Someone's PoV
Bakit ba hindi ako magustuhan ni Zyrenz? Matalino naman ako, maganda din, mabait... bakit di nalang ako? Kesa diyan sa babaeng yan. Akala nila hindi ko alam kung anong meron sila.. tss. Tas eto namang mga kaklase kong 'to.. alam naman nilang mahal ko si Zyrenz. Link pa rin sila ng Link dun sa dalawang yun. Hindi ba nila alam na nahihirapan ako? Hindi ba nila alam na nasasaktan ako sa tuwing nakikita kong magkasama sila?! Tapos hindi man lang nila pinapahalagahan itong nararamdaman ko. Pero Sorry sila. Mas matalino ako! Kailangan kong gumawa ng paraan.. kailangan...
Isang araw bago ang outing.
Kanya-kanyang punta sa mga supermarkets ang mga estudyante sa seksyong Pearl.
May iba na busy sa pagbili at pagpili ng chichirya't mga kung ano-ano pang pagkain at kukutkutin. Naghahanap rin sila ng board games para hindi sila mainip kung wala mang signal sa lugar.
May iba na di na magkanda-ugaga sa pagbili ng mga pangfirst-aid at mga gamit para sa hygiene. Hindi mo alam kung nagiinarte o talagang may balak lang kaya ganun.
May iba na walang ginawa kundi ayusin lang ng paulit-ulit ang kanilang gamit, parang may nakalimutan o kaya may itinatagong pagkain na ayaw i-share.
May mga estudyante na walang pakialam sa kung ano mang mangyayari sa kanila. Walang balak ihanda.
Merong iba na nagfafacebook at nakikipag chat. Pinag-uusapan lahat ng kanilang mga gagawin. Sa madaling sabi, kanya-kanyang trip parin.
BINABASA MO ANG
Desolation
Misterio / SuspensoA peaceful week to enjoy. Away from civilization, away from the petty human beings, away from everything that would interrupt the time that they could spend being together. An exclusive outing for the most responsible section in their school, Pearl...