Chapter 1 - Excitement

51 5 3
                                    

Tatlong araw bago sila mag-outing,

Exclusive lang sa section ng Pearl ito dahil sa magandang performance ng ibang estudyante sakanila.

Lahat kasama, buti pinayagan ang grupo nina Dave kasi sila ang mga suki sa guidance.

Habang ang grupo nina Kyla ay nagkwekwentuhan, busy naman ang grupo ni Zyrenz sa pakikipag-chikahan sa mga kasama ni Nissa. Si Nissa? As usual, nag ce-cellphone. Vacant e. Haha.

Kyla's PoV

"Nakakabadtrip naman. Yung crush ko may gf na! Ayoko na tuloy sakanya." Malungkot na sabi ni Eunese.

"Huy, hayaan mo na. Dami namang iba jan. Wag mo na lang pansinin." Kalmadong sabi ni Keytherine.

"Hindi dapat pinag-aaksayahan ng panahon yang mga taong yan. Haha. Not worth it." Sarcastic na sabi ni Eara.

"Yung outing na lang pagusapan natin. Kesa ma-bv ka jan." Masiglang sabi ni Kyla.

"Ready na ba kayo guys? Kasi kung ready kayo, hindi na ko magreready. Hihingi at hihiram na lang ako." Seryosong sabi ni Eunese.

"Napakatamad mo naman!" Sabi ni Trisha Sabay hampas sa....

"How dare you to slap my face? My beautiful face?!" Sabay tayo ni Eunese at sinigaw kay Trisha.

Sabay-sabay silang tumawa.

Makalipas ang ilang minuto,  nilapitan sila ni Zyrenz at ilan sa kanyang mga kaibigan.

"Mukhang ang saya nyo dito ahh." Masiglang bati ni Zyrenz.

"Super saya. Wanna join?" Malanding sagot ni Trisha.

"Upo kayo." Alok ko. Kanya kanya nang upo, kanya kanyang pwesto. Nagkwentuhan at naglandian lang sila.

Lumapit naman sila Dave, Henry, Drew at Sef sa amin.

"Ingay nyo naman. Sali kami. Ano ba pinaguusapan nyo?" Tanong ni Dave.

"Tungkol lang sa outing. Naeexcite kasi kami ehh." Sagot ni Eunese.

"Ahh. Patabi nga. Wala nang space ehh." Sabi ni Dave kay Eunese na akmang uupo na.

Kinikilig nanaman 'tong bruhildang to. Wahahaha.

"Oyyy. May kinikilig jan!" Masiglang sigaw ko.

"Ewan ko sainyo. Maiba lang tayo, tingin niyo, san kaya tayo pupunta?" Tanong ni Eunese.

"Ewan ko. Pero sabi, maganda daw pupuntahan natin. Peaceful daw kasi mejo malayo na sa siyudad." Sagot ni Dianne. Mejo close siya sa adviser namin kaya may konti siyang alam tungkol sa surprise outing na to. Haha.

"Okay yun! Relax na relax talaga tayo dun. Kasi suregurado mahangin dun."  Sabat naman ni Drew.

"HALA?! Walang signal? Walang wi-fi? OhMyGee! Ang hirap naman ata nun.." Pasigaw na sabi ni Eara. Na siya namang ikinagulat ng lahat.

"Hala siya oh. O.A lang? Diba mas okay yun? Kasi makakapagbonding tayong lahat nang walang wi-fi na gumagambala?" Sabi ni Karl.

"Eh paano natin makaka-usap magulang natin?" Tanong ni Henry.

"Makakahanap naman siguro tayo ng signal doon kahit papano." Malumanay na sagot ni Karl.

Nag-uusap lang kami, tapos biglang tumahimik.

"Pano pag may nangyaring... wag naman sana... na masama?"

DesolationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon