ka lang?"
May halong tampo at lungkot pa ang mahihimigan sa tinig nito.
Natigilan bigla si Sachi ng sa pagkurap niya'y biglang dumilim ang buong paligid.
Habang si Lisa na kanyang kaharap ay hindi na niya mahagilap.
Pinilit niyang kapain ito, ngunit tila ba'y parang bula itong naglaho sa dilim.
Iginala niya ang paningin ngunit nanatili siya sa madilim na kinaroroonan. Bigla siyang nilukuban ng pangamba't takot.
Pakiramdam niya mag-isa lang siya. Ito ang pinakaayaw niya sa lahat--- ang maiwan na mag-isa!
Nagsisigaw si Sachi, patuloy niyang tinatawag ang pangalan ni Lisa. Pero walang sagot mula sa dalaga.
Nang bigla na lamang nagliwanag, akala niya'y tapos na, pero nagkamali siya.
Dahil bigla na lamang siyang bumulusok pababa, kung saan mariin niyang ipinikit ang mga mata.
"Ito na ba ang katapusan ko?"mga katagang naisatinig niya.
BIGLANG nagising si Sachi. Tagaktak maski ang pawis niya sa buong katawan nito.
Muli niyang napanaginipan ang nakakatakot na panaginip na 'yun. Ang pagkakaiba lang ay may mukha na ang babaeng nagigisnan niya at hindi siya maaring magkamali--- si Lisa ito.Iinot-inot na tumayo si Sachi, agad siyang naglakad papuntang kusina. Naglabas siya ng pitsel na may lamang malamig na tubig, kumuha siya sa lagayan ng baso. Agad niyang sinalinan iyon ng tubig, sunod-sunod ang ginawa niyang paglagok.
Ngayon maliwanag na ang lahat sa binata, kung bakit tila may kakaiba kay Lisa.
Nagpapatunay iyon na may koneksyon sila nito, dahil si Lisa ang babaing lagi niyang napapaniginipan.
Natatakot siyang hindi niya mawari, maski ang sarili niya'y hindi niya maintindihan. Dahil magmula ng makita niya si Lisa sa may book store ay hindi na natahimik ang kalooban ng binata. Halos gabi-gabi'y dinadalaw siya ng pareho-parehong panaginip lamang.
Nahahapo na napaupo si Sachi sa upuan sa kusina, habang nakatingin mula sa labas kung saan tanaw niya ang bilog na buwan habang sakop pa rin ng kanyang isipan ang maamong mukha ni Lisa...
Sa kabilang banda naman ay hindi pa rin kumakalma ang isip ni Lisa sa naganap noong nakaraang araw dito mismo sa pinagtratrabahuhan niya.
"Hindi ko alam, naguguluhan ako. Siguro namamalikmata lamang ako..."patuloy na pagpapakalma ni Lisa sa sarili. Ngunit agad rin niyang iniba ang nasa isipan.
Hindi niya lubos maisip na makikita niya ang binata. Sa susunod na magkita sila ay sisiguraduhin niyang makikilala na siya nito. Pakiwari niya'y parang hindi siya kilala nito. Sa kaisipang iyon ay nakaramdam ito ng habag sa binata si Lisa.
![](https://img.wattpad.com/cover/210485433-288-k27366.jpg)
BINABASA MO ANG
✔️A PALE YELLOW(TERROR IN RESONANCE) COMPLETED TAGALOG
FanficTERROR IN RESONANCE SEQUEL (A PALE YELLOW) FANFIC Collaboration by:Babz07aziole/Adiole07 S Y P N O S I S PINAGTAGPO ng KAPALARAN sina Lisa at Twelve. MAGKAIBA ang MUNDO na kanilang ginagalawan. Si Lisa'y tahimik at halos malungkutin, habang si Twelv...