Chapter 5 - Stranded

26 5 0
                                    

Here goes Chapter 5! Keep supporting the story guys! Share niyo na rin para lumawak yung SeventhCommunity! ^^

--

Zyrenz' PoV

Hindi ko namalayang nakatulog ako. Nagising nalang ako ng maramdaman kong may gumigising sakin. Si Kyla..

"Uy Zyrenz, gumising ka. Nasiraan tayo ng sasakyan..." pambungad niya sakin.

"Ha?! Anong oras na ba?" Tanong ko.

"Around 10 o'clock na siguro." Sagot niya.

"Kyla, ano daw nangyari?" Tanong ng kakagising palang na si Dianne kay Kyla.

"Ewan ko nga eh. Naalimpungatan nalang ako kasi ang ingay nila Dave tas ayun." Kibit balikat na sagot ni Kyla.

"Teka nga. Lalabas muna ako." Sabi ko.

Pagkalabas ko, napansin kong nasa gitna pa kami ng  gubat. Bakit kasi malayo sa siyudad at nasa may gitna pa ng gubat yung pupuntahan namin. Asar na tanong ko sa sarili ko. Pinuntahan ko nalang si Kuya Matt na Driver.

"Kuya, matagal pa ba yan?" Tanong ko.

"Hindi ko alam eh. Chineck ko naman ito kanina, okay naman. Diko alam kung bakit tinopak. Tsaka, maliban sa nasira yung makina, nabutas pa yung dalawang gulong natin dahil sa pako. Eh isa lang dala kong gulong." Sagot ng Driver.

"Hala? Eh paano yan?" Tanong kong muli

"Dalawa lang pagpipilian natin. Aantayin nating bumalik yung unang van o di kaya'y swertihang makasagap ng signal. Pero alinman sa dalawang yun, alam kong hindi natin maaayos 'to ngayong araw." Sagot ni Kuya Matt.

"Ano?! Mag-sstay tayo dito?!" Sigaw ni Eara. Na siya namang ikinabigla ko.

"Malamang ay ganon nga. Magsama-sama nalang kayo. At wag na wag maghihiwalay lalo na kung gabi na. Aayusin ko muna tong sasakyan." Simpleng sagot ng driver na para bang may tinitignan sa di kalayuan at pangiti-ngiti pa.

"Ohmygee, Zyrenz. Narinig mo ba yon?!?!" Pasigaw na sabi ni Eara.

"Malamang." Asar kong sabi. Ang sakit kasi sa tenga nung boses niya e. Nakaka-irita.

Bumalik ako sa loob ng van. Nakita ko sila Dianne, Elise at Eunese na nag-uusap; Nissa na nag cecellphone at si Kyla na... well, mag-isa parin. Mukhang masama talaga pakiramdam niya. Ang iba nama'y nasa labas at naghaharutan.

"Guys." Sabi ko para makuha ang atensyon nila. "Hindi daw maaayos ngayong araw itong sasakyan. Pwede sanang ayusin yung makina. Kaso yung dalawang gulong natin e nabutas dahil sa pako." Pag-eexplain ko. Pero iba parin talaga ang kutob ko e.

"Wala bang extrang gulong si Kuya?" Tanong ni Nissa.

"Meron, kaso isa lang." Matipid kong sagot.

"Well, ma-i-aapply na natin dito yung pagiging girls scout at boys scout natin. Haha. Let's think of this as a camping not a bad luck." Masiglang sagot ni Nissa.

"Tama. Zyrenz, tawagin mo muna ang lahat ng nasa labas. Pag-usapan natin ang gagawin." Sabi ni Kyla. Sa wakas at nag-salita na siya. Kanina pa ako nag-aalala sakanya e.

Sinunod ko naman ang sinabi ni Kyla.

End of Zyrenz' PoV

Someone's PoV

Umaayon ang mga nangyayari sa plano ah? Haha. More, guys. More. *Smirks*

DesolationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon