Chapter 10 - Count off

27 4 0
                                    

Karl's PoV

"Grabe ka naman, Seannen. Parang patay na uwak lang tinitilian mo? Hindi naman yan K-Pop group e." Sabi ni Drake habang nakatakip ang tenga.

"Kadiri kaya! Tignan mo oh! Putol yung ulo!" Malakas na sigaw ni Seannen.

"Uy, anong nangyari? Okay lang kayo? Bakit sumigaw si Seannen?" Sunod-sunod na tanong ni Kyla. Halatang tumakbo sila kasi si Zyrenz ay humahangos pa ng bahagya.

"Nakakita kasi ako ng uwak na putol ang ulo dito sa kusina. Tas tinawag ko sila para tignan. Eh nandiri si Seannen." Paliwanag ko.

"Susme. Kala ko naman kung ano!" Sabi ni Zyrenz.

"Ayokong mag-stay dito, Kyla ang creepy! Please wag mong sabihin sakanila na may bahay tayong nakita." Hinawakan ni Seannen ang kamay ni Kyla habang sinasabi nya to.

"Uwak lang yan. Tanggalin mo na nga Drake." Utos ko kay Drake at sinunod naman nya. "Tsaka, kung di natin 'to sasabihin sakanila, san tayo mag sstay? Hindi naman ako papayag na doon lang. Halos puro babae kasama natin." Dagdag ko.

"Oo nga. Dito, mukhang mas safe tayo---kahit na luma na dito.." Pag sang-ayon ni Zyrenz sakin.

" Oo na! Kinilabutan lang talaga ako." Sabi ni Seannen.

"Halika na. Kanina pa tayo dito. Sure ako nag-aalala na sila." Pag putol ni Kyla sa usapan namin.

Lumabas na nga kami at nilakad na ang daan pabalik sa usapang lugar namin. Nangongolekta kami ng mga kawayan para itusok sa lupa. Para kahit papano'y may pakatandaan kami kung nasan ang bahay na aming nakita.

Kabilang grupo;

"Gutom na'ko guys. Kain tayo." Sabi ni Eunese habang may hawak na tsitsirya.

"Lagi ka namang gutom!" Pambabara ni Eara.

"Ewan ko sa'yo, Baboy!" Pabalik na asar ni Eunese.

"Wala parin sila Kyla. Ano na kayang pinag gagawa nung mga yun?" Biglang nagsalit si Trisha. "Hanapin kaya natin sila, Eunese?" Dagda niya.

"Ayoko! Di naman natin alam tong gubat na'to eh. Baka san pa tayo mapunta." Pag tanggi ni Eunese.

"Sabagay... ano? Tutungang---" Naputol ang sinasabi ni Trisha nang may nag salita.

"HI GUUUUUYSSSSSSS!!!" Malakas na sigaw ni Drake na dahilan kumbakit naglingunan ang lahat.

"Eto na pala sila eh." Masiglang sabi ni Dave.

"What took you guys so long?" Taas kilay na tanong ni Nissa kila Zyrenz.

Si Kyla na ang sumagot; "May nakita kaming bahay, kaya chineck namin yun. Plus, mejo nahirapan kaming bumalik dito."

"Well? Anong meron?" Dagdag na tanong ni Nissa.

"Malaki yung lumang bahay na nakita namin. Meron syang limang kwarto. Tas madilim sa loob, puro luma na ang mga gamit at abandunado ito." Sagot ni Kyla.

"Puntahan na natin 'to. But before that, head count muna tayo." Sabi ni Nissa. "One, two, three.... thirteen, fourteen and... wait, ba't kulang ng isa?"

------------ ------------ ------------ ------------ ------------ ------------ ------------

ITUTULOY XD

DesolationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon