Chapter 4 - Send Off

36 5 0
                                    

Kyla's PoV

5:00 am

Andito na kami sa tagpuan namin. Tropa na lang ni Nissa at Zyrenz ang inaantay. Late nanaman. Filipino time eh.

"Ang tagal naman nila. Ma-una na kaya kami para maayos na namin dun?" Asar na sabi ni Francis. Kanina pa kasi sya dito.

"Oo nga. Para pagdating nyo dun, okay na. Kyla, kayo na lang mag-antay kina Nissa at yung iba pa ha. Bagal kasi ehh. Kasya naman na siguro kami dito." Sabat ni Rille.

"Sige. Mauna na tayo. Sayang din kasi oras." Sabi ni Kuya Aldrin na naiinip na rin. Siya yung driver ng unang van.

"Sa pangalawang van nalang kami a. Una na kayo." Sabi ni Dave sa iba niyang mga kaibigan.

"Sus. Gusto mo lang sabayan si ano eh!" Pang-aasar ni Eara sakanya.

Ginawaran na lamang sya ni Dave ng masamang tingin.

Balak din sana nung iba na magpa-iwan

Eh ang kaso, sakto lang kaming natira at yung mga inaantay namin sa van.

Dalawa ang Van na sasakyan namin. Sakto na lamang samin yun. Kasama na mga gamit namin.

Nagsisakayan sila at umalis na. Naiwan kami ng tropa ko, si Dave at ang iba pa niyang mga kaibigan sa tagpuan. Inaantay namin sila Nissa, Zyrenz at iba pa.

(a/n: Lupet. Sama-sama ang leaders 'kuno' ng bawat grupo. HAHA.)

Kung susumahin ay fifteen kaming magkakasama sa van. Thirty-one lang naman ang Pearl e. Haha.

"Double check ko lang muna yung sasakyan, baka masiraan tayo. Dyan lang kayo ahh?" Sabi ni Kuya Matt.

"Sige po. Dito lang po kami." Sabi ko. At saka siya umalis.

Pagkalipas ng ilang minuto;
5:50 am

"Dumating na din kayo sa wakas." Sabi ni Drew. Paglingon ko'y nakita kong padating na ang mga inaantay namin.

"Sorry naman, boss. Haha." Sagot naman ni Nissa

Sumakay na kami sa van, iniayos ang aming mga gamit at syempre, papunta na kami sa lugar na pinaka-aantay namin!

"Gosh. Nakakaexcite!" Masayang sabi ni Nikky.

"Eto na ang hinihintay natin guysss!" Pasigaw na sabi ni Drake.

"Lezz do this!" Sabi ni Trisha.

Lahat ay puno ng enerhiya. Kanya-kanya sila ng bagay na ginagawa para maaliw.

8:30 am

(a/n: in case na malito kayo, ito ang seat plan. Seat plan? Lool.

Left Side|          |Right Side

VACANT              Henry, Karl

Trisha, Eunese      Dave, Drew

Kyla, Zyrenz       Drake, Keytherine

Nikky, Dianne, Eara, Nissa, Seannen

Kayo na po'ng umintindi. Haha. Basta may ganyan ang seatplan. ^^)

Yung iba ay nakatulog na, ako naman nahihilo na. Di kasi ako sanay sa biyahe. Si Zyrenz naman na katabi ko, gising na gising pa rin. Parang walang kapaguran. Naglalaro kasi sila ni Drake ng iPad. Siguro napansin ni Zyrenz na hindi na maganda pakiramdam ko kaya mejo tumahimik na sya.

"Okay ka lang?" Tanong niya sakin.

Ginawaran ko nalang sya ng tango at ngiti bilang sagot.

"Tulog ka nalang kaya?" Bakas sa tono ng pagsasalita niya ang pag-aalala. "Gusto mo buksan ko ang bintana?" Dagdag niya.

"Wow naman. Haha. Ok lang ako. Tutulog nalang ako. Salamat." Pagkasabi ko nito ay nginitian ko na lamang sya. Mukha namang okay na sya sa sagot ko kaya nanahimik na siya. Pero hindi ko maikaka-ila na natuwa ako sa pagiging caring niya. Haha.

End of Kyla's PoV

Samantala, mayroon namang isang tao na pinagmamasdan lang sila Kyla at Zyrenz. Tila ba mayroong hinanakit na gustong ilabas ngunit hindi magawa. Makikita mo sa mata niya ang sakit at galit na kinikimkim.

DesolationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon