Chapter 8
Wala akong matitle sa chapter na to, Guys. Haha. Pagbigyannnn!!!
--
Zyrenz' PoV
Ba't ganon tumingin si Drake kay Kyla kanina? Hayyy. Napaparanoid lang siguro ako.
"Teka! Tignan niyo yun oh." Pakasabi'y tumuro si Karl sa isang bagay sa di kalayuan. Dahilan kumbakit nawala sa isip ko yung tungkol kay Drake.
"May bahay." Sabi ni Drake.
"Eww. Pupuntahan ba natin yan? Eh mukhang luma na. Mukhang any time, susuko na yan oh." Maarteng sabi ni Seannen.
"Pwede naman na siguro yan para sating lahat. Tsaka don't judge the house by its hitsura. Hahah." Sabi ko.
"Pa-uso ka nanaman jan! Haha." Sabi ni Kyla.
"Tara puntahan natin. Tignan natin kung anong nasa loob. Malay nyo makakakita tayo ng multo. Haha." Nakakalokong sabi ni Drake.
"Eh paano sila?" Si Seannen.
"Okay lang yan. Tara na. Masaya to. Hahaha." Si Drake.
Nang nasa tapat na namin ang bahay, doon ko lang napansin na malaki pala talaga ito. May second floor at malawak.
Unang pumasok si Drake syempre. Sya pinaka curious samin e. Sunud-sunod na yun.
Pagpasok palang namin...
Samantala, sa lugar ng tagpuan nila naghihintay ang iba pa nilang kasama na bumalik na mula sa kanya-kanyang mga assigned na gawain.
"Guys, eto na yung mga nakuha naming mga kahoy panggatong. Boys, lagay nyo muna sa tabi ng sasakyan yan." Sabi ni Nissa. Agad namang tumalima yung mga lalaking may dala ng mga panggatong nila.
"Nissa, wala paring signal e. Kanina pa kami dito. Ngalay na nga kami. Magkakaroon saglit tapos mawawala." Pag eexplain ni Trisha.
"Okay lang yan. Try lang kayo ng try." Sagot naman ni Nissa. "Kuya Matt, tapos na po ba?" Tanong ni Nissa sa Driver
"Pwede na siguro to. Pero gulong parin talaga ang problema natin e." Sagot ng Driver.
"Di bale. Antayin nalang natkng bumaik yung unang van." Pagkasabi ni Nissa'y bumuntong hininga sya.
"Teka? Bakit wala pa sila Kyla?" Tanong ni Eunese na halatang inip na.
"Aba'y malay ko? Nakikita ko ba sila?" Pilosopong sagot ni Drew.
"Ikaw ba tinatanong ko?" Sabay irap kay Drew.
"Wala kasing pumapansin sa'yo eh. Kaya pinansin kita!" Sagot ni Drew.
"Tama na yan, Guys. Hanapin kaya natin sila?" Sabi ni Kate.
"Mabuti pa nga. Baka kung ano na ang nangyari sakanila." Sagot ni Dave.
"Wag na! Baka magkasalisi pa tayo. Hintayin nalang natin sila. Atsaka baka maligaw pa tayo. Mahirap na. Hindi pa naman natin alam kung nasan sila ngayon." Malakas na sabi ni Nissa. "Atsaka, siguro nakakita na yun ng pwede nating tuluyan. Malay nyo chinecheck lang nila yun." Dagdag pa niya.
"Tutunganga lang tayo dito?" Tanong ni Eara.
"Do what you want." Maikling sagot ni Nissa.
Ano pa nga bang inaasahan niyo? Kanya-kanyang buhay nanaman. Phewww.
--
Balik na ba tayo kila Zyrenz, guys?
Next chapter naaa! Haha. Peaceee! ^^ Sorry sa lame at short update. Wala talaga to sa plano e. Haha. Gusto ko lang sanang pahabain yung story.
BINABASA MO ANG
Desolation
Mystery / ThrillerA peaceful week to enjoy. Away from civilization, away from the petty human beings, away from everything that would interrupt the time that they could spend being together. An exclusive outing for the most responsible section in their school, Pearl...