"Pano pag may nangyaring... wag naman sana... na masama?" Sa wakas ay nagsalita na si Michael na kanina pa nakatitig kay Dhrei. Palibhasa kasi'y nililigawan niya.
"Wag ka ngang nega masyado, Michael." Sabi ni Ed. Kinabahan ako sa sinabi ni Michael. Pano nga kaya...?
WALANG MANGYAYARING MASAMA. HAPPY LANG, WALANG ENDING! :)
"Di naman siguro yan, basta mag pray lang tayo! Tsaka di ako papayag na may mangyari kay..." Sabi ni Dave. Kaso di na naintindihan yung sunod niyang sinabi.
"Sino Dave? Kay ano?" Tanong ni Nissa na kakadating lang kasama ang mga tropa niya.
(a/n: Ohhhh. Halos buong section ay nagpupulong. Heart Heart! :D)
"Walaaa! Kakadating lang ehh, uuriratin mo nanaman." Pabirong sabi ni Dave kay Nissa.
"Si ano yan ehh. Kilala ko." Sabi ni Eunese.
"Alam mo? Sino nga?" Sabay nilapit ni Dave yung mukha kay Eunese.
"YIIIIIEEEEEEEE!" Sabi namin.
"W- wala. Di ko na pala kilala." Nanginginig nginig n sabi ng kinikilig na bruha.
"Balik sa usapan, tingin niyo? Ready tayo?" Pagbabalik ni Michael sa creepy topic na'to. Buset namannnnn.
"Wala namang ready sa kahit anong accident ehh." Sabi ni Trisha.
"Ang problema... kaya ba nating tanggapin yung mangyayari?" Tanong ni Seannen.
Nakikinig lang ako. Nag-iisip. Pano nga ba?
"Magdasal na lang tayo at mag-ingat ng super para walang mangyaring masama." Sabi ni Henry.
"Tss. Walang ganyan. Chill lang dapat tayo diba? Reward yun satin na dapat sulitin, tama diba?!" Sabi ni Karl.
"TAMA! No nega allowed!" Sigaw ni Nissa.
"Ganito nalang. Pag may nagiging nega na, di na narin bati. Hahaha." Sabi ni Zyrenz ng may pambatang boses.
"Ang cute ng boses. Ulitin mo dali. Haha." Mangha kong sabi.
"Ay nako. Love is in the air talaga." Bitter na sabi ni Trisha.
"Loveless ka lang eh." Pang-aasar ni Drake sakanya.
"Anjan naman si Lewis eh." Pang-aasar ni Sef kay Trisha. Na sinundan ng masiglang tawa namin.
At siya namang dahilan kung bakit nawala sa isip namin ang aksidenteng iniimagine namin.
End of Kyla's PoV
BINABASA MO ANG
Desolation
Mystery / ThrillerA peaceful week to enjoy. Away from civilization, away from the petty human beings, away from everything that would interrupt the time that they could spend being together. An exclusive outing for the most responsible section in their school, Pearl...