Desolation
Chapter 11
"Puntahan na natin 'to. But before that, head count muna tayo." Sabi ni Nissa. "One, two, three.... thirteen, fourteen and... wait, ba't kulang ng isa?"
"Here! Sorry, may kinuha lang ako sa van." Malakas na sabi ni Nikky.
"Etong amazonang 'to kung saan-saan napupunta." Pang-aasar ni Dianne.
"Kuya Matt, di ka ba sasama?" Padingit na tanong ni Eunese sa Driver.
"Hindi na. Baka dumaan yung isang van. " sagot naman nito.
"Sige. Ingat. Dalhan ka nalang namin ng foods." Sabi ni Eunese.
"Okay. Kumpleto na tayo. Tara na para di tayo abutan ng dilim." Utos ni Nissa.
Habang nasa daan, kanya-kanyang usap ang magkakaklase.
"Okay na ba, Nikky?" Tanong ni Eara kay Nikky.
"Oo." Matipid namang sagot ni Nikky.
"Sana gumana." Sabi ni Earth.
Nakarating na sila sa bahay. Tulad ng inaasahan, di din nagustuhan ng iba ang hitsura neto. Siguro dala na din ng kalumaan ng bahay, iba na ang magiging impression mo sa loob.
"Kaya ba tayong suportahan niyan?" Tanong ni Trisha.
"Kaya yan. Syempre iwasan lang ang paglalaro ng taya-tayaan. Haha. Pero kanina nga nagtatakbuhan si Kyla at Zyrenz sa loob e. Hahahaha." Nakakalokong sabi ni Drake. Tumawa naman si Trisha.
"Oy. Grabe." Sabi ni Kyla na namumula pa.
"Tara naaa! Tignan natin yung loob." Excited na sabi ni Henry.
Sa loob ng bahay;
Seannen's PoV
Grabe. Ang malas naman. Buti pa sila Dhrei, baka nasa hotel na yung mga yun ngayon... ang sarap ng buhay. Samantalang kami, heto... nangangapa sa lumang bahay na'to.
"Seannen tignan mo'to oh." Sabi ni Nissa.
"Ano yan?" Tanong ko.
"Family portrait. Iba kamo ambiance. Nakaka curious to." Sabi ni Nissa.
Tinignan ko yung picture. Korni naman nung mga tao noon. Di uso ngumiti. Hayy.
"Oh anong meron?" Tanong ko kay Nissa.
"Diko ma-explain. But there's something in this portrait.." Sagot naman nya.
Pero kanina ko pa'to feel. Parang may nakatingin samin. Nandito kami sa sala ni Nissa at sa di kalayuan ay nag-uusap si Eara at Nikky. Mejo malapit naman samin si Henry. At hindu naman sila nakatingin banda saamin. Ugh.
------- ------- ------- ------- ------- ------- ------- ------- ------- ------- -------
LATE UPDATE AT LAME UPDATE. SORRY GUYS. SOBRANG BUSY KASI SA SCHOOL. ANG HIRAP MAG MAINTAIN. HAHA. BAWI AKO SA CHRISTMAS BREAK. SORRY!
-SeventhTale
BINABASA MO ANG
Desolation
Misterio / SuspensoA peaceful week to enjoy. Away from civilization, away from the petty human beings, away from everything that would interrupt the time that they could spend being together. An exclusive outing for the most responsible section in their school, Pearl...