Chapter 7 - Into the Woods.

27 4 0
                                    

CHAPTER 7 NAAA. :)

Dianne's PoV

Hayyyy. Bakit ba naman kami nasiraan ng sasakyan. Ang creepy kaya dito. Paano kung mangyari samin yung nabasa ko sa wattpad? Oh no!! Ayoko pa. Ayoko pang mamatayyyy! O.A much? Haha.

"Ang tahimik niyo naman, guys.." Pambabasag ko sa katahimikan.

"Bakit pa kasi ngayon tayo nasiraan ng sasakyan?.." Sabi ni Eunese

"Wala namang may gusto nun e." Sagot naman ni Dave.

Pagkatapos nun, ang tahimik nanaman nila. Parang lahat sila'y binabagabag ng kung ano man ang  nasa isip nila. Ginawa na lang namin ang naatas na gawain sa amin.

End of Dianne's PoV

--

Drake's PoV

Ano bang nakain ng mga tao na kasama ko? Haha. Napagkahahyper eh. Well, hindi naman silang lahat. Kasi si Seannen, napaka tahimik.

"Guys, tignan niyo yung mga puno oh. Ang tataas." Masiglang sabi ni Kyla. Hindi mo na iisiping masama pakiramdam niyan kanina. Haha.

"Nangliliit nga ako lalo e." Si Karl.

"Ang cool nung mga sanga e. Haha. Parang veins." Sagot ko habang naglalakad kami. Nang biglang...

"Ay kabayo!" Singhal ni Kyla na natalisod sa nakaangat na ugat ng puno ng Acacia.

"Ohhp." Sabi ko pagkasalo ko sakanya. Nabigla din kasi ako. Nakita ko si Zyrenz na papalapit saamin.

"Uy. Okay ka lang?" May pag-aalang tanong niya kay Kyla. Sabay tingin saakin.

"Oo, okay lang ako. Ang shunga ko kasi. Haha." Sagot niya kay Zyrenz. "Thank you, Drake." Sabi niya sakin sabay ngiti. Automatic na napangiti din ako.

"Ingat-ingat din kasi pag may time." Walang lingon-likod na sabi ni Seannen.

"Sorry na po." Matipid na sagot ni Kyla.

"Tama na nga yan. Gawin nalang natin yung pinapagawa ni Nissa sa'tin." Sabi ni Zyrenz saka hinawakan si Kyla sa kamay at hinila para makahabol kila Karl. At naiwan akong mag-isa. Joke. Syempre, sumunod ako. Ayoko ding maiwan no.

Mejo matagal-tagal din kaming naghahanap ng pwede naming tuluyan. Chineck ko yung relo ko napansin kong mag tu-12:30 na. Sa sobrang seryoso namin, di na namin namalayan yung oras. Haha.

"Uy, guys." Pag tawag ko sakanila. "12:30 na. Diba dapat 12 o'clock babalik na tayo?" Sabi ko.

"Oh? Tara balik na tayo. Baka mag-alala pa sila satin e." Sagot naman ni Kyla.

"Pagod na din ako. Tara na, guys." Bakas sa mukha ni Seannen nabnapagod nga siya sa paglalakad namin.

"Teka! Tignan niyo yun oh....."

------------------------------------------------------------------------------------------

Cut muna. Ahaha.

"Care for your friends and they'll care for you even more."

DesolationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon